Wendy's P.O.V.
"GUYS FORMATION NA! TAPUSIN NA NATIN TOH PARA MAKAPAHINGA NA TAYONG LAHAT!" sabi ko sakanila para matapos na kami at makapagpahinga.
"Makalipas ang 30 minutos natapos na rin kami!
"Sge na mga ateng mauuna na kami!"paalam ni nehl kasama yung mga kaibigan namin at yung tropang puddle maliban kay ken
Bali kaming dalawa na lang dto
"Ahm!ken?!"~biglang tawag ko sakanya masyado na kasing nakakabingi ung katahimikan namin
"Bakit!?"~sya
"Naniniwala kaba sa magic? Pano kung one time pagkalooban tayo ng kapangyarihan anong gagawin mo?"~ako
"Hmmm? Siguro kung magkakaron man tayo ng magic tutulong ako sa mga tao! Yung para bang si superman🙋"nakangiti nyang sabi sakin
Akala ko puro kalokohan nanaman sasabhin nito
"Tara na uwi na tyo mag gagabi na rin!" Biglang aya ko sakanya
Hinatid nya ko papauwi samin tsaka umalis na rin sya baka kasi makita pa sya ng kuya ko mapagtripan nanaman kami na mag jowa DAW kami! pshh!
Andito na ko sa pinto at papasok na ng aming bahay.
"Ma,pa andito na po ako!"
"Oh anak andyan ka napala." Sagot ni papa.
"Tamang tama ang dating mo wendy handa na ang pagkain. Magbihis ka na ng makakain na tayo." Sagot naman ni mama
"Nako ma! Yang si wendy may boyfriend na! At hinatid pa talaga sya!"-pang aasar ni kuya kaya napahinto ako sa pagpunta saaking kwarto.
"KUYAAAA!" Sigaw ko sa kanya na syang tinawanan lang naman nya.
"Nakong bata ka, mag aral ka munang mabuti bago pumasok sa mga ganyang relasyon"- mapangaral na tono na ani mama.
Napailing nalang si papa.
Namumula nako sa hiya at galit kay kuya.
Hinabol ko si kuya na syang tumakbo naman habang tumatawa.
Grabe talaga yung mata ni kuya kala ko di niya makikita si ken! Matang lawin talaga tsk!
Natapos na kaming kumain at si mama na daw ang magliliigpit ng pinagkainan kaya pumunta nako sa kwarto ko para makapag pahinga na dahil may klase pa kami bukas.
Pano nga kaya kung totoo ang magic? Huling pagiisip ko bago ako lamunin ng kadiliman
Ken's POV
Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay sumalubong sakin yung dalawa kong kaibigan sa kwarto ko. Oo kasi sa iisang bahay lang kami nakatira
"San ka galing?"seryosong tanong ni troy sakin
"Bat antagal mo? May laro pa tayo dba??" ~matthew, nako patay yung mobile legend may laro nga pala kami kaya pala seryoso si troy ngayon, nako anong sasabhin ko??
"Ah~eh sorry" sabi ko sabay peace sign sakanila
Nagwalk out naman kagad si troy tsaka sumunod si matthew
Sus may bukas pa naman ehh , pwede naman ituloy yon init init ng ulo ng mga yon!
Matapos yon nagpalit na ako ng damit ayoko ng bumaba para kumain di naman ako gutom bukas na lng ako babawi ng kain. Pagkatapos kong magpalit ng damit nahiga na ko sa kama ko para matulog......