Now playing: Moira Dela Torre // Titibo tibo
Ako si Ligaya Joy Cuevas, Lj for short.
Elementary pa lang ako eh napapansin na ng lahat na hindi pambabae ang mga gawi at kilos ko. Mahilig akong sumali sa paglalaro ng tex at jolen sa mga sigang lalaki sa amin manghuli ng gagamba at makipagtaguan o habulan imbis na sumali sa paglalaro ng barbie, bahay-bahayan o chinese garter sa mga batang babae sa amin.
Nung nag high school na ako, napabarkada naman ako sa mga bi sa school. Yung mga babaeng babae din ang hanap. Sa halip na make up kit gaya ng ibang babae sa school namin eh gitara ang bitbit ko, mahilig kaming magjamming kumakanta sila habang ako naman ang naggigitara. Hindi ako mahilig sa make up, kahit pulbos eh di ako gumagamit. Tapos ang pormahan ko naman ay longsleeve o kaya naman ay tshirt lang pag mainit maglongsleeve.
Pero nung makilala kita nagbago bigla ang aking timpla,
"LJJJJJJJJJ!" sigaw ng bff kong si Nadine.
"Bakit ka nanaman ba sumisigaw? Ang aga aga ang ingay ingay mo."
"Galing kasi ako sa room, walang tao!"
"Eh baka walang pasok?"
"Gaga meron, nakita mo naman yung ibang classroom oh may tao tsaka wala naman bagyo."
"Ang init kaya pano magkaka-bagyo."
"Eh kasi nga diba wala lang naman tayo pasok pag may bagyo."
"Eh bakit nga ba kasi walang tao sa room? Anong oras ka ba pumasok?"
"Late lang naman ako ng 5mins. Pero pagdating ko wala talagang tao."
"LJ, NADINE!!!!!" Sigaw ni Lyrah classmate namin.
"Bakit nandito pa kayo? Malapit na magstart yung game." Dagdag nya pa.
"Anong game?" Tanong ni Nadine.
"Ha? Bakit di nyo alam? Nag announce kahapon si teacher na wala tayong morning class kasi laban ng school natin sa ibang school. Basketball competition."
"Absent ako kahapon eh, baka tulog si Lj non kaya di nya din alam."
"Tara na nga baka maubusan pa kayo ng upuan, buti na lang nakita ko kayo!"
Naglakad na kami papunta sa covered court ng school.
"Ang ganda ni lyrah no? Kahit wala syang make up." Bulong ni Nadine sa akin.
"Crush mo?" Sagot ko.
"Hoy kayo ah! Bulungan kayo ng bulungan jan, sinong crush crush nyo na yan? Kasali ba sa basketball yan? Ang dami pa naman gwapo dun!" Singit ni Lyrah
Napangiwi na lang ako sa sinabi nya. Wala nga akong kilala sa mga basketball player ng school eh. Bakit pa kasi kailangan manood kami? Pero okay din 'to. Gusto ko talaga matuto magbasketball eh.
"Wala kaming crush na lalaki no, ang papanget kaya ng lalaki dito sa school! Pano magiging gwapo mga players na yan!" Sagot ko kay lyrah
"Promise Lj, halos lahat sila gwapo! Hindi mo lang siguro sila nakikita kasi malayo yung room nila satin tsaka mas madalas sila sa basketball court eh. Lalo na si Miguel! Kyyyahhh"
"Sino naman si Miguel?" Tanong ni Nadine
"Sya yung captain ball ng school natin, sobrang gwapo nya at sobrang galing nyang mag basket ball!" Sagot ni Lyrah
YOU ARE READING
Titibo tibo
Short StoryThis is a short story na inspired sa #HimigHandog2017 entry na kinanta ni Moira Dela Torre. My short story is about sa babae na "titibo tibo" pero dahil sa isang lalaki eh yung mala tigre nyang dating ay lalambot.