My bestfriends who torn my heart apart

64 1 4
                                    

" Do you remember when, I said i'll always be there."

Sa tuwing naririnig ko ang kantang yan, laging bumabalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari sa nakaraan.

Flashback

"Pumili ka samin Jerome. Ako o yang ahas na yan?!" nagsisimula ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Galit na galit ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ang mga bagay na to.

Ang sakit sakit. Bakit kailangan ko pang maramdaman ang lahat ng ito?

" Aj... patawarin mo ko" nakikita ko na ang unti unting pagtulo ng mga luha nya.

Alam kong pareho kaming nasasaktan ngayon. Pero alam namin kung sino pinakanasasaktan sa sitwasyon ito. Ako yun.

Pinagkatiwalaan ko siya, minahal, pinahalagahan. Pero ano? Bakit nya ginagawa sakin to.

" Aj hindi ko siya inagaw sayo."

"Tinuring kitang bestfriend Joan." hanggang ngayon ayaw tumigil sa pagpatak ang mga luha ko.

"I fell in love with my bestfriend~"

Oo nainlove ako sa bestfriend ko. Ayun ang pinakapinagsisihan ko sa lahat.

Hindi manlang sumagi sa isip ko, na gagawin pala sa akin to ng dalawang bestfriend ko. Mga bestfriend na minahal at tinuring kong kapatid. Mga bestfriend na naging kaagapay ko sa mga problemang dumadating sa buhay ko. Mga bestfriend na lagi kong pinoprotektahan. Mga bestfriend na hindi ko inakalang tatraydorin ako.

"Tapusin na natin to Jerome. Alam ko na kung ano ang sagot sa tanong ko. Sana maging masaya kayo." pinilit kong ngumiti sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Umalis na agad ako pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon.

Kung hindi pa namin ito tatapusin, pare pareho lang kaming masasaktan.

******

3 months na ang nakaraan simula nung magbreak kami ni Jerome.

Magkaibigan pa rin naman kami hanggang ngayon pero hindi na katulad ng dati na super close talaga.

Medyo nagkakailangan na din kami kaya mas pinipili na lang naming dumistansya.

Si Joan, bestfriend ko din sya dati. Kaming tatlo ang magkakaibigan simula pa lang nung 1st year highschool kami.

Pero ng tumungtong sa 2nd year, nagtapat sa akin si Jerome na mahal nya daw ako at kung pwede daw manligaw.

Pinayagan ko siyang ligawan ako. Tumagal ng ilang buwan ang panliligaw nya sa akin.

August 17

Sinagot ko na sya. Tandang tanda ko pa nun, sobrang saya naming dalawa. Lumabas kami, namasyal at kumain kung saan saan.

Lumipas ang mga araw, sa tuwing lalabas kami, lagi na naming kasama si Joan.

Napansin ko din nagiging sobrang lapit na sila sa isat isa ni Jerome. Hindi ko binigyang malisya dahil alam ko naman ang matinding pinagsamahan naming tatlo.

Hanggang sa kumalat ang balita sa section namin. Ang balitang hindi ko inaasahan.

"Gusto ni Jerome si Joan eh diba girlfriend nyasi Aj?"

ayan lagi ang usapan sa amin.

Kinausap ko si Joan kung may namamagitan sa kanila ni Jerome. Ang sabi nya 'wala' magkaibigan lang daw sila.

My bestfriends who torn my heart apartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon