Tula #1: Kaibigan ako ng tropa mo.

3 0 0
                                    

Alam mo ang paasa mo.
Oo,ikaw nga.
Itatanggi mo pa? Wag na.
Oh, wag mo na ding sabihing friendly ka lang.
hindi ako tanga.
Simula't sapul  alam mo nang gusto kita,
Pero ano'ng ginawa mo?
Pinaasa mo ako, pinaasang baka meron. Baka pwede, baka pwedeng maging tayo.
Una palang alam mo na, alam mo nang gusto kita.
Chinat kita, sumagot ka.
Alam mo namang marupok ako diba?
Di ko naco-control feelings ko.
Pero bakit ganun? Sa mga reply, sa mga chat at sa mga text mo feeling ko gusto mo rin ako.
Nakaka-tawa nga at bigla ko'ng naisip na, "ay, feelingera lang pala ako."
Kasi simula't sapul tingin mo lang sakin ay isang kaibigan... ay, wait. Hindi. Babagohin ko. Isa lang ako'ng kaibigan ng tropa mo.
Para saan nga ba 'to? Iniisip kung ipapabasa paba sa'yo. Teka, narealize ko. Kahit mabasa mo nga pala 'to, hindi magbabago ang nararamdaman mo.
Kasi simula palang may iba na. May mas nauna.
May minamahal kana.
Pero bago ko ito tapusin, may tanong ako.
Bakit?
Bakit mo ginawa yun?
Oo, feelingera ako pero may binigay kang motibo. Motibo na pwede palang maging tayo.
Ah sige, ako nalang ang sasagot muli saaking tanong.
Kaibigan ako ng tropa mo.

Mga Tula Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon