Kabanata 2: The Purge

115 9 28
                                    

Irene's P.O.V.

8:58 ng gabi may nakikita na kaming street ng mga nakamask na sasama sa purging at may nakita na kaagad kami sa gilid ng bahay namin sa kalsada may nagpapatayan. Napaka brutal nila.

Dumadaan lang sila pero nilalagpasan din kami mukhang wala saaming mga galit ang mga taong ito. Sumandal ako sa swivel chair, katabi ko si Seulgi na may hawak na machine gun at handgun at back up na mga bala sa belt gun niya. Ako naman shotgun na may silencer at parehas kami ng laman ng belt gun.

"Mukhang tahimik ang gabi natin ngayon." Nakahinga ako ng maluwag.

"Ani unnie. Meron, may nareceive na message si Wendy. Nagparamdam na eh." Mukhang hindi pala ako makakahinga ng maluwag.

"SON WENDY!"

Napabalikwas kami ni Seulgi at mabilis na tinignan isa isa ang monitor. Sa front door may babae na ginaya ang itsura ni Harley Queen, may bat at may hawak na megaphone. Ilang saglit pa ay nahanap niya yung cctv na nakadikit sa itaas na corner ng pader. Sa nakikita ko isa lang naman siya mukhang hindi siya magiging problema.

"SON FVCKING WENDY! I AM HERE!"

Bumukas ang pinto sa daan ni Yeri, nagmamadaling bumababa sila ni Joy at humahangos habang binabanggit ang pangalan ko.

"Ate irene! Ate irene!" Hinanap ko kaagad si Wendy sa kanila napatayo ako sa kaba.

"'San si Wendy?!" Bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Ayos lang siya ate, natutulog siya pero may malaking problema." Kitang kita sa mukha ni Yeri ang takot.

"A-ano?"

"May naririnig kaming mga yabag sa bubong unnie. Marami sila unnie." Sabat ni Joy. Napatingin ako sa monitor. Isa lang talaga nakikita namin.

"Sht unnie mukhang kabisado na nila yung blind spot ng cctv." Mahinang sabi ni Seulgi. Napakagat ako ng labi.

"Dito lang kayo, huwag na huwag..." Nilabas ko yung hintuturo ko. "Na huwag kayong lalabas dito." Babala ko sa kanila. Tumango sila.

Mabilis akong umakyat at lumabas ng basement pera paglabas ko wala na si Wendy sa kwarto ni yeri. Napamura ako, tumingin ako sa pinto papuntang basement at agad na sinarado.

*eeerngg eeeeerng*

Nakarinig ako ng parang makina sa may bubong pero hindi sa parte kung nasaan ang kwarto ni yeri.. Sht chainsaw ba yun? Agad lumitaw ang imahe ni Wendy sa utak ko na duguan, anlakas ng kabog ng dibdib ko. Tumingin ako sa pinto sa basement at sa kisama patuloy parin yung ingay. Hindi ko alam kung mas safe sila doon na nakakulong sila o mas mapapahamak sila dahil andoon lang sila kung sakaling matunon sila. Bilang nakakatanda responsibilidad ko sila. Sht Irene kailangan mo ng magdesisyon ng mabilis... 

Nahagilap ng mga mata ko yung cabinet... hindi ko na alam. Basta tinulak ko yung cabinet at hinarang sa pinto sa lapag. Mabilis akong lumabas ng kwarto at isa-isang tinignan ang kwarto.

"WENDY!" wala sya sa kwarto niya. "WENDY! ASAAN KA WENDY!" Tinignan ko na bawat room pati cr pero wala siya kaya agad akong bumaba.

"HAHAHA SON FVCKING WENDY  I'M COMING FOR YOU!" Bumaba ako para hanapin siya. Wala siya.

*eeeeerng* 

Pumunta ako sa kusina pero wala rin siya. My gosh asaan ka na ba Wendy? Biglang namatay ang ilaw.

"Ooopss... hindi ata kayo nakapag bayad ng kuryente, my bad papasok na ako since your security system is not working HAHAHAHA." pero alam ko na pinutol nila ang uryente namin. It takes 10 minutes to bring back the power, at useless na rin kung gagamitin pa namin dahil nakapasok na sila.

PURGE ||ff•BangtanVelvetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon