CHAPTER 13 - ROOM

206 3 0
                                    

[GLENG’S POV]

Marso na, pitong buwan na atang nanliligaw si Mark. Andami niya na ring pinagbago in a good way. Ako din naman ganun. Ewan. Feeling ko parehas kaming naging better person. Hindi man official na kami, ramdam naman namin na andyan kami lagi para sa isa’t isa.

Nakakatuwa lang kasi pitong buwan niya ng pinaparamdam ang pagmamahal niya sakin. Sa bawat araw na dumadaan ay ipinapakita niya sakin na nadadagdagan yung pagmamahal niya at ni hindi ko naramdaman na nababawasan yun gaya ng nangyayari sa iba. Natutuwa ako kasi kahit hindi ako nagsasabi ng I LOVE YOU TOO sa bawat I LOVE YOU niya, na kahit hindi ko ipinapakitang MAHAL KO NA DIN SIYA eh nandyan pa rin siya para magmahal ng magmahal ng magmahal kahit pwedeng humantong ang pagmamahal niya sa wala.

Ngayong araw na to, nakaipon na ako ng sapat na lakas ng loob para masabi ko na ring akin siya. Ang selfish no? Ganun ata talaga pag nagmamahal. Sino ba namang may gusto ng kahati? Wala naman. Tingin ko eto na talaga ang tamang araw. Si Wilson pa lang ang nakakaalam na sasagutin ko na si Mark ngayon. Mamaya gagawin ko yung best ko mapatumbling ko lang ang puso niya. E syempre naman wala akong ka-sweet sweet sa kanya tapos biglang sasagutin ko na lang ganun? Ilang beses na siyang nagtanong kung kami na ba tapos laging negative, kaya siguro it’s my turn naman. Sana wag siya masyadong ma-shock kasi walang cue, biglaan lang. Goodluck  talaga sakin. Sana hindi ako mautal. Kinakabahan pa man din ako.

Pumasok ako ng maaga. Bago ko pa matext si Mark na huwag na akong sunduin, nauna na siyang magtext. Sabi niya may tatapusin lang daw siya kaya mauna na daw ako kasi baka malate pa daw ako.

Pagkapasok ko ng gate, nakasalubong ko ang nakayuko habang naglalakad na si Ashley.

“Ash, good morning! Saan ka pupunta?” tanong ko rito dahil hindi papunta sa classroom ang direksyon siya.

Iniangat niya ang ulo niya, “Oh ikaw pala, Gleng. May aayusin lang ako saglit para sa organization,” sambit nito.

“Wow! Sipag talaga ni Pres. ah,” biro ko sa kanya. “Teka Ash, umiyak ka ba?” tanong ko sa kanya dahil parang maga ang mga mata nito.

“H-ha? Hindi ah. Tinapos ko lang kasi yung documentation tsaka narrative report para dun sa event nung February. Kailangan na kasi ipasa eh, napuyat tuloy ako,” nakangiti niyang pagpapaliwanag.

“Ah ganun ba? Pahi-pahinga din kasi. Hindi ka makina. Sige, una na ko sa room,” pagpapaalam ko kay Ashley.

“Haha. Oo nga naman. Salamat! Makakapagpahinga na rin naman ako after. Sige, bye!” pagpapaalam naman niya.

Dumiretso na agad ako sa room pagkatapos naming mag-usap. Pagkarating ko eh sarado ito. Tinitigan kong mabuti kung may padlock. Wala naman. Di naman nakalock kaya binuksan ko na.

Pagpasok ko, biglang tumugtog ang kantang KUNDIMAN ng SILENT SANCTUARY. Isa yun sa mga favorite song ko kaya intro pa lang alam ko na. Anong nangyayari sa room? Soundtrip in the morning? Tahimik ang mga classmate ko pero yung mga ngiti nila hindi mo maintindihan kung meron bang masamang binabalak. Mag-rerevenge na ba sila dahil sa pagiging mean girl ko nung first day? Hindi makalimutan ganun? Bakit din ganito ang arrangement ng room? Oops! DATE CHECK! Teka! Hindi naman February 14 ah.

Surprise ‘to for sure. Hindi naman sila aacting na parang mga abnoy sa harapan ko diba kung isa lang tong normal na araw at medyo natuluyan na ang sayad sa utak ng mga kaklase ko kaya natripan nila ang romantic set-up, unless may play pala kaming academic requirement tapos hindi lang ako aware. Pero syempre hindi naman maiaalis sakin na kiligin ng palihim kasi malakas ang hinala ko na baka kaya hindi sumabay si Mark e dahil dito. Yieee! Ambisyosa! Haha

ROSHAN: HIGHSCHOOL BANG! [Ang Unang Kabanata]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon