One

1 1 0
                                    

"You should used to be like thi iha, dahil isa kang Eligien, show them that hindi ka mabagal pumick up." Habang tinuturuan ako ni Tita Meya maglakad ng tuwid. "Ay!" hiyaw ko ng muntikan na akong madapa, 3 books above my head and one for my left and right hand. Kung pwede lang tawagin ang guardian angel ko dahil sa hirap ibalanse ang mga librong ito, "oy bumaba ka na. Isama mo na rin si San Pedro" sa isip ko.

Feeling ko, pinaparusahan ako dahil may isang bagay akong nagawa labag sa kalooban. "Balance iha, huwag kang tumingin sa baba, diretso lang, at yung bandang likod mo ay straight, then chest out." may bahid ng striktang payo ni Tita. My God! ang akala ko'y biro lang ang mga nasa teliserye na nag iinarte lang sila na nangangalay. Pero heto ako ngayon namimilipit sa sakit. Jesus Christ!

Pinilit kong ipinokus ang aking paningin sa diretso lamang, upang mabalanse ng tama. And finally! I made it. Whouuu "Very good, smarte!" puri ni Tita Meya.

Kailangan lang talaga nating huwag tignan ang mga ibaba at dumiretso ang tingin sa ating tinatahak. We need to focus even we are doubting. Kailangan mo ring magtiwala sa sarili mong kaya mo. Dahil sarili lang natin ang kakampi sa mundong ito.

Tatlo pang ulit ng tuluyan ko ng nakuha ang perpektong galaw na nais ni Tita. Napaupo naman ako sa sahig ng sinabi n'yang magpahinga muna ako. Napahawak ako sa aking batok dala ng pagangalay, minasahe ko ng bahagya ang aking kamay, ngunit lubos ang pamimilipit ko kaya, pinilit kong tumayo at tinanggal ang heels na pinasuot sa akin sa pag pa-practice. Maging ang ilang daliri sa aking paa ay namula ng bahagya, tinalo ko pa ang binalugbugan ng samung tao sa sakit ng aking katawan.

Nang nakarating ako sa aking kwarto, I let myself sprawled, and feel the softness of my bed. Hinayaang kong makabawi ng lakas ang ang aking nabugbog na katawan. I look at the ceiling, lalo ako narelax sa kulay nito na apple green. Buti na nga lang may may touch of green ang theme ng kulay ng aking kwarto, nakaka ginhawa ng pakiramdam. Even based in Science, green gives us relief from stress.

Nang namaramdam ako ng pagkalam ng aking tiyan ay buong lakas akong tumayo sa higaan. Bagamat masakit ang aking katawan. Nananaig pa rin ang pagnanais kong kumain. Nanghihina ako lumabas. At dahan-dahan akong naglakad. "Aray!" At lumagpak ako sa sahig, at nalaglag din ang mga dala ni Dexter. His eyes turned to me. Nangilabot agad ako dahil, may butil ng pawis sa kanyang noo at bahagyang bukas ang mapula nyang labi dala ng pagkahingal. Jesus! Magkakasala ako nv wala sa oras.

Pinilit kong tumayo, ngunit bumagsak muli ako. Napahawak ako sa badang likuran ko dahil pakiramdam ko'y napuruhan ito. Pinilit ko la ring tumayo at sa pangalawang pagkakataon ay bumagsak ulit ako. "Lampa!" Mahinang sambit ni Dexter pero sapat na para marinig ko pa rin ito. Kita ko ang iritasyon sa kanyang mga mata. Tila tinatantya nya ang aking kilos.

Ang kapal ng mukha niyang sabihan ako ng lampa. S'ya kaya ang pagsuutin ko ng heels at lagyan ng libro sa ulo't kamay at parampahin! Naku. Pigilan nyo ko!

I gave him a look na para bang "anong sabi mo?" Pero tamad n'ya lang akong tinignan at inangat na. Ang kapal ng lalaking to. Di porket gwapo s'ya dyan. Di mo ko madadala sa ganan. Balugbugan kitang Dexter ka! Kung hindi lang talaga masama ang pakiramdam ko. Nasuntok na kita ng left and right kaliwa't kanan e.

Dahan dahan n'ya akong inalalayan pababa ng hagdan. At tinatantya ang bawat hakbang ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RuthlessWhere stories live. Discover now