Chapter 4: Si Dhani: Ang Hitad na Tutor

15 0 0
                                    

(Homer's POV)

Ano ba naman, isang linngo ata akong hindi pumasok ng school, malapit na ang finals at baka bumagsak pa ako nito. Sana naman 'wag dahil valid naman ang reason ko, buti rin at gumaling na ako kaya na-discharge na ako nung nakakaraang araw lang, naabala ko pa si Dhani dahil hindi siya umattend ng mismong program para bantayan ako, ang sabi pa niya sasamahan na lang niya ako kaysa hindi ko siya mapanood.

Si Maddie? Kumusta kaya siya? Hindi niya kasi alam kung anong nangyari saakin, sana 'wag naman siyang magalit sa hindi ko pagpaparamdam.

"Homer, 'nak, nandito si Dhani!" sabi ni Papa nang pumasok bigla dito sa kuwarto ko kaya naman napatayo ako.

"Nandito siya? Bakit naman po kaya?"

"Edi bibisitahin ka, naku ha? Alagang-alaga ka niya kala ko ba si Maddie ang girlfriend mo?"

"Shh!" Tinakpan ko tuloy ang bibig ni Papa. "Papa baka marinig kayo ni Dhani,"

"Ano naman?"

"Di niya puwedeng malamang kami ni Maddie... bestfriends sila tiyak mag-aaway sila kasi..."

"Kasi ano? M-May gusto rin talaga sa'yo si Dhani ganun ba?" tanong ni papa at tumango ako.

"Hahaha! Anak ka ng... angas a? Pinag-aagawan ka ng mga babae?"

"Pa naman e," sambit ko at lumabas na ng kuwarto, iika-ika pa akong maglakad at may malaking tapal ng gasa sa ulo dahil sa tahi, nakakahiyang magpakita ng ganito kay Dhani, bukod dun marami pa rin akong gasgas at sugat sa katawan.

Pagbaba ko habang inaalalayan ako ni papa ngiting-ngiti siya saakin, may dala siyang basket at masayang nakatayo sa salas namin kaya't nginitian ko rin siya.

"Kumusta?"

"Maayos na naman, upo ka," sabi ko at sabay kaming naupo.

"Dinalhan kita ng mga prutas! Ito o? Grapes, orange atsaka apple, mga paborito mo," sabi niya at inabot saakin ang basket, napatingin na lang ako doon at nangiti.

Never in my life I have been treated so well like this, I mean ng ibang tao hindi ng pamilya ko, di ako sanay ng ganito kaya wala akong halos maisagot o masabi kundi puro "Thank you," sa kaniya. Grabe naman siyang mag-alala samantalang di pa naman kami gaanong close, at pagkatapos sa ospital dinadalaw niya ako araw-araw.

"S-Salamat talaga Dhani, di ko na alam kung paano tatanaw ng utang na loob sa lahat ng 'to,"

"Madali lang naman, magpagaling ka kaagad, kainin mo lahat ng pinapakain sa'yo sa oras at uminom ka ng gamot," sabi niya.

Sobra naman siya, naniniklop na ako rito sa kinauupuan ko, kahit si Maddie ni-minsan hindi ako inatupag ng ganito, yes I admit parati niya akong binibigyan ng mga regalong material and I accept that as an effort— pero hindi ganoon ang hinahanap ko, ibang-iba kasi si Dhani and this is what I want. Pag-aalala na may kasamang effort at pag-aalaga kaya pakiramdam ko ang suwerte ko kay Dhani, at si Maddie kailanman di pa ako binisita kapagka nagkakasakit siguro kasi busy siya sa school.

Hindi ko naman sinasabing nagkukulang siya, pero di ko mapigilang mapag-kumpara sila marahil first time ko ngang ma-aruga ng ibang tao, this is so flattering for me.

"Tulala ka na diyan?"

"Pasensiya na, masaya lang kasi ako,"

"Dapat lang lagi kang masaya, by the way 'wag kang mag-alala dahil di naman talaga ako magtatagal baka kasi naiistorbo ko na kayo, dumaan lang talaga ako rito para ipaabot sa'yo 'yang mga prutas kasama ng ilang take-home activities. Nakiusap ako sa office na bigyan ka nila ng mga take-home lessons para mabawi mo ang na-miss mo sa school, pasensiya na kung pabigat ito at kailangan mong mag self-study kasi sayang naman at ikaw ang top one sa klase niyo," sabi niya at iniabot pa saakin ang isang bag na naglalaman ng mga papel at libro.

Re:WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon