CHAPTER 2

19 0 0
                                    

AJ's POV

Hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon.

Manhid na ata ako dahil sa mga sakit na naramdaman ko.

Pumasok ako sa next class ko ng wala sa sarili. Iniisip ko pa rin yung mga salitang binitiwan nya kanina'

"Tapusin na natin to"

"Ayoko na"

Tumutulo na naman ang mga luha ko.

Ano ba Aj itigil mo na nga yang pagdradrama mo.

Tignan mo yang sarili mo oh.

Mukha ka ng si Sisa.

Yang mga mata mo, mugtong mugto na sa kakaiyak mo.

Itigil mo na tong kahibangan mo.

Malinaw naman yung sinabi nya sayo na ayaw nya na kaya sa ikaw din tumigil.

" AJ anong sagot sa tanong ko ?"

Sana balang araw makalimutan ko na rin sya pero parang di ko kaya, mahal na mahal ko sya.

"Aj !!"

Nagulantang ako nung sumigaw yung teacher ko.

Kanina pa pala ako nakatulala dito.

"M-maam?" kinakabahan ako. Terror pa naman tong teacher ko.

"Anong sagot sa tanong ko?"

"Ano po ba yung tanong nyo?" nagtawanan yung mga kaklase ko dun sa tanong ko.

"Get out of my class Aj !!" galit na galit na utos ni maam habang nakaturo ang kamay sa pinto.

Wala na kong nagawa kundi lumabas.

Nakakahiya talaga ako kahit kailan.

Aish.

Pumunta na lang ako sa likod ng schook para umiyak.

Bago ako makarating sa likod ng school, napadaan ako sa computer lab.

Sakto namang nakita ko Jerome na papasok.

"Jerome" lumingon sya sakin ng walang expression ang mukha nya.

Pumasok na sya ng hindi man ako kinausap.

Ano bang mali sakin ? Ano bang nagawa ko para saktan nya ko?

Ayan na naman, unti unti na namang tumulo yung luha ko.

Buti na lang nakarating na ko dito sa likod ng school. Wala ng makakakita sakin na nagdradrama ako.

Haha. Baliw na talaga ko.

"Aj." nakita ko si Rejie habang nakasandal sa pader at nakapamulsa.

Pinunasan ko naman agad ang mga luha ko.

"Oh ikaw pala Rejie. Kanina ka pa ba dyan?"

"Oo." sagot nya habang di nakatingin sa kin

"Bakit nga pala nandto ka? Di ba may klase tyo?"

"Cutting"

"Hay. ikaw talaga"

"Aj sa tingin ko gusto na kita."

"A-ano?" nagjojoke ba to? Tss. Kung nagjojoke man siya, pwes hindi nakakatuwa.

Alam niya namang kakabreak ko lang kay Jerome.

At masama bestfriend ko siya.

Hanggang dun lang yung nararamadaman ko para sa kanya.

Si Jerome pa rin ang mahal ko.

Hindi ko na siya hinayaang sumagot at umalis na ko.

"Aj !" bgo pa man ako makaalis, hinawakan nya na agad ang kamay ko at iniharap sa kanya.

"Gusto kita. Hayaan mo akong ligawan ka."

"Pwede ba Rejie wag ka nang dumagdag sa problema ko. "

Pinilit kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak nya.

Nang matanggal ko na, umalis na agad ako at iniwan sya.

Jerome's POV

Nakita ko si Aj na padaan sa computer lab. Sakto naman na papasok na ko para ipagpatuloy ang practice ko.

Nakatingin lang kami sa isa't isa.

Nakita ko sa mga mata nya na umiyak siya. Magang maga ang mata nya at parang wala sya sa sarili.

"J-jerome!" tinawag nya ko pero mar pinili kong hindi sya pansinin at diretsong pumasok sa loob.

Alam ko, sobra na ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

Pero sana balang araw maintindihan nya ako kung bakit nya ginagawa to.

Lumabas ulit ako para tignan kung nandun pa rin sya.

Wala na siya.

Nakita ko naman ang lalaking kasama ni Aj.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Di ba ikaw yung Jerome? Kaano ano mo si Aj?" tanong nya habang nakaturo yung hintuturo nya sakin.

"Ex boyfriend" walang emosyong sabi ko.

"Ikaw? Sino ka?"

"Ako si Rejie. Bestfriend nya." inilahad nya and kamay nya habang nakangiti.

"Tss" hindi ko inabot yun. Ano sya?

Wala akong pakialam sa kanya.

Pero, matutulungan nya ko. Pwede nyang pasayahin si Aj.

Tama ! Ayan lang ang magagawa ko para mapasaya siya.

"Rejie ? Rejie right ?" tinawag ko siya kaya agad naman siyang lumingon at ngumiti. 

Bangag ata tong lalaking to eh. Pansin ko lang, kung makangiti siya sakin parang iba. 

Ano to BROMANCE ? 

Tsk. ano ba tong pinag-iisip ko. 

" Bakit bro?" 

"Ligawan mo si AJ" pag-uutos ko sa kanya.

Ito lang ang sa tingin kong tamang gawin para hindi na siya masaktan dahil sa kaduwagan ko.

"A-ano ?! " gulat na gulat na tanong niya.

" Ligawan mo siya. Mahalin. Para sa ganon hindi na siya masaktan ng dahil sakin. "

 Handa akong masaktan habang nakikita siyang masaya sa iba. Kesa naman siya ang nakikita kong naghihirap dahil sakin. 

Mukha namang nahimasmasan na tong kausap ko. Naging kalmado na ang mukha niya. 

" Sige. Gagawin ko yun para sa bestfriend ko"

Takte. Eto na naman yung mga luha kong ayaw makisama. Hay nababaklaan na talaga ko sa sarili ko. Lagi na lang akong naiiyak. 

Tumalikod na ko para hindi niya makita ang mga pesteng luha ko na unti-unti ng tumutulo. 

"AJ para sayo ito. Sana maging masaya ka na." pabulong kong sabi habang naglalakad na palayo. 

A/N Sorry po kung may typos. Hindi ko na chineck kasi chineck to eh. Ipopost ko na yung next UD ko kaya wait lang kayo readers. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My bestfriends who torn my heart apartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon