Chapter 1 Ulan

26 1 1
                                    

   - Ralph POV-   

tooooooooooot....toooooooooooot!

Isang nakakabulabog na bosena ng ten wheeler truck sa labas ng aming bahay.Halos magecho ang bosena sa loob ng kwarto ko,dahil ang bahay namin ay malapit sa highway, kaya naman umaumaga ay nabubulabog ang tulog ko, kung hindi sa ingay ng bosena ng mga sasakyan sa labas ay ang ingay naman ng paparating na LRT, oo LRT dahil malapit dn kami sa LRT Station, at dadagdag pa ang mas nakakabinging talak ng ermats ko. Kaya nga wala ng katahimikan ang umaga ko eh..At alam niyo ba minsan nagtatapon ako ng barya sa wishing well,wishing fountain at kung ano mang may wishing basta makapag wish lang. At ang wish ko naman ai napakamakabuluhan, Ang wish ko lang naman ay mawala na ang ingay sa bahay....haiyy

        Ako nga pala si Ralph Rodriguez, kung iniisip nyong kamag-anak ko si Tom Rodriguez nagkakamali kayo dahil mas gwapo sakin si Tom. Ako ay isang estudyate na katulad ng iba, ay pumapasok para makapagtapos ng pagaaral at katulad din ng iba na minsan ay dumadalangin na sumama ang panahon upang mawalan ng klase at kung minsan ay gusto ko pang itapat ang sama ng panahon sa araw ng exam. Ako ay Fourth year Student na, matalino, ngunit ipinanganak na mahina sa sports sa madaling salita may taglay akong kalampahan. Hindi lang sa sports pati yata sa mga babae lampa ako dahil ni isang girlfriend hindi pa ako nakabingwit "no girlfriend,since birth" ika nga ng mga kakilala ko na halos magbilang na nang mga naging girlfriend.

        Sa dami ng babaeng nakilala ko isang babae lang ang namumukud tangi para sa akin ang crush ko simula pa lang ng elementary student ako ang pangalan nya ay Samantha Sanchez, maganda, mayaman, at may mapupungay na mga mata, mala anghel ang kagandahan nya. Popular sa school namin si Samantha at tulad ng ibang popular girl maraming umaaligid na mga asungot sa kanya, popular din naman ako sa school kasu lang sikat ako bilang isang matalinong lampa. Simula pa ng maging mag-classmate kami ni Sam hindi na kami nagkahiwalay ng section, at dahil lagi ko syang classmate lage akong present sa klase para makita sya at lage akong nagpapaempress sa klase upang mapansin nya, sa katunayan sa klase lang dahil sa matalino lang ako hindi ko kayang magpasikat sa kanya pagdating sa P.E. lalo na kapag ang P.E. namin ay basketball, dahil lahat ng tira ko hindi man lang makahalik sa ring, hiyang-hiya ako pag P.E. dahil nanunuod sya. Isang beses ko lang nakausap si Sam dahil nahihiya ako pagkinakausap nya ako at ang una't huling beses na yun ay nung Grade 6 kami, malakas ang ulan ng mga araw na yun at kenansela na ang klase, na ikinasaya ko naman dahil P.E. na ang kasunod na klase namin. Nagdatingan ang mga sasakyang upang sunduin ang mga mayayaman kong kaklase, ako obvious na magpapayong at maglalakad pauwi ng bahay gamit ang payong na pagkalaki-laki na kaya na sigurong payungan ang buong klase nmin. Nakalabas na ako ng room namin noon at tulad ng dati ako ang kahulihang lumabas. Nung nasa labas na ako nakita ko si Sam na mag-isa at naghihintay na sunduin ng parents nya, halos wala ng estudyante sa school namin at patuloy na lumalakas ang ulan. Napansin ko na walang payong si Sam, gusto kong lumapit kay Sam at sabihing Sumukob na sya sa payong ko at sasamahan ko na lang syang hintayin ang parents nya, ngunit inuunahan na naman ako ng kaba at hindi magawang lumapit sa kanya. Pero nababasa na si Sam ng Ulan kaya lumapit ako sa kanya ng nakapikit at parang tuod na naninigas ang katawan hindi dahil sa lamig na dulot ng malamig na hangin kundi dahil sa nerbyos na nararamdaman ko at mukang pinagpapawisan ako kahit na malamig ang panahon. Nagulat ako ng biglang may nagsalita, ng imulat ko ang mga mata ko nakita ko si Sam.

        "Ralph thank you, pinayungan mo ako"

Nang  marinig ko ang mga salitang lumabas sa bibig ni Sam parang gusto kong malanta sa kinakatayuan ko. Pinilit kong sumagot, sinabi ko kay Sam na,

"Dito muna ako.,if ok lang sayo,sasamahan kita hanggang sa dumating ang parents mo.."

At kung akala nyo na nasabi ko ito ng diretso nagkakamali kayo dahil halos maging tunog sanggol ang pagsasalita ko, at gusto ko nang maglaho sa kinatatayuan ko sa sobrang hiya. Matapos kong sabihin na sasamahan ko sya ay may mga bagay na sinsabi si Sam na hindi ko na naririnig dahil para na lang akong isa sa mga monumento ni Rizal.

        Dumating na ang parents ni Sam at wala man lang akong ibang nasabi sa kanya maliban sa sasamahan ko sya. Patuloy pa rin ang ulan at bago umalis sila Sam ay nagpaalam at nagpasalamat na si Sam sa akin na tulala lang at kumakaway habang papaalis sila Sam. Natauhan lang ako ng biglang kumidlat at nainis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nakausap ng matagal si Sam dahil sa katorpehan ko. At dahil lalong lumalakas ang ulan ay umuwi na ako na inis na inis sa sarili ko.

         Matapos ang mga pangyayaring yun hindi na nawala pa sa isip ko si Sam at pagnakikita ko sya sa school nag Totorpe Mode ako isang katuahang pumapalit sa akin kapag nakikita ko si Sam.Torpe Mode na nag aactivate dahil sa sobra kong duwag na ipagtapat sa kanya na mahal na mahal ko sya. At kapag umuulan naaalala ko ang araw na una kong nakausap si Sam. Salamat sa ULAN..

#ClumsyLover...mode of torpeness...

keep reading guys...

I AM HIS CLUMSY LOVER (THE TORPE MODE GUY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon