Chapter 10

396 18 4
                                    

Jai's POV

"Happy 1st Anniversary!" bati sa akin ng mahal ko. tapos ay inabot yung isang gift na nakabalot sa turquoise blue na gift wrapper.

"Happy Anniversary din!" bati ko rin sa kanya at inabot naman ang isang maliit na red box. tapos ay bineso ko siya.

agad naman niyang binuksan yung box at ngiting ngiti sa nakita niya. then niyakap niya ako.

"Thanks. i love you!" bulong niya habang nakayakap sa akin. kumalas ako sa yakap at kinuha ang regalo ko sa kanya. agad naman siyang tumalikod at excited na isuot ko iyon sa kanya.

habang sinusuot ko yun...  "i love you more" bulong ko rin sa tenga niya. pagharap niya, lalo akong natuwa. bagay na bagay talaga sa kanya!

isang silver necklace na heart ang pendant at may nakaukit na "J&S" . bagay na bagay ang kasimplehan niya sa simpleng necklace na binili ko pero punong puno ng pagmamahal. necklace na pinag ipunan ko na agad mula pa nung sagutin niya ako.

binuksan ko rin naman agad yung gift niya. isang leather jacket.

"yan. bagay sayo! magsuot ka na lang ng v-neck shirt sa loob. mas gwapo ka diyan." sabi niya nung isukat niya sakin yung jacket. tapos nag make face siya na kunwari'y nambobola lang naman siya. haha.

hanggang ngayon, napapaisip parin ako. totoo ba talaga lahat ng to?

flashback...

graduation day na. yes! magco college na rin kami! sa wakas!

nagkita kita kami sa gate ng school after ng ceremony at selfies namin sa school..

"oh guys, anong gift niyo sakin? eto sa inyo oh!" nakangiting sabi ni Ella tapos ay isinuot samin yung mga handmade bracelets. [a/n: parang sa broshop ^_^V]

"pasensya na ha, tipid tipid muna kami ngayon for college. kaya yan lang kaya ko."dagdag pa niya.

"okay lang noh! kahit anong galing sayo, ikatutuwa ko." pa cute na sabi ni Francis. hayyy!!!! ang mag boyfriend talaga!!!

oo, sila na! naging sila nung first week of 4th year high school days namin. kaya nga lalong panggulo samin ang dalawang ito at kinukulit si Shar na sagutin na ko.

"it's the thought that counts naman eh. k lang yan, bestfriend's girlfriend." pagsingit ko naman at natawa kaming apat.

"oh, eh yung gift mo Shar? sabi ni Ella, ready ka daw!" excited na sabi ni Kiko. actually, kami ni Kiko, walang gift. mga babae lang naman mahilig sa mga ganyan eh. kesyo remembrance daw. eh magkikita kita parin naman kami. haha.

"oo naman! ako pa!!" sagot ni Shar at iniabot ang cap kina Francis at Ella. then pasimpleng kumindat si Shar kay Ella. ano nanamang kabalbalan ng magbest friend na to? hahaha! teka... bakit ako, wala???!!!

"eh ako?!" tanong ko tapos nag pout. paawa factor. haha.

"wag ka ngang pa cute! hindi ka naman nagmumukhang cute!" sabi ni Shar at pinagtawanan ako. pati sila Ella at Francis ay nakitawa din. parang pinagtitripan ako ng mga to ah! hayaan na, yan na ang gift ko for graduation ^_^V

pero bakit talaga wala ako?! nakakatampo!!!!

"sus! wag na ngang kukunot yung noo ng boyfriend ko! di bagay sayo!" matawa tawang sabi niya. ano?!!!

"boyfriend?!" tanong ko. baka niloloko lang ako ng mga to eh.

ngimiti lang siya na parang nahihiya pa sa sinabi niya. then paulit ulit na tumango at pataas taas pa yung mga kilay.

hindi ko alam kung anong sumapi sa akin. pero bigla ko nalang siyang nayakap. malaking tuwa ang bumalot sa akin. parang dalawang diploma ang natanggap ko ngayon. isa sa graduation at isa ay diploma sa pagiging boyfriend ni Sharlene mula sa araw na to!

end of flashback...

"isang taon na pala, future balae!" natatawang sabi ni mama kay Tita My. haha. si mama talaga!

"oo naman. alam kong tatagal pa yan. si Jai na yata ang isa sa mga nangongonting populasyon ng mga kabataang lalaking nanligaw sa maayos na paraan sa panahon ngayon." sagot nanan ni Tita My at natawa silang dalawa.

natawa rin kaming dalawa ni Shar na nakikinig sa kanilang dalawang na nag uusap sa living room. habang kami ni Shar, nasa kwarto lang niya at nagmo moment lang.

di ko na napigilan ang tuwa sa lahat ng nangyari. at niyakap lang si Shar.

bakit nga ba nangyari ang lahat ng to samin? :) basta ang alam ko lang, masaya ako sa kinahinatnan ng mala- aso't pusang love story namin ni Shar ;)

The End.

Bakit? (JaiLene FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon