CHAPTER 8 - MALING KWARTO

179 2 0
                                    

[GLENG’S POV]

Late na ko nagising. Hindi na nga ako nakapagpalit o nakapunta man lang sa kwarto ko. Sa salas na lang ako natulog kanina. Makaakyat na lang muna sa kwarto para makapag-ayos-ayos ng hitsura.

Napasimangot ako nung nakita kong mukhang may mali sa kwartong pinasukan ko, “Nasaan yung mga rubber ko? Yung cap collection ko naasan na?” bulong ko sa sarili ko.

Agad-agad akong lumabas ng bahay, tinignan ko ulit kung bahay namin ‘to. Baka kasi may naki-duplicate ng design ng bahay namin, pero hindi e, tama naman ako ng napasukan.

“KUYA MON! KUYA LOUIS! KUYA REX! KUYA...” bago ko pa mabanggit ang pangalan ng lahat ng kuya kong nagsasaya sa bahay naming dahil mga nakaday-off, dumating na agad sila sa kwarto ko.

“Bakit kayo ganyan mga kuya? Magpapatira kayo ng chiks niyo dito sa atin tapos kwarto ko pa ipapagamit niyo. Wag ganun! Babae niyo yan tapos idadamay pa pati kwarto ko. Ipatanggal niyo gamit ng kung sino mang babae na yun na naglagay ng mga damit niya at mga heels niya dito. Tapos yung mga gamit ko, yung rubber ko pati yung caps ko, ipabalik niyo dito. Naiintindihan niyo?” cool na cool kong sabi.

Nagkatinginan sina kuya tapos biglang, “BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.” Nagtawanan nanaman sila. Anong problema ng mga ‘to? Yan ang hirap kapag iisang babae ka sa pamilya tapos parang mga sira yung mga kasama mo. Hindi mo sila maintindihan.

“Paisa nga Gleng!” sabi ni Kuya Chris sabay batok sakin.

“A-AWW! ANO BA KUYA? Seryoso ko! BABAE MO BA ANG ITINITIRA MO DITO? Tssssss. Bagong buhay din pre,” sabi ko sa kanya. May pagkababaero kasi ‘tong si Kuya Chris, porke’t may-ari ng club eh.

“HAHAHA. BALIW! Kailan pa kami o ako nag-uwi ng babae dito? Hahaha. Gamit mo yan ‘di mo alam?” sagot nito sakin.

ANO DAW? GAMIT KO DAW? Hala, anong nangyari? Nabaliw ba ko para hindi ko malamang akin DAW yun. Nalasing ba ko kagabi tapos ipinatapon ko yung mga gamit ko tapos ipinapalit ko ‘to? Wow ah, ayos din pala ko pumili. HE! Imposible! Paano ko malalasing, wala namang inuman sa Acquaintance Party. Luhhhh. School kaya ‘yon tsaka Gleng hindi ka nainom, ano ba?! Mali! Mali! Mali!

“Tigil-tigilan mo ko kuya ha. Nawala lang ako kagabi dito sa bahay tapos ganto aabutan ko?” nagpipigil kong sabi.

“Binigay na namin mga gamit mo. Idinonate namin sa charity,” sabi ni Kuya Rex.

“Ah dinonate. H-HA?! BAKIT NIYO IDINONATE?!”

“Hindi mo na naman kailangan ang mga yun Gleng. Magpaka-mature ka na nga!” naiinis na sabi ni Kuya Chris.

“ANO BA KAYO? DESISYON KAYO NG DESISYON NG HINDI MAN LANG HINIHINGI YUNG OPINYON KO, EDI KAYO MAGSUOT NYAN!” pagalit kong sabi. Pikon na pikon na talaga ko dahil kahit naman ikinatuwa ko kahit papaano ang sinuot ko kagabi, hindi parin yun nangangahulugang gusto ko na yun ulit-ulitin sa araw-araw ng buhay ko. Mas komportable pa rin ako sa mga damit ko noon.

Paalis na ako sa kwarto ko para magpalamig ng ulo ng biglang hinigit ako ni Kuya Louis at niyakap, “Gleng” malumanay na pagkakasabi ni Kuya Louis sabay halik sa noo ko. Sweet talaga ng favorite kuya ko!

“ANO?” galit-galitang pagpupumiglas ko sa kanya pero naging dahilan yun para mas higpitan ng mahal kong kuya ang pagkakayakap niya sakin.

Mahinahong sinabi ni Kuya Louis na “Bagay ba?!” kasabay ng paghigit niya ng maong shorts na isinukat-sukat niya sa kanya plus bakla-baklaan pose.

ROSHAN: HIGHSCHOOL BANG! [Ang Unang Kabanata]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon