MATTHEW
Nay mamimiss ko kayo! Mahal na mahal ko po kayo ni Tay! -umiiyak na sambit ni Matthew
Nak mamiss ka din namin ng Tatay mo! Mag-iingat ka dun ha, tatawagan ka namin madalas para di mo kami mamiss! -Janna
Oo nga anak, ingat ka dun ha? Wag ka papaapi sa mga tao dun, tandaan mo, meron ka ding Psynergy pero wag na wag mo itong gagamitin sa paghihiganti ha? Baka pag nalaman mo na yun eh maging masama ka, wag ha anak?-Felix
Opo naman Tay, mabait ata to! Di ko gagamitin yun sa masama, at sisiguruhin ko na di ako papaapi dun! -Matthew
Anak yung bilin ko sayo ha? Kumain ka lagi ha, wag ka papagutom, saka wag ka magpapagod ha? Wala ako dun para alagaan ka, baka pag nagkasakit ka pabayaan mo sarili mo. -Janna
Opo naman Nay. -Matthew
"Lahat ng mga pasahero ng barkong MV Princess and I ay pumasok na sa loob ng mga cabin nila dahil paalis na ang barko." -narinig nila pero di alam kung saan nanggaling.
Nay ? Tay? Paano yun? Parang katabi lang natin yung nagsalita pero lahat ata ng tao dito narinig yun? Hanggaling ah? Pano yun? -Matthew
Ahh, hahahaha yun ba anak? Isa yung Wind Psynergy, kaya ng isang Wind Adept na magsalita na maririnig ng lahat ng gusto nyang marinig iyon gamit ang pagmanipulate sa hangin. Isa lamang iyong normal Wind Psynergy.-paliwanag ni Felix
Ahhh... ang galing naman, hehe nakakatuwa naman.-Matthew
Oh tawag ka na ah, diba yun yung barko mo yung MV Princess and I? Bilis baka maiwan ka pa. Teka payakap muna ng isa. Hmmmmm -Janna
Tay payakap din! Hmmm -Matthew
Anak , inuulit ko ha, wag mo papabayaan sarili mo dun!-Felix
"Tay, Nay! Aalis naaaa poooo akooooo!"-sigaw ni Matthew na papunta ng barko
JANNA/FELIX
Mamiss ko talaga batang yun (~_,~) -umiiyak na sambit ni Janna
Ako din naman eh, kala mo ba. Maging masaya nalang tayo. Pangarap yun ng anak natin eh, at isa pa, dahil nga sa nangyari noon, kailangan na rin nating sabihin kay Matthew na mayroon nga syang taglay na Psynergy. Para na rin maprotektahan nya sarili nya.-Felix
Kung normal nga lang kasi tayo , di sana di na natin tinago ang sikreto kay Matthew. Dapat di na sya umalis. Tayo nalang dapat nagturo sa kanya. -Janna
Ano ka ba, kahit di natin tinago ang sikreto kay Matthew ay tiyak aalis at aalis din naman sya, normal lang na pumunta sya sa Strawgoh, para mas lalo syang lumakas, at humusay sa paggamit ng Psynergy. -Felix
Pero iba sya, iba tayo, kaya nga tayo nagtago di ba para mabuhay ng masaya at tahimik. Sana walang makakilala sa kanya doon. Kamukha mo pa naman sya noong kabataan mo. -Janna
Wala yun, pati malay ba nilang nagkaanak tayo? Ang alam lang nila, tumakas tayo, yun lang. Buti na lang nga naipaglaban natin ang pag-ibig natin kung hindi, wala si Matthew ngayon, wala rin tayo ngayon.-Felix
Hmmm Naalala ko pa rin nung araw na tumakas tayo.
>Start of Flashback 11 years ago<
Gising Janna! Gising! -pabulong na sinabi ni Felix
Felix! Mahal ko! Kala ko di mo ako ipaglalaban, mahal na mahal kita sabay yakap kay Felix -Janna
Ano ka ba? Lahat gagawin ko, makasama ka lang, aking.... hmmm Nora?-Felix
Sinong Nora? Janna! >:{ -Janna
BINABASA MO ANG
WHEN LOVE ENTERS MAGIC (Fantasy-Romance-Action-Humor) ONGOING
FantasyMatthew Endor is a normal kid who wanted to know and used his ability called Psynergy. But his parents made it secret for a very long time because of their past and to protect Matthew. But then realizes that Matthew must know and use his skills and...