Chapter Forty One

2.2K 152 21
                                    

Biglang pumasok sa aking isipan si Camelot. Ang araw kung kailan nag-simula ang lahat. Ang araw na kailangan ko siyang iwan. Sa puntong iyon, tuluyan ko nang naunawaan si Aurora. "Ang iwanan ang taong mahal mo at mahalaga sa iyong buhay ay nangangailangan ng hindi pang-karaniwang katapangan."

Hindi pang-karaniwang katapangan, bagay na aking tinaglay upang magawang iwan si Camelot. At ngayo'y tinaglay ni Aurora upang magawa akong iwan. Ngunit ginawa ko iyon para sa ikabubuti ng lahat, at siya? Anong mabuti sa ginawa niya?

"Dawn!"

Napalingon ako sa aking kanan na siyang pinag-mulan ng boses. Alam kong si Gaia iyon. Sa pag-lingon ko'y bumungad sa akin ang lahat ng aking kasamahan. Sa aking tantya ay malapit na sa isang daan ang aming bilang. Kung titignan ay napaka-liit, ngunit para sa amin ay napaka-laking nang bilang.

"Tara na?" aya ni Sonder sa malalim ngunit malambing na boses. Nakakagaan ng damdamin. Matapos ang ilang minuto naming huling pag-silay sa Dead City, ngayon ay kailangan na naming umalis. Wala kaming dapat ika-lungkot, dahil ang pag-alis dito ay isang pinaka-mabuting pasya.

Sabay kaming naglakad papalapit sa dalawang sasakyang pang-himpapawid na kasama ang lahat ng aming kasamahan. Napaka-lambot ng hangin ngayon, napaka-gaan ng Stronghold, tahimik, maluwang. Masaya ako na bago namin lisanin ang Stronghold ay naging mapayapa ito.

Sa pag-sara ng pinto ay siya namang mabilis na pagka-wala ng hangin. Biglang naging tahimik ang lahat, at masasabi kong lahat sila ay nangangapa sa kung ano ang aming kahaharapin at kung paano namin ito haharapin.

Napag-pasyahan ng lahat kanina na sa Independent Area kami mag-tatago, dahil may pagka-maayos ang lugar na iyon kumpara sa Slave Area na walang ilaw sa gabi at napaka-rumi, Trooper Area na punong-puno ng mga Trooper, isa na si itay, at Elite Dome na hinding-hindi namin lalapitan, hindi dahil takot kami kundi dahil iyon ay aming kina-mumuhian, at ang pag-lapit doon ay isang uri ng pag-papakamatay sa mangmang na paraan.

"Hanggang ngayon ay wala akong ideya sa mga susunod na mangyayari," rinig kong wika ng isang babae sa likuran ng aming inuupuan. Sa paraan ng kanyang pag-hinto ay alam kong hindi niya ninais na amin iyong marinig.

"Basta magkakasama tayo, kakayanin natin 'to." Bahagyang pagka-gulat ang bumalot sa amin sa pagsasalita ni Cluster. Bakas doon kung gaano niya idinedepende ang lahat sa mga susunod na mangyayari. Tulad namin.

Hindi na lamang ako tumingin sa kanya sa kadahilanang limang katao ang aming pagitan sa aming inuupuan. Una si Sonder, si Gaia, Kith, Gray, at si Atlas.

Muling nilamon ng misteryosong katahimikan ang aming kinalalagyan, dahilan upang higit ko pang maramdaman ang aming takbo sa himpapawid. Mabilis.

Kusang lumingon ang aking ulo sa kaliwa, ngunit katapat na linya lamang ng mga upuan ang bumungad sa akin, gayon na din ang aming mga kasamahan. Ang ila'y tahimik na inaantay ang aming pag-lapag, ang ila'y naka-pikit ngunit alam kong hindi tulog. Sino ba naman ang makaka-tulog sa aming sitwasyon?

Ramdam ko ang bawat butil ng aking dugo na buhay-buhay na dumadaloy sa aking katawan sa kalagitnaan ng gabi. Ramdam ko ang mga naka-aambang panganib sa amin. At alam kong ganoon din ang lahat.

Lumayo pa ang aking tanaw hanggang sa aking matagpuan ang salamin ng maliit na bintana, ang dahilan kung bakit ako kusang napa-lingon, sa pag-aakalaang mayroong bintana na aking madudungawan. Hinihiling kong sana'y naka-upo ako doon, at ngayo'y taimtim na pinag-mamasdan ang ibaba. Ang mga Area na maari kong matanaw. Maging ang lumiliwanag na bola ng Elite Dome.

Ibinalik ko na lamang ang aking ulo sa harapan, at ramdam kong malapit na kaming lumapag. Ang pagka-wala ng bintana sa aking tabi ay naging dahilan upang aking mapag-tanto ang isang bagay. Naging parte na ito ng aking pagka-tao, na sa tuwing nasa sasakyang pang-himpapawid ako ay ang pag-dungaw sa bintana ang siyang nag-papagaan ng aking damdamin at isipan.

The Felon Mark (Wattys 2020 Winner) (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon