Tula #2: Huwag.

1 0 0
                                    

Nagsimula lahat sa asaran.
Asaran na hindi ko inaasahan.
Asaran na, mauuwi pala sa sakit.
Sa sakit ng katotohanang may iba.
May iba kang gusto.
Simula't sapul, hindi ko inaakala na ikay magugustohan.
Hindi naman ikaw yung tipo kong lalaki.
Salongat sa kung ano ka, ang ideal man ko.
Ngunit, tiyak ngang mapaglaro ang tadhana at bored si kupido.
Dahil sa kabila nun, ginusto kita. Nagustohan kita.
Sa mga oras na'to, habang ginagawa ko ito.
Pati ako nalilito, hindi ko alam kung ifatuation lang ito. Totoo na ba 'to?
Baka naman bored lang ako, pero mas bored ka.
Pero hindi, masakit kase. Masakit dito sa puso ko, sa tuwing naaalala ko na may mahal ka ng iba.
Hindi mo ba nakikita? Gusto'ng gusto kita alagaan.
Alagaan yang puso mo na gaya nga ng sinabi mo, laging nasasaktan.
Pero hindi kita pinipilit na mahalin din ako, ang saakin lang 'wag ka nang pumunta saakin matapus ka niyang saktan.
Dahil masakit. Masakit na makita ang taong mahal mo na sinasaktan ng iba.
Na pwede namang akin ka nalang, saakin safe pa yang puso mo. Iingitan ko pa.
Pero huwag, hindi ko gusto. Hindi ko gusto na alaagan ang isang puso na hindi pa tapus mag-mahal ng iba.

Mga Tula Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon