"Kael, kael." Umiiyak na tawag ko kay Kael, ang pinakamatalik kong kaibigan. Kasalukuyan akong nakadapa sa kalye dahil natalisod ako ng isang nakausling bato.
"O bakit? Riel? Napano ka ba? Di ba ang sabi ko sa'yo, dahan-dahan lang? Ang kulit-kulit mo kasi, eh. Mapapagalitan ako ni Tita Richelle niyan pag nagkapasa ka na naman." Halatang inis pero hindi maipagkakaila ang concern sa boses ni Kael habang sinasabi yun. Binalikan niya rin ako sa pinagdapaan ko.
"Kasi sina Boyet nakita kong patawid sa kabilang kanto. Aanuhin na naman ako ng mga yun kaya tumakbo na ako baka makita pa ako." Paliwanag ko.
"Hay naku, Riel. Sinabi ko naman sa'yo, di ba? Hangga't nandito ako, hindi ka maaano nila Boyet. Takot lang nila sa muscles ko!" Mayabang na sabi niyang finlex pa ang muscles. Sa edad na dose ay may kaunti nang muscles si Kael dahil tumutulong siya sa pagbubuhat ng mga hollow blocks kahit na ilang beses na siyang sinaway ng tatay niya dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Engineer ang tatay ni Kael at sila ang contractor na gumagawa ng bahay sa Phase 2 ng subdivision namin.
"Hindi ka naman kaya lagi-lagi andito. Kapag wala ka, nang-aano yang sina Boyet." Nakasimangot na sabi ko sa kanya.
"Nang-aano ba? Panay ano ang sinasabi mo, di ko naman maintindihan kung anong ginagawa sa'yo." Nagkakamot sa ulong sabi ni Kael.
Pinatulis ko ang nguso ko, "Basta! Nang-aano yan. Salbahe mga yan. Wag kang makikipagfriends sa kanila, ha, Kael?" Pakiusap ko.
Ginulo niya ang buhok ko, "Hay naku, Riel." Natatawang sabi niya.
"Paborito mo masyado yung hay naku, Riel. Bakit ba palagi mo yang sinasabi? Para kang matanda!" Inis na sabi ko sa kanya at inunahan na rin siyang maglakad patungo sa computer shop kung saan plano niyang turuan ako maglaro ng DotA.
Si Kael ang maituturing kong matalik na kaibigan at lihim na hinahangaan. Alam ko namang bata pa ako, nine lang ako, eh. Crush ko si Kael mula nung unang beses ko siyang nakitang tumutulong sa mga construction worker na gawin ang extension ng bahay namin. Pero kahit ganun ay alam kong hanggang doon lang yun dahil para na niya akong nakababatang kapatid. Solong anak kasi siya habang ako naman ay may napapagitnaan ng isang ate at bunsong lalaki. Ang alam ko nga, maski si Ate Ritz, panganay kong kapatid, ay crush din si Kael. Paanong hindi, pogi kaya niya! Kaso mas matanda si Ate Ritz kay Kael, college na siya habang Grade 6 palang si Kael. Buti nga at hindi crush ni Kael si ate, kung hindi baka hindi kami naging magkaibigan kasi panigurado, magiging silang dalawa ang magkasama palagi pag nagkataon. Pero paano kung crush pala siya ni Kael pero hindi lang niya sinasabi sa akin?
"Kael, Kael." Muling tawag ko sa kanya.
"Bakit na naman, Riel?" Sagot niya sa akin.
"Crush mo ba si Ate Ritz?" Diretsong tanong ko.
"Ha?! Bakit mo naman natanong yan" Gulat ang mukhang tanong niya. Hindi ko mabasa kung guilty siya o hindi sa tanong ko.
"Dali na, sagutin mo na. Ichachat ko si Gandalf kung nasaan ang wards n'yo nila Niccolo kapag di ka sumagot." Pananakot ko sa kanya.
"Sus! Kung alam ko lang, crush mo talaga ung Gandalf na yun at sinasabi mo talaga sa team nila ung strategy ng team namin." Iiling-iling na sabi niya. Si Raven o Gandalf sa DotA ay isa sa matinding kalaban nila Kael sa computer shop na yun. Habang boyish ang kagwapuhan ni Kael, matured naman si Gandalf, pogi rin. Pero syempre loyal ako kay Kael bilang kaibigan niya at lihim na tagahanga.
"Oyyy, hindi no! Wag mo ipasa sa akin, Kael, ha! Ikaw tinatanong ko." Sabi ko sa kanya.
"Eh, bakit mo kasi tinatanong kung crush ko si Ate Ritz?" Takang tanong ni Kael.
YOU ARE READING
In This Diary
RomanceI had a crush on him. I fell for him. I let him go. I moved on. I am trying to live. Last protagonist in our series, Gabrielle.