chapter 4: payong kapatid

27 0 0
                                    

chapter 4

"Kate!"  Tawag pansin ni Thea sa kaibigan na nakatayo sa balkonahe ng mansion.  Palinga linga ito sa mga taong dumadaan at pa sulyap sulyap sa mga bagong dating sa gate.

"Thea, thank GOD andito kana.  Akala ko mtatagalan ka pa eh.  Baket ngayon ka lang?"  Halata ang relief sa mukha nito nang masilayan ang kaibigan sabay yakap dito.

"Naantala kami sa highway, medyo ma traffic kase. Pasensiya kana ha.  Kumain ka na ba?"  Giniya ni Thea sa loob ng dining room si Kate.  Marami nang tao sa mga oras na iyon.  Halos lahat ng mga estudyante ay dumalo sa victory party nina Matteo.  Kumuha na sila ng plato sa buffet table at ngsimula nang mamili ng kakainin.

"Asan na nga pala ang boyfriend mo?  Wow huh, pinag usapan sa school ng ilang araw ang pagpropose at pagsagot mo sa kanya.  Nayanig ang buong university. Grabehhhh!"  Hanggang ngayon kilig na kilig pa din ito sa naganap ng araw na iyon kahit ilang araw na ang lumipas.

"Asus.  Ikaw talaga, dapat yata maghanap ka na din ng boylet eh.  Para maramdaman mo ang nararamdaman ko ngayon.  Lumilipad sa alapaap Kate, ang sarap ng feeling ng inlove."  Kitang kita ni Kate ang totoong nasasaloob ni Thea sa pungay ng mga mata nito pagkasabe niyon.  Para pa itong nakatanaw sa malayo.  Napapailing na lang si Kate.  Hindi niya akalain na magigin ganun ka bilis ang lahat.  Alam naman niya na inlababo talaga ang kaibigan niya sa lalake, pero hindi niya maimagine na magseseryoso ang katulad ni Matteo.  Sa gwapo, tikas, yaman nito, at sa mga babaeng naghahabol dito, parang suntok sa buwan.  Yes, given na maganda din naman ang kaibigan niya pero parang hindi pa ito ang tamang panahon para sa mga seryosong relasyon sa lalake.  Nangangamba siya para sa kaibigan, baka mapasali lang ito sa mahabang listahan ng babaeng pinaiyak nito.  Ayaw niya din naman masaktan si Thea dahil sa bigong unang pag ibig.  Masyado itong mabait para saktan at paglaruan.  

"Hmm, alam ko mahal mo siya.  Pero girlfriend, hinay hinay lang ha.  Bata pa tayo para magseryoso masyado.  Remember ang pangarap naten, punta pa tayo sa Canada girl."  Paalala niya dito bilang pagsatinig ng mga nasasaloob.

"Kate, alam kong mahal ako ni Matteo.  Siya lang ang mamahalin ko nang ganeto.  Sa kanya ko lang pinangarap bumuo ng pamilya at magkaanak at makasama siya hanggang sa pagtanda."  Hinawakan pa nito ang kamay ng kaibigan para bigyan diin ang damdamin.

"Oo nga, mahal mo siya pero maaga pa para magsabe ka ng ganyan, ano ka ba.  Masyadong bata pa tayo at kakasimula niyo pa lang.  Hay naku, basta ha.  Paalala lang naman yung sa akin.  Mahal kita kase di lang kaibigan ang turing ko sayo, para na din kitang kapatid.  Anyway, good luck sa inyong dalawa.  I wish you all the best dear.  Dito lang ako palage ha."  Nakangiting niyakap ni Thea si Kate bilang pasasalamat sa mga paalala nito.

"Kain na nga tayo, nagugutom na ako. Tara na."  Sabe ni Kate habang pinunasan ang nagbabantang luha sa mga mata ni Thea.  Kahit hindi ito nagsalita sa sinabi niya, alam niyang na-touched ito sa sinabi niya.  Sa tagal ng pagkakaibigan nila ay wala silang itinatago sa isa't isa.  Tuluyan nang nabaling ang atensyon nila sa party at ngsimula nang kumain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

i'd still say yesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon