Chapter 1-Yana

8 0 0
                                    

Bago ang lahat magpapakilala muna ako. Hi. Ako nga pala si Arriana Louise Gonzales. Some calls me Arriana, Louise pero yung mga taong talagang nakakakilala sa akin calls me Yana, yan naman talaga yung nickname ko. Im 15 years old. 3rd year high school sa St. Agustin Academy . Simpleng babae lang, masayahin, mabait, friendly, di naman ganoon kayaman. Sakto ng nakakakain ng tatlong beses sa isang araw pero minsan apat hanggang lima. Hahahaha. I love to sing, dance, act, write, eat, lahat na!

May nalalabi na lang na dalawang araw bago mag graduate ang batch ng mga fourth year ngayon. Ang bilis ng panahon parang kailan lang mga nene at totoy pa lang kami tapos ngayon gragraduate na sila.

Malaki ang naging impact ng batch nila sa akin, hindi ko naman sila ka-close lahat pero mostly kasi ng mga taong talagang malapit sa akin ay nasa batch nila. Tulad na lang ni Kuya Homer na naging kuya-kuyahan ko na. Si Kuya Dennis na naging tatay-tatayan ko. Si Ate Joy na naging anak akong takwil. Si Ate Ella na kabwisitan ko at marami pang iba. Sila na rin ang nagsilbing mga ate't kuya ko sa SAA.

Mostly ng mga kaclose ko sa kanila ay kasama ko sa Master's of Music, ang official chorale ng school namin. Im part of that group actually it's a family for me, Im the vice president.

May isa pang dahilan kung bakit sobrang tumatak sa akin ang batch nila, yun ay dahil nasa batch nila ang taong minahal at minamahal ko hanggang ngayon, si My. He's whole name is Micheal Carl Lacson nickname nya yung My ewan ko bakit. Ayun, he's my ex.. ex-friend, ex-bestfriend, ex-kuya, ex-kapatid, ex-boyfriend, he's my ex pero ang pagmamahal ko sa kanya? Di pa din nae-ex.

Siya.. siya yung dahilan kung bakit maraming tanong sa isip ko. Kung bakit nasasaktan ako ngayon. Kung bakit umaasa akong mabubuo ulit ang puso ko. Ang taong nang-iwan sa akin. Ang taong nangako pero napako. Ang taong kahit sinaktan ako'y mahal na mahal ko pa din.

Isa lang naman ako sa milyon milyong taong nabiktima ng forever.

Since maggragraduate na siya, gusto kong maclarify na ang lahat ng tanong sa isip ko. Pagkakataon na din para masabi ko sa kanya lahat-lahat ng kinikimkim ko, lahat ng sakit. Malay ko ba kung ito na pala ang huli naming pagkikita diba? At least nasabi ko lahat sa kanya, at least wala akong pagsisisihan. At gagawin ko yun sa pamamagitan ng isang sulat..

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon