Chapter 1

69 3 0
                                    

CHAPTER 1

Kasalukuyang umiinom ng coffee si Lyka sa Star Bucks malapit sa kumpanyang pinagtratrabauhan nya. Lyka Reyes is a Assistant Secretary in a Wine Company, 1 year na syang nagtratrabaho sa Company na iyon, she’s really a hardworking girl, mayaman din naman kase ang pamilya nya ay may sariling kumpanya. Pero mas gusto nyang magtrabaho sa iba at maging independent sa sarili nya. At gusto nyang kumita sa sarili nyang sikap. Gusto kase ng mga magulang nya na sa kumpanya na lang nila sya magtrabaho pero tinanggihan nya ito. Kaya heto sya ngayon mag-isang nakatira sa isang condo umuuwi lang sya sa kanila kapag day off nya.

Napansin ni Lyka na medyo kinikilig ang mga babae sa likod nya ng may pumasok na sobrang macho at sobrang gwapo sa loob ng star bucks.

“Hm, guwapo sya at macho ha? Boyfriend material. May girlfriend na kaya ito? Sa tingin ko oo dahil sa sobrang guwapo nito ay maraming nagkakandarapang chicks rito. Saying! Pero mukhang playboy?” wika nya sa isip nya.

Ng mapalingon sya sa labas ng star bucks at naruon ang ex boyfriend nya. Napangiwi sya, hanggang ngayon ay hindi pa sya tinitigilan nito, mahigit 2months na silang break nito pero pinagbantaan sya nito na hindi sya nito tatantanan hanggat hindi sya nito nakukuhang muli. Binreak nya kase ito dahil nahalata nyang may pagka manyak ito. Pero nung ligawan sya nito ay napaka gentleman at hindi nagpapakita ng ganoong uagali. 

Kinabahan sya ng papalapit ito sa kanya, napatayo sya, hindi nya alam ang gagawin nya. Nakita na lang nya ang sarili nya na papalapit sa guwapong lalaki na kinakikiligan ng mga babae sa likod nya kanina.

Ng makalapit na sya rito ay napalingon ito sa kanya. Nag-iisip sya ng gagawin nya. Ng makitang papalapit na rin sa kanya ang ex nya ay agad syang kumapit sa braso ng guwapong lalake. Nagtaka ito. Kaya bago pa sya nito tanungin ay nagsalita na sya.

“Ho-hon tignan mo tong ex ko lage akong kinukulit,ayaw nya akong tantanan. Natatakot na ako sakanya.”pagsisinungaling nito, halata sa boses nito ang kaba at takot dahil sa ex boyfriend nya.

“Hoy Lyka! Hindi mo ako maloloko may pahawak hawak ka pa sa braso ng lalaking yan hindi mo naman kilala yan, sumama ka na kase sa akin eh, paliligayahin kita.” Tumatawang wika nito.

Lalo syang natakot dahil parang mali ang lalaking nilapitan nya. Lalo syang natakot ng bigla syang baltakin ng ex nya. Napasigaw sya dahil sobrang sakit ng pagkakabaltak sakanya.

Pero nagulat sya ng hilain din sya ng lalaking nilapitan nya.

“Get off of your hands dude!”kunwa’y galit na wika nito sa ex nya.

Nanliit ang mata ng ex nya.”Hoy lalakeng mukhang labanos tigil tigilan nyo nga ako, ano binayaran ka ba nitong si Lyka para magpanggap bilang syota nya ha?”galit na wika nito

Lahat ng mga costumers sa loob ng star bucks ay mukhang natatakot narin.

“No, but I must say I have a lot of money than her.” Masungit na wika nito.

Napaismid sya sa sinagot ng lalake.”Ang yabang!”

“Huwag mo nga akong linlangin, sabihin mo na ang totoo.”

“She’s my girlfriend at wala ka ng magagwa duon kaya lumayas ka na at huwag ka ng magpapakita rito at huwag mo na syang guluhin kung ayaw mong tumawag ako ng pulis at ipakulong kita.”

Nagtiim bagang ang lalaki.”Tandaan mo ito Lyka! You’ll be Mine!” tumatawang sigaw nito.

Nakahinga sya ng maluwang ng umalis na ito pero hindi pa rin nya maiwasang hindi matakot dahil babalikan sya nito panigurado, ng mapansin nyang lumabas na ng star bucks ang lalaking tinawag nyang ‘hon’ ay sinundan nya ito para makapgpasalamat sya. Sasakay na dapat ito sa kotse ng pigilan nya ito.

Nothing's Gonna Stop Us Now  TEASERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon