Huling Birada

616 25 1
                                    



Pero hanep din tumira dito sa lansangan. Grabe ang sasarap ng pagkain, puro fried chicken kaya lang galing lahat sa basurahan. Basura galing sa fast food chain. Sa lansangan na ako tumira kasama ng batang kalye. Sa ritaso ng karton at diyaryo ako humiga. Biruin mong pati ang diyaryong hihigahan ko nandodoon ang pangalan ko.

Kaya nagpasya na akong basahin ang kuwento na nasa likod ng pagiging wanted ko. Wanted: Lupita Maribog, ang nag-iisang tagapagmana ni Don Pedro de Maano. Sa nakakaalam kung saan po siya ay ipagbigay alam lang sa kinauukulan. Nawa'y sa lalong madaling panahon bago pa tuluyang mamatay ang Don.

Hindi siya makaimik sa nababasa. Tagapagmana, ulit sa sarili pero paano. Hindi naman mayaman ang pamilya ni inay at itay noon. Hindi maaaring hindi ako anak ni itay, himutok sa sarili. Siguro'y tama ang tinutukso sa akin noong nabubuhay pa ang aking mga magulang, na hindi ako anak ni itay. Na isa akong putok sa buho.

Dali-dali akong nagpunta sa mga pulis at isuko ang aking sarili pero mahaba ang pila. Ang lahat daw ng nakapila ay Lupita Maribog. Mga babaeng nagpapanggap na siya.

Grabe parang audition ng talent show ang nangyari sa paghahanap sa akin. Akalain mong may sumayaw, kumanta, umarte, tumambling, nagmagic at kung anu-ano pa pero ako, mukha ko pa lang kilala na ng Don na ako ang hinahanap niya. Akalain mo bang sa tatay ko pala namana ang mala-model kong mukha.

Masyadong nakakalula ang sumunod na pangyayari. Ang dating mansyon kong bahay ngayon ay palasyo na. Kulang na lang ang aking priseping si Lucifer. Masyado ring mabait ang lolo ko, akalain mo bang ang dami nitong alalay sa bahay. Pero lahat may common denominator, lahat may depekto. Oo, biruin mong ang tagal kong ngumawa sa harap ng driver nito, nakangiti lang kahit nagagalit ako. Bingi pala.

Naisipan kong magswimming sa swimming pool ni lolo. Habang nagpapahinga ako lumapit ang isang alalay ni lolo. Menyomita, gumo ba mepsi, tanong nito. Ha, balik tanong ko kasi hindi ko siya naintindihan. Menyomita, gumo ba mepsi, ulit nito. Hayst, akalain mo bang ngongo pala ito at tinatanong kung gusto ko raw ng pepsi.

Nagutom ako kaya nagpunta ako sa kusina pagkatapos kong maligo. Abala ang kusinera ni lolo, tinanong ko kung anong ulam namin. Mo in meens, sigaw nitong sagot. Aba'y nakakaloka na pati kusinera ngongo din. Pork n beans daw.

Natatawa na siya sa mga tao sa paligid ng lolo niya. Aba'y gumanti ang mga ito, huwag daw akong tumawa dahil pare-pareho daw kaming hindi perpekto kasi ako kompleto man at matatas daw akong magsalita. Ang pangit ko naman daw.

Masayang-masaya ako sa kapalaran ko, kung anong nangyayari sa buhay ko. Chat kami ni Lucifer, nabigla ako at iba ang nabungaran ko. Guwapo at bata pa ang kaharap ko. Nakangiti ito sa akin, natulala ako sa sinasabi nito. Dahil siya daw si Lucifer at ang lalaking ka-chat ko ay ang tatay niya. At handa na raw niya akong puntahan dito sa Pilipinas. Halos wala akong mahapuhap na salita. Hindi ko tuloy nasabi ang maganda kong balita sa kanya.

Dumating siya, hindi ako makapaniwalang napakaguwapo nito. Maaari ko nang sabihing tama ang laging bilin ni inay noon. Na maaaring pangit ako pero lahat daw may nakalaang lalaki para sa atin. Na minsan pa ang isang pangit ay laan para sa isang guwapo. Na ang mundo ay pinapantay ng mga taong may depekto at pinupunan ng mga taong sa'yo lamang makikita ang kaligayahang hinahanap.

Sinalubong ko siya sa airport baon ang aking english. Nose bleed ako, grabe. Lahat ng tao napapalingon sa amin ni Lucifer. May natutuwa at may nasusuya. Pero basta ako masaya ako dahil hindi man natupad ang pangarap kong makarating ng US atleast nandito siya ngayon.

Inggit lang kayo, usal ko sa mapanlait na tingin ng tao sa amin ni Lucifer. Biruin mo bang napakaguwapo ang impakto dadaigin pa yata si Sam Milby. Hay, ito na ang katuparan ng pangarap ko ang magkaroon ng isang stateside na anak, na mag-a-upgrade sa aking lahi.

Gaano man kalupit ang nakaraan at anong klaseng buhay ang pinagdaraanan sa ngayon, basta huwag ka lang susuko. Ikanga nila habang may buhay may pag-asa.

'Yan ang buhay ni Lupita ang babaeng malupit dumiskarte, kuwento ni Pinyang sa dalawa niyang anak habang pinapatulog ang mga ito.

Hay naku Pinyang puro ka kalokohan, rinig niyang turan ni Marco Antonio na nasa sala. Buti nga hindi 'yong kuwento natin ang kuweninto ko eh, sagot sa asawa. Hagikgikan ang aming mga anak. Paano ba naman nakasampong ulit na nilang pinaulit-ulit ipakuwento sa akin.

Hanggang sa muli.

------Wakas---------

Tunay ngang sa reyalidad ng buhay. Ang panlabas na kaanyuan kanila huhusgahan pero sa taong tunay at wagas magmahal sa kagandahan ng loob ka nila mamahalin. Dahil wala nang ibang gaganda pa sa taong may magandang kalooban. Muli, maraming salamat po. Sa walang sawang pagsubaybay sa aking mga kuwento at akda--Jen Lyn

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LUPITA(Ang Babaeng Malupit) Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon