Chapter 5: Oo, ako nga.

26 2 6
                                    

~~Lorvin’s POV

“Yesssss!!! So paano yan, lilibre mo kami ngayon bro? Aba! Successful ata yung show kagabi.”, Si Rex. Andito kami ngayon sa isang restaurant malapit lang sa mall.

“Libre niyo mukha niyo!”

“Aba aba..kakasabi mo lang na ng dahil sa amin, kung di ka namin sinali sa show na yun, hindi mo makikita yung babaeng kay tagal mo ng hinanap.”, mangonsensya ba tong si Jay?

“Ang sabi ko nakita ko siya kagabi pero wala akong sinabi na dahil sa inyo yun. Mga ugok! Tsaka hindi ko rin naman siya nakausap ng matagal eh.”

“Parang ganoon na rin yun no? Kami ang ginawang instrumento para muli mo siyang masilayan.”, insist pa Jay. Pero may point naman sila eh, kung di ako nakasali doon, malamang di kami magkikita.

“Oh sige na. Sige na. Libre ko na. Daming sinasabi eh!”

“Pero ba’t ganoon? Hindi man lang kayo nagkausap ng matagal?”, ayan, nagsalita na rin si Jux.

***Flashback

“Oh my G! Baaabbeee! Ohh, you look so hot kanina sa stage a-and up to now! Why are you still wearing that pa ba ha?”, arteng sabi ni Chelle ng makasalubong ko sila sa labas ng dressing room. Sarap batukan eh! Pero wala akong panahon sa ganyan ngayon. Kelangan kong masundan si Scarlett. Paano? Hindi pa ako bihis.

Nagmamadali akong bumalik sa loob ng room para makapag bihis agad.  Ng matapos, mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo para maabotan ko pa sila.

“Wait Lorvin!” / “Hoy Lorvin!” , narinig ko pang sabay-sabay na tawag nila sa akin. Hindi ko na sila pinansin pa. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may nakita akong dalawang pigurang nakatalikod. Naglalakad sila palabas ng mall.

Tama! Sa parking lot sila papunta kaya sinundan ko sila. Naka akbay pa rin yung epal na Greg na iyon. Nasa tapat sila ng kotse ng humarap si Greg kay Scarlett. Ewan ko lang kong napansin ba niya ako. Nakita kong niyakap niya ito at hinalikan pa sa pisngi. Matapos ay pinagbuksan ng pinto at pinasakay.

Nanlumo ako sa nasaksihan ko. Boyfriend niya yung Greg na iyon? Kay tagal ko ng inantay at hinanap siya. Dalawang taon. Dalawang taon siyang hindi mawala sa isip ko kahit na ano pang gawin ko pero ito lang din ang mapapala ko sa dalawang taon na yon? Pucha! Nasayang lang ang lahat.

“Siya ba yung babaeng dalawang taon mo ng hinahanap?”, di ko namalayang nakasunod rin pala si Rex sakin. Tiningnan ko lang siya na may lungkot sa mata. Tinapik-tapik din naman niya ako sa balikat. Sign sa pagko-comfort niya.

~~~end of flashback

“Ouch naman! Playful destiny. Kung kelan nagkita na kayo, saka naman may boyfriend na. Broken hearted pala tong brodii natin eh! Sana inaya mo kami ng inuman kagabi. Nadamayan ka sana namin.”, kahit kelan inuman pa rin tong nasa isip ng Jay na ito.

“Hoy! Umayos ka! Broken hearted na nga yung tao. Inuman pa rin yang iniisip mo.”, ayan! Sige! Batukan mo yang kambal mo Jux. “Pero baka nga naman kasi matagal na niya yung boyfriend.”, Ouch naman ha! Gatungan pa bang sinabi ng kambal niya?

“Kumain na nga lang kayo, andami niyong alam no?”, habang inihahain ng waiter ang mga pagkain sa mesa, may nakita akong pamilyar sakin.

“Oy brodii, pagkakataon nga naman oh! Hindi ba siya yung kasama ng anghel mo kagabi?”, oo nga no? Yung epal na Greg nga. “At diba sabi mo magboyfriend sila ng Greg na yan? Eh, ba’t ang sweet-sweet niya sa chix na kasama niya?”

One Day, Three Autumns (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon