Chapter 2 Love Letter

18 1 0
                                    

 -Ralph POV-        

       Isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari sa akin ngayon, hindi ko inaasahan na tinawag ako ni Sam upang magsabay na kami patungo sa aming silid aralan,wow!silid aralan talaga?room na lang para in, at yun nga ang nakapagtataka normal ang pakikipagusap ko kay Sam, na para bang lagi kaming naguusap. Habang naglalakad kami, may isang bagay akong nasabi na sa buong buhay ko, at alam kong hindi ko kayang gawin, Sinabi ko kay Sam na,

"Sam mahal na mahal kita,simula pa lang nung elementary students pa tayo",

        Matapos mamutawi sa aking bibig ang mga katagang iyon ay nagkaroon ako ng bilib sa sarili ko dahil nagawa ko ang bagay na iyon. Bigla akong nahinto sa paglalakad ng magsalita si Sam na,

"Ralph mahal na mahal din kita, at ikaw lamang ang aking pakamamahalin..",

        At hindi namin namalayang dalawa na unti-unti nang nagkakalapit ang aming mga labi ng biglang...

"Hoooyy...!Ralph damuho ka, hanggang kelan mo ba gustong mahiga dyan? Tirik na ang araw bumangon kana dyan malalate kana school...!"

        At nahulog ako sa aking higaan, dahil sa nakakabinging sigaw ng nanay kong, naging alarm clock ko na araw-araw. Dali-dali akong bumangon at asar na asar dahil isang panaginip lamang pala ang nangyaring yun, at naisip ko na bakit nga naman mangyayari yun eh ni hindi ko nga kayang makalapit kay Sam. 

(-_-)

      Kape at pandesal lang ang nakasanayan kong umagahan, at pagkatapos naliligo na ako, sobrang tagal kong maligo dahil gusto kong maging malinis pagkaharap ko si Sam, at matagal din ako sa harapan ng salamin at halos maubos ang pabango sa kaka-spray ko, ito ang mga bagay na nakagawiaan ko ng gawin tuwing papasok ng school,ang maging presentable sa paningin ni Sam, at obvious na nman na wala rin mangyayari dahil hindi ko malapitan ang babaeng minamahal ko mula sa malayo.

       Patungo na ako sa aming paaralan, at habang naglalakad ako iniisip ko na kailangan kong gumawa ng paraan, kahit na anong paraan para maiparating ko na mahal ko si Sam. Sa paglalakad ko may nakita akong dalawang babae na halos magtatalon at himatayin sa sobrang pagkakilig sa pagbabasa ng isang liham, liham ng pagibig o ang Love Letter.

Girl1:

"Giiirrll...Nagtapat na sya sakin, ang sabi niya dito sa love letter, mahal daw nya ako...ihhhhhhh"

Girl2:

"Talaga friend?.. wow nakakainggit naman, pero grabe ha nakakakilig kayong dalawa,Supeer....."

        Nang marinig ko ang mga sinabi nila nagkaroon ako ng idea, 'ano kaya kong sumulat din ako ng Love Letter. Tama! gagawa ako ng Love Letter. Halos lumundag ako sa tuwa dahil nagkaroon ako ng paraan upang maiparating kay Sam ang nararamdaman ko para sa kanya.

         Nagtipon-tipon na ang mga estudyante para sa Flag ceremony. Nakita ko si Sam at tulad ng dati para na naman akong bato na hindi makagalaw. Natapos na ang Flag ceremony at muntik na akong maiwan sa line. Natauhan ako ng tawagin ako ng classmate ko at dali-dali akong tumakbo papunta sa room namin. Pumasok na ang teacher namin at history ang subject namin isang mahaba-habang kwentuhan ang mangyayari, kaya imbis na makinig ay ginugol ko ang buong oras ko sa paggawa ng Love letter. Dumaan na ang oras ng iba pa naming subjects pero pinagtuunan ko talaga ng buong powers ko ang Love letter ko para kay Sam. Hindi na rin ako nakakain ng lunch dahil sobra akong nagfofocus. Lumipas na rin ang afternoon subjects namin. At sakto sa pag-ring ng bell natapos ko din ang Love letter, uwian na namin. Hinintay kong makalabas lahat ng classmate ko pati na rin si Sam, at nang ako na lamang ang tao sa room ay dali-dali kong inilagay sa ilalim ng desk ni Sam ang Love letter ko para sa kanya. Inilagay ko ang Love letter sa pwesto na mading makita. At umuwi na ako na may pagkanta pa habang naglalakad pauwi ng bahay. 

                    Nakauwi na ako ng bahay at halos hindi mapakali sa kaiisip kong ano ang magiging reaksyon ni Sam. Halos hindi rin ako makatulog at nagdasal ako na magtagumapay ang naisip kong paraan.

-Ralph POV-

         Kinabukasan,..maaga akong pumasok ng school. Pagpasok ko naroon na rin ang karamihan sa mga classmates ko. Nakita ko na nakapaikot ang mga classmate ko sa pwesto kung nasaan ang desk ni Sam.

Lea:

"Sam..grabe..ang popular mo talaga may nagiwan ng love letter para sayo..."

Trish:

"Oo nga, dali Sam basahin mo na..."

Sam:

"Sige"

Dear Sam,

                      Hindi ko alam kong paano ko sisimulan ang liham na ito, kung kayat ibinase ko na lamang ito sa paraang kaya ko. Nais kong sabihin sayo na matagal ko ng inililihim sa iyo ang ang aking nararamdaman. Matagal na kitang pinagmamasdan mula sa malayo, dahil hindi ko magawang makalapit sayo, Simula ng makita kita ay nagkaroon ng kulay ang buhay ko, ikaw ang nagsilbing inspirasyon ko sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Maraming taon ang lumilipas at habang lumilipas ang panahon ay hindi nawawala ang nararamdaman ko para sayo, marami mang taon ang lumipas ay hindi nagpatinag ang nararamdaman ko na parang time capsule, na nakahandang maglakbay sa ibat-ibang panahon upang protektahan at alagaan ang isang bagay na maaaring magdulot ng kaligayahan. Sam araw-araw akong nasisilaw sa taglay mong kagandahan, araw-araw, minu-minuto, segu-segundo pinapangarap at inaasam-asam kong mahagkan ka. Isa akong tao na palihim na umiibig, ngunit Sam sa pamamagitan ng sulat na ito ay nais kong sabihin mula sa puso kong tunay at wagas na nagmamahal na, SAM Mahal na mahal kita at patuloy kitang mamahalin kahit ilang mga panahon pa man ang lumipas.

                        Aasahan ko ang tugon mo sa aking liham.At sana sa pamamaigitan ng sulat ay magkaroon tayo ng komunikasyon.

                                                                                                                                         P.S. I Love You,

                                                                       Your Clumsy Lover

       Nagsigawan ang mga classmates kong babae nang mabasa nila ang liham na ginawa ko para kay Sam. Sobrang saya ko dahil nakita ko na nakangiti si Sam habang hawak ang sulat. Nakita ko rin na gumagawa sya ng reply letter. Sa sobrang saya na nararamdaman ko halos gusto kong sumigaw, pero pinigilan ko upang huwag akong mahalata. Nakita kong iniwan ni Sam ang liham sa ilalim ng table nya, at nang maguwian na, maingat akong nagmasid kong may tao pa sa paligid at dali-dali akong pumasok sa room namin para kunin ang liham. Habang pauwi ako binasa ko ang liham. Sinabi ni Sam sa liham na nagpapasalamat sya sa pagamamahal na ibinibigay ko sa kanya, at sinabi nya na patuloy kaming magsulatan upang mas makilala namin ang bawat isa. Sa sobrang saya ko, katabi ko sa pagtulog ang letter ni Sam para sa akin. At nagpapasalamat ako na nauso ang LOve Letter. At patuloy akong sumusulong para mawala ang katorpehan ko para balang araw masabi ko rin nang harapan na mahal ko sya. Sa ngayon ikaw muna ang inaasahan ko. Salamat sa Love Letter.

#ClumsyLover......dapat nagtext ka na lng..

pero effort...nice one...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I AM HIS CLUMSY LOVER (THE TORPE MODE GUY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon