💔

27 0 0
                                    

THIS IS A WORK OF FICTION NAMES, CHARACTER, PLACES AND EVENTS AND INICIDENTS ARE EITHER PRODUCTS OF THE AUTHOR'S IMAGINATION OR USED IN A FICTITIOUS MANNER.

Tamang dahilan, Maling paraan

Ako nga pala si Kyle, 3rd year college ako sa FEU isa akong varsity player kaming mga varsity marami kaming time dahil ang pinagtutuunan lang namin pansin ay ang aming pagiging varsity minsan eh halos hindi na kami pumapasok. Nasa canteen kami kumakain kami ng mga teammates ko habang sa isang sandali nakita ko ang isang napakagandang babae ito ay classmate ng teammate ko sa varsity kaya agad kong nalaman ang pangalan niya dahil kilala siya ng aking teammate. Dianne daw ang pangalan niya sabi ng teammate ko si Dianne ay maputi maganda at medyo matangkad ng onti, transferee lang siya sa FEU alam kong transferee lang siya kahit halos lahat ng babae sa FEU eh kilala ko na dahil araw araw ako pumapasok hindi para mag aral kundi para mag training at mag hanap ng magagandang babae sa school. Pero sa lahat ng babaeng nakikita ko sa FEU araw araw ibang iba si Dianne napakalakas ng dating niya at nakakabighani ang mga ngiti nito kaya naman agad na nahulog ang puso ko. Hindi ko na pinatagal at kinapalan ko na ang aking muka pinakilala ako ng teammate ko sa kanya. Nung makita si Dianne hindi nag ako nag dalawang isip na subukang makipag kaibigan sa kanya pero hindi na kaibigan ang intension ko sa kanya dahil may gusto na agad ako sa kaniya.
Inadd ko si Dianne sa fb at agad agad niya itong inaccept, sabay chat ako ng "uy diba ikaw yung nasa canteen kanina" at ang sabi naman niya "oo, ikaw yung nakipagkilala sakin kanina." Kinilig ako nung time na yun dahil halos buong araw kaming mag kausap at feeling ko may gusto na rin siya sakin. Kinabukasan ng araw na yon nakita niya ako sa court na nag lalaro ng nakauniform ng FEU hindi niya alam na varsity ako ng FEU at nakalimutan ko tong banggitin sa kanya ang sabi niya sa teammate ko na kaklase niya mas nagustuhan niya raw ako kase varsity ako at magaling mag laro, so ayun nakita ko siyang nanonood sakin pero di ako nag papahalata na nakatingin sa kanya, todo pasikat ako nung nag tatraining kame sa sobrang pasikat ko sa kanya nawala ako sa laro dahil andun siya, pag tapos ng training namin ay niyaya ko siyang kumain sa canteen at ang dami niyang idinahilan na maaga daw siya uuwi, may klase daw siya, pero sabi ko saglit lang pinilit ko siya hanggang sa hindi na siya nakatanggi.
Mas higit kaming nag kakilala nung nasa canteen kami dahil medyo marami kaming nalaman sa isa't isa sobrang tagal namin sa canteen halos dalawang oras na ang sabi ko eh saglit lang hahaha. Kinagabihan pag tapos namin kumain hindi ko na pinatagal tinanong ko na siya kung may boyfriend siya at ang sabi niya wala so ayun nag karoon ako ng chance sa kanya, diniretso ko siya na meron akong nararamdaman sa kanya sabi naman niya "tignan natin kung anong mangyayari" kaya ayun simula na yung ng panliligaw ko kay Dianne.
Kinabukasan habang siya ay nasa klase niya dinalhan ko siya ng bulaklak at may nakalagay sa loob na kung pwede ba siya mamaya na sabay kaming kumain pag tapos ng klase niya, nakadungaw ako sa labas at ngumiti siya sakin so it means pumayag siya na kumain kami mamaya. pag tapos namin kumain agad kaming umuwi at pag uwi ko may text siya na "salamat nga pala dun sa kanina lalo na sa bulaklak" nawala yung pagod ko nung mabasa ko yon dahil tingin ko nag work naman yung ginawa ko sa kanya.
Lumipas ang dalawang linggo kumakain kami ng mga ka-teammate ko sa varsity kasama siya dahil birthday ng isa kong teammate ang hindi niya alam na mag popropose na ako sa kanya kung pwede ko na ba siya maging girlfriend dahil sa dami na ng nangyari ay umamin na rin naman siyang may gusto siya sakin, Nabigla siya dahil ang alam nya ay makikibirthday lang kami pero nag propose ako sinet up namin to ng mga teammates ko na dun ako mag popropose at pumayag sila, di nag tagal sinagot niya na ako ng OO bulaklak lang ang dala ko nung nag propose ako sa kanya. Pag kauwi ko galing sa birthdayan nung matutulog na kami dun palang nag umpisa ang aming I love you-han haha
Kinikilig ako nung gabing yon kase yung dating crush mo lang ngayon girlfriend mo na. Lumipas ang ilang mga buwan masasaya ang mga nangyayari samin, medyo onti lang ang away at tampuhan dahil palagi kaming mag kasundo. malapit na kami mag 1 year ni Dianne, pero dumaan ang araw na napapansin ko ang cold na sakin ni Dianne niwalang goodmorning at nararamdaman ko may mali sa relasyon namin, tinanong ko siya kung anong problema sabi niya may problema lang siya wag ko na daw muna siya kausapin tingin ko mabigat nirespeto ko ang problema niya kaya hinayaan ko muna siya pero hindi ko kayang hindi kami nag uusap ng matagal kaya sinabi kong sabihin mo sakin yung problema mo tutulungan naman kita jan, pero ang totoo pala eh nag kagusto si Dianne sa ibang lalake at kilala ko ito, Oo inaamin ko mas pogi sakin yung lalake at mabait tingin ko wala akong laban sa lalakeng gusto niya ang sabi niya may problema lang siya pero ito pala ang totoo. sumama ang loob ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sobrang bait ni Dianne kaya alam kong hindi niya yun magagawa pero sabi nga nila lahat naman ng tao nag babago. sinubukan kong mag tampo pero walang nangyari nag iba na si Dianne hindi na siya yung nakilala kong Dianne, nag break kami ni Dianne sa sobrang selos ko kahit napakababaw ng dahilan pero naisip ko na hindi ko kakayanin to, hindi ko kaya na wala si Dianne sa araw araw kong buhay dahil siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito. sobrang labo namin ni Dianne at ang nakakaiyak pa don eh mag anniversary na kami tapos nag aaway kame. na focus nalang ako sa pag tatraining namin kesa naman mag away lang kami hindi ko alam kung anong mangyayari samin pero sa ngayon ayaw ko muna siyang kulitin kase baka nasasakal na siya sakin, sinubukan kong makipagbalikan sa kanya pero ang sagot niya eh wawalain niya daw muna yung feelings niya dun sa lalakeng gusto niya, ang sakit kasi nakipagbreak siya sakin dahil lang may gusto siya sa ibang lalake ewan ko kung kelan mangyayari yon pero siguro mag hihintay nalang ako, gabi gabi ako nag iisip na baka nag chachat na sila nung lalakeng gusto niya mula nunggawin sakin yung ni Dianne palagi na akong nag ooverthink sobrang selos ko kahit wala namang dapat pag selosan pati nga kaibigan niya pinagseselosan ko na eh.
marami kaming pangarap sa buhay, marami kaming gustong gawin pero nawala ang lahat ng yon dahil lang sa nag kagusto siya sa isang lalake na yon, mas nag focus lang ako sa pagiging player ko sa school namin para kalimutan ang mga problema ko, dumating kami sa point na siniseen niya na lang ako sobrang sakit para sakin,
Pero ngayon nakipag-hiwalay na talaga siya sakin ang sabi niya ayaw na daw niya patagalin pero ayaw niyang sabibihin sakin yung dahilan tinanong ko naman kung mahal pa niya ko sabi niya,
"oo mahal pa kita." tinanong ko rin siya kung sawa na ba siya sakin or may gusto na talaga siya sa lalake, hindi daw yun yung dahilan kung bakit makikipaghiwalay na siya sakin, ayaw na ayaw niyang sabihin sakin, kaya pinuntahan ko siya sa kanila after ng class ko gusto ko sa personal kami mag usap para umamin siya ng totoo dahil
sobrang sakit naman siguro kung yung 2years namin sa chat mag bebreak? kahit sino naman diba? kaya pinuntahan ko talaga siya, pero nung gabing yon ayaw niya talagang sabihin sakin yung dahilan lalo na sa personal kaya ang sabi niya sakin sa chat nalang daw niya sasabihin, ilang beses ko siyang pinilit na sabihin pero ayaw niya
feeling ko masasaktan talaga ko pag sinabi niya sa personal kaya di ko na siya kinulit pumayag ako sa na chat nalang niya sabihin niyakap ko muna siya ng maraming beses bago ako umuwi samin kase baka ayun na huling beses na mayayakap ko siya at makikita dahil next year mag iiba na daw siya ng school sobrang higpit ng yakap ko sa kanya.
Dahil mahal na mahal ko siya, pag uwi ko ng bahay sinabi niya sakin ang totoong dahilan, hindi ko nga pala nasabi sa inyo na mag kaiba kami ng religion isa akong
Iglesia ni Cristo at siya naman ay isang Catholic, ayun yung dahilan niya kung bakit ayaw na niyang patagalin tong relasyon namin kase nga naman baka ang saya saya namin palagi tapos sa huli di kami mag kakatuluyan dahil mag kaiba kame ng religion, ayaw niya mag paconvert sa INC dahil dun na raw ang nakasanayan niya, Pero kung gusto niya talaga pwede naman gawaan ng paraan eh, diba nga kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan.
Kahit kelan hindi ko ipagpapalit nag pagiging INC ko dahil ayun ang religion ng buong family namin atsaka since birth INC na ko, So ayun ang dahilan niya kung bakit ayaw na niya tong patagalin, alam kong tama yung desisyon niya pero sobrang sakit ng dahilan niya parang no choice talaga mas gugustuhin ko pang sabihin niyang may gusto na siya dun sa lalake kesa naman ayan yung dahilan kaya sobrang sakit para sakin neto hahaha sa ngayon hindi ko alam kung anong mangyayari pero gusto ko talaga siya, liligawan ko ulit gusto kong bumalik na siya sa dati at titignan natin kung anong mangyayari samin so ayon dun na nag tatapos tong kwento namin.
Salamat sa mga nag basa sorry kung hindi masyadong maganda yung pag kakaayos ko ng story first time ko lang kasi gumawa ng ganito haha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tamang dahilan pero maling paraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon