chapter 2: ang realisasyon ni Matteo

38 0 0
                                    

Chapter 2

Naging busy na sa pag aaral at pagduduty sa hospital si Thea.  Hindi niya namalayan ang paglipas ng mga araw.  Isang buwan na lang, magtatapos na siya.  Marami silang deadlines na hinahabol.  Nagulat pa siya nang minsang may nag aabang sa kanya sa labas ng hospital pagkatapos ng duty niya.

"Hi.  Kamusta?  Nakasalubong ko si Kate sa school noong isang araw.  Hindi daw kayo magkasabay kase magkaiba kayo ng cases na hinahabol."  Nakangiting bungad ni Matteo sa kanya.  Nakasandal ito sa kotse nito habang nakapamulsa.  Halatang halata na galing sa prominenteng pamilya sa porma nitong checkered long sleeves polo na nakatupi ang manggas hanggang siko, black jeans at shoes.  Naka aviator shades pa ito.  Para itong artista sa porma.

Napabuntong hininga si Thea nang masilayan niya ito.  Nangangatog man ang tuhod sa kilig at kaba, pinilit pa din ni Thea na sumagot ng kalmante at hindi nagpahalata ng nasasaloob.

"Ahh, ganun ba, oo magkahiwalay kami ng sked.  Research yong hinahabol niya operating room cases naman iyong sa akin.  Malapit na graduation eh.  Magpa-file pa kami ng application for board exam after grad."  Isang genuine na ngiti din ang ibinigay niya sa lalaki.  Mahigpit ang pagkakahawak niya sa nakasukbit na bag at bitbit na libro para hindi mahalata ang panginginig niya.  Sa lalaki niya lang naramdaman ang ganitong klase ng kaba.  Natatakot siya baka kung anong kakahiyan ang magawa niya sa sobrang nerbyos, at the same time, gusto niya kapag nakikita niya ito.  Nakapagdudulot sa kanya ng kakaibang saya sa inosenteng puso niya.  

"Okay.  Uhm, Thea pwede ba tayong mag usap saglit?  Sabay dinner na din.  Hatid na lang kita sa inyo pagkatapos."  Nasa boses nito ang antisipasyon na pumayag siya sa imbitasyon nito.

"I'm sorry.  I'm not dressed appropriately.  Kakahiyang lumabas na naka duty uniform.  Baka makita pa ako ng mga superiors ng school, masita ako."  Nag-aalangan na sagot ni Thea.

"Sige, hatid na lang muna kita sa inyo para makapagbihis ka at maipagpaalam sa magulang mo.  Akin na nga 'yang mga libro mo.  Nabibigatan ka 'ata."  Natatawang pag iiba nito ng usapan sabay kuha sa mga dala niyang libro.

"Okay, sige.  Salamat nahalata mo.  Ang bigat kaya.  Ikaw na magbitbit ng sangkaterbang libro, makukuba ka talaga."  Napahalakhak silang pareho sa ice breaker na iyon at sumakay na ng sasakyan.

Naging magaan ang atmosphere nila habang binabaybay ang daan papuntang bahay nina Thea.  Napalagay na ang loob ni Thea.  Napag usapan nila ang pinagkakaabalahan ng isa't isa nang mga nakaraang linggong lumipas mula nang unang pagkakilala nila.  Pagkarating sa bahay nila, agad niyang pinakilala sa ina niyang si Aling Cely si Matteo.  Magiliw naman kinausap ng ginang ang binata habang nag aayos ng sarili si Thea.  Magaling makisama at mabait si Matteo kaya magaan ang loob ng may edad na babae sa kanya.  Alas siyete y medya na ng gabe ng umalis sila sa bahay nila Thea.  Dinala siya ni Matteo sa isang simple pero eleganteng restaurant.  Doon sila pumuwesto malapit sa balkonahe kung saan natatanaw ang katabing dagat na natatanglawan ng maliwanag na buwan.

Hindi inaasahan ni Thea na sa ganoong lugar siya dadalhin ni Matteo.  Mabuti na lang at naisipan niyang suotin ang hindi pa niya nagagamit na whtie tube top dress na gawa sa silk na kalahating dangkal ang taas mula sa tuhod at medyo hapit sa binti at pinatungan niya ng black short sleeved bolero jacket.  Sinuotan niya ito ng white na gladiator sandals.  Na-emphasize ng suot niya ang makinis at bilugan niyang mga binti.  Naglagay pa siya ng simpleng dangling earrings at naglagay ng konting make up sa mukha.  Minsan lang siya naglalagay ng kolorete sa mukha pero litaw na litaw ang angkin niyang ganda.  Binagayan pa ito ng buhok niyang may pagka-wavy.  Natuwa siya sa reaksyon ni Matteo kanina nang makita siya pagkababa mula sa kwarto niya.  Hindi niya makuhang tumingin dito dahil naiilang siya.  Halata sa mukha nito na nagandahan siya sa bihis niya.  Agad na silang nagpaalam sa ina niya na may pabaon na paalala na umuwi ng maaga at mag ingat sa daan.

"You look stunningly beautiful.  Bagay na bagay mo.  Baket mo itinatago ang ganda mo?"  Simpatikong ngiti nito sa kanya na patingin tingin sa kanya habang nagmamaneho.

Napatawa sa sinabe ng lalaki si Thea.  "Sira yata ang mata mo.  Minsan nga lang ako magbihis ng ganeto, naiilang ako.  Parang hindi ko keri ang ganitong suot eh.  Hindi ako sanay."  Natatawa pa din na sagot niya kay Matteo.

"You should be wearing those kind of dresses more often.  It makes your beauty more outstanding among others.  Trust me, bagay mo talaga."  Sinserong ngiti ni Matteo sa kanya.  Napangiti na din siya at hindi na lang sumagot. 

Pareho silang nag eenjoy sa pagsalo sa pagkain na nakahain sa mesa nila habang tuloy sa kwentuhan about school at mga plano after graduation.  Hanggang sa mabanggit ulet ni Matteo ang tungkol sa imbitasyon para sa victory party nito at ng varsity team.  

 "Malapit na ang victory party namin.  Haven't you decided yet whether to come or not?  I really hope you and Kate could be there.  I'd be glad to introduce you to my friends."  Halata sa boses nito na umaasang papayag siya sa imbitasyon nito.

Nakapag isip na Thea noong mga nakalipas na mga araw.  Naisip niyang hindi naman siguro masama if pumunta sila, it would be an opportunity for them to meet new people at mag socialize somehow sa mga ka schoolmates.  Anyway, open to all naman ang victory party na iyon.  Special pa nga sila kung tutuusin kase personal pa silang in-invite ng varsity player.  Hindi na nagdalawang isip na tumango si Thea bilang sagot.  Napahiyaw naman sa tuwa si Matteo.  Napatingin sa direksyon nila ang mga diners.  Napatawa si Thea sa reaksyon ng lalaki pero namumula ang mukhang sinaway niya ito.  Hindi maitago ang kasiyahan sa mukha ni Matteo.  Aakalain mong sinagot siya ng nililigawan sa tuwa nito.  Masaya din naman si Thea.  She felt happy na sa pagpayag niya ay matutuwa ang sinisinta niya.  Natapos ang gabing iyon na pareho silang may ngiti sa mukha. 

Parang lumulutang sa alapaap si Matteo habang nakahiga noong gabing iyon.  Hindi mawaglit sa balintataw niya ang imahe ni Thea.  She really was so beautiful and he can't get over that fact.  He felt himself falling for her.  Gusto niya pa ito makilalang mbuti.  At ramdam niyang mabuti ang pagkatao nito.  Hindi tulad ng mga babaeng walang pakundangan kung magpakita ng motibo sa kanya.  Turn off siya sa ganoong klase ng babae.  Not worth his time at lalong hindi ang tipong sineseryoso.  He used to play along with some girls who caught his attention but it didn't last longer than 3 months.  Hindi siya makatagal sa babaeng parang hindi makontento sa iisang lalake, nakukuha pang maglandi sa iba, patago man or harapan.  Those relationships were easy, walang ligawan.  He never had any serious ones.  Pero ngayon na nakilala niya si Thea, napapaisip na siyang magseryoso sa babae.  Marriage is far from his mind at the moment, bata pa naman siya.  Marami pa siyang pangarap na gustong makamtan sa buhay niya.  But Thea is a worthy bride if things would work out fine.  I'll make her mine.  Forever mine. Determinadong desisyon ni Matteo.

i'd still say yesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon