Pasimula

3 1 0
                                    

Pasimula

"Go Brice!Go Brice! Go Brice!" Nakakabinging sigawan ng mga estudyante dito sa court dahil sa nagaganap na Match between two school. Syempre dahil isa ako sa patay na patay kay Brice ay todo cheer din naman ako kahit kulang nalang ay malunok ko na ang lalamunan ko basta makasuporta lang ako sa kanya.

"Hala! Ayaaa. Tignan mooo. Mag t-three points si Brice!" Umiirit kong saad and he never failed us! "Benggg! Whouuuu!" Lalong lumakas ang hiyawan, bukod sa court ito ng school nila Brice dagdagan pa ng kasikatan n'ya kaya lalong umiingay. At sa totoo lang dito kami pumwesto ni Aya ang aking kaibigan sa medyo gilid para di kami makita ng mga ka-schoolmate namin na ibang school ang sinusuportahan namin. Dahil paniguradong gegerahin kami pag may naka-alam.

And can you blame me, even his not my schoolmate I'm still in his side 'cause and I am deeply inlove with him for one decade! Yes one heartbreaking decade! Hay. Ayoko ng isipin pa ang mga bangungot ng kalandian. Balik tayo sa kasalukuyan.

Dahil dikit ang labanan sa pagitan ng dalawang koponan mahalaga ang tatlong puntos na'to para maiagat ang team n'ya.

Patuloy ko pa rin s'yang tinitignan, masyado s'yang serysoso sa paglalaro. His nose that makes him more adorable and his eyes that can melt your thighs . And his lips, his lips that can allure all women that he wants and he can get them in a peace of cake.

Nang nagkaroon ng oportunifad na ma-steal n'ya ang bola ay agad n'ya ito niyakap at hindi nagpatumpik-tumpik pa, pero hinabol agad s'ya ng lalaking kasing height n'ya lang at nakipag-agawan din. Pero hindi pumayag si Brice at pinaglaban n'ya talaga ang bola. Kaya ang kinalabasan? Ayon pumito ang referee. Jump ball magaganap.

Gusto kong maglumpasay at hiniling na sana ako ang bola na pinag-aagawan nila, para kahit papaano maranasan ko namang ipaglaban ako imbes na ipagtabuyan. Whouuu! Brice Quexiso look what you made me do! Ako'y nag e-evolve sa isang desperada na maging bola. I shook my head. Nagkaka aning-aning ako ng wala sa oras.

I am Personificasyon Lamengco ang babaeng nagwawala ang hormones sa kaharutan sa t'wing nasisilayan si Brice Quesixo.

RuthlessWhere stories live. Discover now