chapter 1: the encounter

102 1 1
                                    

chapter 1

"Kate, bilisan mo!  Ang bagal mo talaga!  Baka hindi ko na siya maabutan.  Bilis!"  Halos madapa na sa sobrang pagmamadali na hila-hila ni Thea ang kaibigan.

"Thea naman! Maghunos dili ka, hija. Hindi naman ito ang huling pagkakataon na makikita mo siya 'noh. Marami pang mga araw at for pete's sake, iisang campus lang tayo ng crush mo."  Nayayamot na maktol ni Kate.  Sinusuyod ng tingin ni Thea ang mga dumaraang tao sa covered court na iyon sa paghahanap sa crush niya.  Kandahaba na ang leeg at nangangalay na ang binti niya sa kaka tiptoe dahil sa liit niya na 5 feet at 2 inches.  

"Hindi mo kasi alam ang feeling ng inlove eh.  Papaano naman kasi, NBSB ka.  No boyfriend since birth."  Nangingiting kantiyaw ni Thea sa nakangusong si Kate.

"Aba, aba!  Nagsalita naman itong nagkaboyfriend kuno.  Gusto mong sapatusin kita dyan?  Umayos ka ha."  Natatawang akmang tatanggalin na ni Kate ang sapatos niya bilang pagbabanta.  Dahil saglit na nawala ang atensyon ni Thea sa paghahanap sa crowd, hindi niya napansin ang padaan na lalake.  Nabangga niya ito sa pagtatangkang pag iwas sa panghaharut ni Kate at na outbalance siya sa lakas ng impact.  Napapikit si Thea sa takot sa pag-aakalang babagsak siya sa sahig kung hindi siya nasalo ng lalake sa beywang.    Amoy na amoy ni Thea ang bango ng hininga ng lalake na naghalo sa amoy ng aftershave at pabango nito.  Halos magkadikit na ang mukha nila sa pagkakadaiti ng katawan nila.  Saglit na nawala ang takot niya pero napalitan naman ng kakaibang pakiramdam nang maramdaman niya ang pagpisil ng lalake sa beywang niya.  Unti unting binuksan ni Thea ang mga mata at napansing matamang nakatingin ang lalake sa kanya, pababa sa labi niya.  Napamulagat ng mata si Thea sa pagkagulat.  Ang crush niya!  Si Matteo Gonzaga.  Ang sikat na sikat na varsity swimmer sa university nila.  Gwapong gwapo ito sa kulot nitong buhok na nakalugay hanggang balikat.  Ang mata nitong nakakalokong tumingin.  Na para bang may kalokohang pinaplano.  Ang matangos na ilong.  Ang medyo makapal na labi na bumagay sa makapal at nang aarok na kilay.  Matangkad ito sa height na 5'8", matikas ang pangangatawan at mala tanso ang kulay ng balat dahil sa pagbababad nito sa init sa pag eensayo sa paglalangoy.  Halata ang pagkamestizo nito dahil sa may halong Espanyol ang lola at lolo sa parehong angkan ng mga magulang niya.  Nagmula sa maimpluwensiyang pamilya sa bayan ng ama niya sa Gumaca, Quezon kaya hindi nakapagtatakang kilalang kilala ang pamilya nila.  Imahe ng isang "ideal man" si Matteo kaya marami ang nagkakandarapang mga babae dito.  At isa na siya doon.

"MIss, are you OK?  I'm sorry about what happened."  Nakangiting tinulungan siya nitong makatayo pero hindi pa rin nito inaalis ang pagkakahawak nito sa beywang niya.

"Ah,o-ok lang, a-ako nga dapat mag sorry, hindi kita nakitang dumaan eh."  Nauutal sa nerbyos at pagkapahiya na sagot naman ni Thea.

"No, it's okay.  Hindi ko din naman kasi tinitingnan ang dinadaanan ko.  Anyway, are you sure you're okay?  May masakit ba sa'yo?"  Mahahalata ang concern sa boses na tanong ni Matteo.

"O-okay lang ako.  Salamat sa pagsalo mo sa 'kin, kung hindi sana, nalamog na puwet ko or worst, nabasag na ang buto ko".  Nabawasan na ang takot niya, pero hindi makatingin ng derecho si Thea kay Matteo dahil sa kaba na baka makita nito sa mga mata niya ang kinikimkim na paghanga dito.

Napatawa ng malakas si Matteo sa sagot niya.  "You're funny.  I like that in a girl, nakakagaan ng pakiramdam.  What's your name sweetie?"  Maaliwalas ang mukhang tanong ni Matteo sa malambing na tinig.  Natameme sa pagkabighani si Thea sa pagkakangiti sa kanya ni Matteo.  Tumikhim si Kate para saluhin ang kaibigan mula sa pagkakatulala nito.  "Ehem.  Ahh, siya nga pala si Thea.  Thea Brielle Montecarlo.  Ako naman si Kate Mercado.  Pareho kaming 4th year Nursing students.  And you are...?"  HInayaan ni Kate na ang lalake mismo ang magbigay ng pangalan nito kahit pa alam na nila kung sino ito.

"I'm Matteo Gonzaga.  4th year student na din ako, Business Management. So, nursing students pala kayo.  How interesting."  Malapad ang pagkakangiti nito sa kanilang dalawa.  Litaw na litaw ang mga mapuputing ipin na lalong nagpatingkad sa kagwapuhan ng lalake.

"Yeah, ganun nga.  Anyway, nice meeting you Matteo.  See you around the campus."  Bawi ni Thea. Pilit na iniiwasan na mapatingin sa mata ni Matteo.  No doubt kasi na mahahalata nito ang "hidden desire" niya sa lalake.  Kahit pa gusto niya ito, ayaw niya naman maging masyadong obvious dito.  Nahihiya siyang magpakita ng motibo sa lalake.

"Alright, you seem to be in a hurry."  Halata sa mukha nito ang pagkadismaya.  "If you don't mind, I would like to invite you both sa victory party ng varsity swimming team.  We won as champions sa inter-college competition.  I hope you guys could drop by and party with us. It is set at the end of this school year so that all students can come.  Bakasyon na yon eh.   I'd like you two to be there.  It would be nice to know you better."  Masiglang pag iimbita nito sa kanila pero nakatutok ang paningin nito kay Thea sa huling sinabi.  Kahit sinong makakapansin, makikita na genuine ito sa pakikipagkaibigan at pagpapakita ng interes sa kanya.  Ramdam ni Thea na parang umakyat ang dugo sa mukha nya sa kilig na nararamdaman.  Saglit niyang itinaas ang tingin at nakita niyang mataman siyang tinititigan nito.  Naghihintay ng sagot niya sa imbitasyon nito.  "Ah, sige, tingnan namin if hindi busy sa sked.  Alam mo na naghahabol kami ng cases for graduation.  Busy sa duty sa hospital."  Naramdaman ni Thea ang pinong pagkurot ni Kate sa tagiliran niya.  Pasimple din niya itong siniko.

"Ah, ganun ba.  Sana nga makita kita lagi dito sa school.  I'll get your answer the next time we meet."  Kumindat pa ito bago umalis at sumabay sa naghihintay na mga katropa.

"Yeeeehhh. Ano 'yon?!  Haba ng hair mo girl.  Gusto ka pa niyang pumunta sa victory party nila, at makilala pang mabuti.  Halatang tipo ka ni yummylicious guy ah."  Kilig na kilig sa nangyari si Kate.  Si Thea naman parang tulala.  Hindi makapaniwala.  Seems too good to be true para sa kanya.  Kung tutuusin nagagandahan sa kanya si Kate, pero hindi ganun ang tingin niya sa sarili.  Problema niya ang pagiging nega,  Wala siyang kumpiyansa sa sarili.  Maipagmamalaki daw niya ang makinis na kutis na katamtaman lamang ang puti.  Ang maliit na mukha na binagayan ng bilugang mata at mahahabang pilik mata. Tamang tangos ng ilong at kapal ng labi.  Kissable, pouty lips kung si Kate pa ang magdescribe.

"Weeh.  Maniwala ka doon.  Sa gandang lalaki nun, magtiyatiyaga sa akin?  I don't think so Katey.  Tara na nga, malelate na tayo sa klase.  Enough for today.  Nao-overwhelm ako masyado.  Parang drawing lang itong nangyari.  Crush ko siya pero hindi naman ako ganun ka ambisyosa para pangarapin kong magustuhan niya."  Natatawang pag iba ni Thea sa usapan at hinila na ang kaibigan patungo sa building nila.

Nahirapan makatulog sa gabing iyon si Thea.  Laman ng isip niya ang imbitasyon ni Matteo sa victory party ng mga ito.  Gusto man niya pumunta, feeling niya naman mao-OP siya doon.  Wala naman siyang kakilalang varsity maliban na lang kay Matteo.  At hindi pa sila ganun ka close para sumama siya dito.  Kahit pa imbitado din sa party si Kate, pareho silang walang friends sa sirkulo ni Matteo.  Nakatulogan na ni Thea ang isiping iyon na hindi pa din mapagdesisyonan kung dadalo o hindi.  Bahala na.  Matagal pa naman iyon, end of the school year pa.  Sabe niya sa sarili at tuluyan nang nakatulog.

i'd still say yesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon