Chapter 2-Let's do this

2 0 0
                                    

Hinati-hati ko part by part yung mga sasabihin ko. It's more like of throwback letter. Mukhang mapapalaban ako ng bonggang bongga dito. Mahaba-habang letter to.

Chineck ko yung oras sa cellphone ko, it's 7:47pm, maaga-aga pa. Matatapos ko siguro to ng mga 12.

Kinuha ko ng yung laptop ko para makapagstart na. Im planning na mag handwrite nalang kaso napag-isip isip ko na medyo mahaba yun. Baka di ko pa matuloy pag tinamad na ako or di na nya maintindian yung sulat ko sa bandang huli. Wala namang pinagkaiba, pareho lang naman galing sa puso ko. Sana naman maappreciate nya to.

Okay, start na!

Nag-tingin tingin muna ako ng picture namin sa laptop ko. Syempre kailangan maganda yung letter no. Lalagyan ko ng watermark na picture. Marami-rami din kaming picture's. Pagkatapos kong makapili binuksan ko na yung MS word, nilagay ko na yung watermark at nagstart na sa sulat.

"Hm.. ano kayang magandang intro?" bulong ko sa sarili ko with matching himas himas ng baba.

Hinawakan ko na yung keyboard ng laptop at nagtype.

Hi bat ang gago mo? Sira ulo ka no! Nangako ngako ka tapos di mo tutuparin. Ano ako sa tingin mo ma--

Pinutol ko yung pagtatype ko. naisip ko parang masyado naman akong harsh kung ganyan ang entrance ko. Hm, siguro mas maganda kung chill chill lang muna, sa bandang huli na ang harsh part.

Okay Yana, relax. Calm down. Dapat bait-baitan mode muna.

Hinawakan ko na ulit yung keyboard at nagtype.

Hi Kuya My, uy gragraduate na siya :> Alam ko hinintay mo tong araw na ‘to. Sino ba namang hindi diba? Lahat tayo gustong makagraduate. Hahaha, you’ll be leaving your high school life and you’ll be entering your new adventure, new stage in your life and ofcourse your new life. Iiwan mo na ang SAA, iiwan mo na kami but I do believe that goodbye is not the end :) Hm, since aalis ka na lang din, mag throwback muna tayo ;) It’s more like of story telling. Hohoho. Pero bago yan, ang ganda ko no? Hahaha, ipapaalala ko lang, masyado tong mahaba, sana pag-tiyagaan mong basahin kasi pinaghirapan ko talaga to  :3 SALAMAT! Osyaa, throwback na ;)

Kapal ng fes e no? Jusme, sana basahin nya to, pagtiyagaan nya tamad kasi magbasa yun.Pero sana talaga ulanin sya ng kasipagan pambawi na lang nya sa sakit na dinulot nya sa akin. Wala pa man pero winarningan ko na sya agad. Mahirap na, nasesense ko pa man ding mahaba to.

At ayun, sinimulan ko na yung letter. Binigayan ko ng title na "Where it All Started."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon