Ms. Lupita Maribog, tawag sa akin ng lalaking nag-iinterview. Hindi mapigilan ng mga kapwa ko aplikante ang mapatawa sa aking pangalan. Nasanay na ako mula pagkabata tampulan na talaga ng tukso ang aking pangalan. Masyado kasing mabangtot pakinggan. Yes sir, agad kong sagot sa interviewer. Saka lumapit sa kanya.Masyadong mapanuri ang interviewer, grabe tignan ba naman ako mula ulo hanggang paa. Hindi naman model ang inaaplyan ko kahit mukha akong model. Model nga lang ng suka. Okay, tanggap kana Ms. Maribog pero magsisimula ka sa babang posisyon, rinig kong turan ng interviewer.
Tuwang-tuwa ako noon, sabi ko sa sarili ko na kahit mababa lang pagsisikapin kong tumaas. Nagsimula ako sa mababa bilang janitress. Nong una sa first floor hanggang mapromote ako, sa second floor naman, tapos promotion ulit sa third floor, nalula na ako sa taas ng positon ko. Grabe sa anim na buwan ko sa kompaniyang 'yon biruin mong tatlong promotion agad ang natamo ko pero lahat sa floor, ang maging janitress.
Pero nagsumikap ako, dahil ayaw kung hanggang janitress lang ang marating ko hanggang natanggap ako sa isang advertising company. Labis-labis ang saya ko noon, biruin mo advertising. Di ba sosyal, artistahin na ang dating at mataas ang aking posisyon. Grabe, sa sobrang taas ng sasabitan ko ng billboard ganoon din kataas ang posisyon ko. Ang taga sabit ng billboard kasama ng mga barakong kasama ko.
Sa hirap nang buhay lahat gagawin ko para sa pangarap kong makapunta sa US. Nandito lang naman kasi ang aking pinakamamahal na kasintahan si Lucifer Santanas. Amerikano ito, nakilala ko siya sa isang tabloid. Sa hilig ko noong magbasa ng tabloid napulot ko 'yan sa isang seksyon ng mga naghahanap ng ka-pen pal noon.
Diese-sais ako noong magsimula kaming magsulatan, hindi uso ang chat noon. Biruin mo dalawang dekada na ang nakakalipas. Mag-jowa pa rin kami, kaya gustong-gusto ko makarating ng US dahil sa kanya.
Bawat umaga tabloid ang binabasa ko. Magkasintahang nagdi-date sa parke Tahimik barangay Malamig Parang, Marikina hinold-up. Lalaking nagbasa ng bibliya. Nag-amok, patay. Nakilala ang lalaki na si Jesus de Makasalanan, basa niya sa front page ng tabloid na binabasa.
Hayst, grabe na ang nagyayari sa ngayon. Magdi-date ka nga sa parke hohold-upin ka naman. Kaya pala maraming kabataang sa motel na lang magdi-date. Safe nga naman, aniya sa sarili. Grabe rin 'tong isang balita, tugma-tugma pa ang pangalan. Bibliya, Jesus, di makasalanan, ba't naman kasi nag-amok, himutok ni Lupita sa sarili.Lupita, rinig kong sigaw ni aling Basyang mula sa bintana ng aking mansyon. Halos mauga nga ang aking barong-barong sa sobrang pagmamadali nito. May ka-chat na raw ito na forenger at pupuntahan daw siya. Ganoon din ka-obssess itong si Aling Basyang makahanap ng foreigner na jowa. Nainggit kasi sa akin nang minsang makita akong ka-chat ko si Lucifer sa computer shop ni Aling Masa.
Halos gibahin nito ang aking barong-barong para lang ibalitang may jowa nang forenger. Hayst, paano naman kasi profile picture ba naman Cristine Reyes sino bang lalaki ang hindi mahuhumaling. Aling Basyang talaga oo.
Pero ayos din itong si Aling Basyang kung noon ay mag-isa lang akong ginagabi at inuumaga sa computer shop ngayon siya na ang partner in crime ko. Para ngang seven-eleven na kami eh, biente-kuwatro oras na bukas. Dilat ang aming mga mata para lang sa mga ka-chat namin. Biente-kuwatro ding tampulan ng balita sa bawat kanto sa aming lugar ng mga tsismosa.
Hindi ko rin maiwasang matawa lalo na kung kausap nito ang sabing jowa niya. Akalain mong nagaling din palang mag-english ito. You shut my hart, I labyu vely vely match beb. Yol my evlyting at with feelings pa ito kung magsalita. Hindi ko mapigilang mangiti sa english nito pero tuwang-tuwa naman ang kausap.
Hindi ko nga alam kong talagang mahal ako nitong si Lucifer, trena-y-sais na ako. Sa tagal naming pen pal at nagcha-chat wala pang pag-asang makita ko siya. Plano niya kasing puntahan ako noon dito sa Pilipinas pero sinabi kong ayaw ko sa lalaking hindi milyonaryo pero biro lang naman. Malay ko bang tututuhanin pa yata niya.
Diese-sais ako noon at siya'y trenta. Ngayon tren-y-sais na ako samantalang siya nama'y singkuwenta na, isang dekada na lang senior citizen na. Hay, ganito na ba ang kapalaran ko ang makapag-asawa ng gurang, anang niya sa sarili.
Ang hirap naman kasi ang humanap ng lalaking iibig sa ala-Elizabeth Ramsey kong mukha. Kaya pag-iibayuhin ko pa ang pagtatrabaho para makarating ako ng US bago mag senior citizen itong si Lucifer.
Hawak ang tabloid para makahanap ng trabaho sa clasified ads nito. Kailangan na niya talagang makahanap ng maganda gandang trabaho, 'yong magbibigay ng malaking pera sa kanya. Pero gaya nang nakasanayan kailangan muna niyang makibalita sa mga nangyayari sa paligid niya.
Babaeng tumalon, patay. Isang baklang di marunong lumangoy, nalunod. Kalahating tao lumilipad, aswang. Ano bang balita namang balita ito, hinaing sa sarili. Natural tumalon, patay talaga. At hanep na nagpapakamatay ngayon sosyal na rin sa mall na para may camera. Buhay talaga kung kailan mamatay saka magiging bida. Sa news nga lang, aniya sa sarili bago gumayak at maghahanap ng trabaho.
Habang naglalakad sa makipot na eskinita hindi maiwasang mapadaan sa mga nag-iinuman sa kanto at gaya ng dati numero uno sa tagayan itong sa Maximo at numero unong nagpapalipad hangin sa kanya. Hi Ms. Byutipul, bati sa kanya. Sana telepono ka na lang, para may pag-asang sagutin mo ako, suwabe nitong sambit sabay hagalpakan sampu ng mga kainuman.
Alam mo Maximo para kang bola, aniya. Sumabad ito. Dahil masarap bola-bolahin, nakangiti pang turan nito. Hindi. Ang sarap mo kasing ihagis, sagot ko. Hagalpakan naman ang mga ugok nitong kainuman. Akala mo ah, aniya bago tuluyang lisanin ang lugar.
Sa lupit nang kapalaran ko gaya ng aking pangalan ay wala akong mahanap na maganda-gandang trabaho kaya pati patitinda-tinda sa kalye pinatos ko na. Hindi ako pwedeng matambay eh, sayang ang oras baka uugod-ugod na si Lucifer pag nagkataon baka pati ang pangarap kong anak na stateside mawala na rin.
Sa sobrang aga ko sa lansangan mukhang napapabayaan ko na ang habit kong magbasa ng tabloid. Nang mapadaan ako sa hilera ng mga tinitindang tabloid. Grabe, hindi ko kinaya ang nakikita ko. WANTED: Lupita Maribog, kailan pa ako naging wanted sa awtoridad. Dali-dali akong nagtago baka may makakilala sa akin. Halos ayaw ko na ring umuwi sa mansyon ko sa takot kong may nakapagsabing doon ang bahay ko.
Hindi ko pinangarap ang mala-aksyong buhay, ano bang kasalanan ko, tanong niya sa sarili. Sa takot may naghihintay nang mga awtoridad sa aking mansyon ay kinailangan ko munang magtago sa aking safe house. Ang lansangan.
----Itutuloy----
BINABASA MO ANG
LUPITA(Ang Babaeng Malupit) Short Story
Short StoryBasahin kung gaano siya kalupit dumiskarte! 100% laugh trip!