"Alex"
"Alex"
"Alex"
"Alex"
Tinig ng isang babaeng patuloy na nagpaulit ulit sa aking pandinig hanggang sa naramdaman ko na lang ang kamay na pilit na inuuga-uga ang aking katawan.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at laking gulat ko ng makita si Jen na nakatayo sa hagdan at kunot noong nakatitig sa akin.
Iginala ko ang aking paningin at napansin kong nakahilata pala ako sa sahig malapit sa pintuan. Pilit kong inaalala ang dahilan kung bakit ako naparoon pero tila isang mabangis na hayop at mailap ito sa aking isipan.
"Kanina pa kita ginigising Kuya
, buti na lang at nagising ka, akala ko kung ano na nangyari sayo" tuloy-tuloy na usal ni Jen at batid na batid mo ang pag-aalala sa tono ng kanyang pananalita.Di-kaagaran ang aking naging pagbangon dahil patuloy pa rin ako sa kaiisip kung paano ako napunta sa kinahihigaan ko ngayon.
Heto pa rin ako nakahilata habang binubungangaan ni Jen ngunit heto't parang tamad na tamad pa rin akong bumangon.
"Teka...teka...teka Kuya kanina pa ako dada ng dada dito pero parang kausap ko yung hangin" pagalit na sumbat nya
"Ano ba kasi ang nangyari Kuya at paanong .....sabay tigil at lagay ng hituturo sa baba at tila nag-iisip napunta ka riyan" dagdag nya pa.
"Hindi ko rin alam Jen basta sa pagkakaalala ko kagabi may narinig akong tumatawag sa pangalan ko mula sa baba. Pagkatapos nun ay nagmadali akong pagbuksan sya ng pinto tapos bigla na lang akong tumilamsik dahil sa malakas na hangin at 'di ko na alam ang mga sumunod na nangyari" madamdaming pagsasalaysay ko
"Hahahahhahahahahahahahaha" malakas na halakhak ni Jen, na nakahawak pa sa kanyang tiyan at naluluha na sa kakatawa.
"Kuya....Kuya...hahahahaha siguro...nananaginip ka at ...naglakad ng tulog papunta diyan sa pintuan" dagdag nya pa habang patuloy pa rin sa pagtawa.
"Tsk..'di nga ako nagbibiro yun nga talaga ang totoong nangyari" asik ko kay Jen
BINABASA MO ANG
Itim Na Siyudad
Mystery / ThrillerMinsan ba'y nakarinig ka na ng usap-usapan at bulung bulungan patungkol sa Misteryo ng Nawawalang Siyudad. Interasado ka ba? Pag oo'y mag-iingat ka dahil baka pagmulat ng iyong mga mata ,sila ang una mong makita. Kaya kung ako sayo sarilinin mo na l...