Sportsfest..
..Habang nagluluto ako , nagkamali ang kamay ko sa paghawak ng malaking lutuan, napaso ang kamay ko at ramdam ko ang tinding hapdi pero tiniis ko at hindi ipinakita sa iba.
Agad akong tumakbo sa clinic para agad kong ipinakita ang paso ko, malaking paso ang natamo ko, kaya sabi nung nurse itigil ko muna daw ang pagluluto.
Habang napapapikit ako sa hapdi dahil sa nilalagay na ointment, biglang dumaan si Jate. Biglang nawala ang nararamdaman kong hapdi nung nakita ko siya.
Ayiiiee!!!!!!! Napatulala ako at halos umikot na ang ulo ko sa kasusunod sakanya. "Oddyson " sabi nung nurse kaya bigla akong naka balik sa senses ko.Paglabas ko ng clinic,
Sumalubong si aise, "Pinsan,anong nangyari?"Tumawa lang ako , "wala pinsan, hehe . "
"Umuwi ka na nga .. Tama na ang luto, hayssh hindi nag iingat." Sabi niya at inihatid ako sa sakanyan ng jeep. Habang naghihintay, may isang dalagang nakatayo sa harapan naming tuwang tuwa sa pagtetext mukhang may love life.
Biglang bumulong si Aise ,
" Yang dalagang yan, alalahanin mo mukha niyan." Bulong niya.
"Bakit?" Sabi ko na may halong pagtataka.
"Shh, mamaya " sagot niya.Pag alis nung babae,
"Ang ganda nung babaeng yun ah? Sino yun?" Tanong ko kay Aise." Siya !Siya yung sinasabi kong ex ni Jate na nakikipag balikan. Diba? Maganda? " sabi niya.
"Ai Okay." Yun lang nasabi ko kahit alam ko sa sarili kong nasaktan din ako .
Eshh. Buhay nga naman talaga sigurong ganyan. Kung sinong gusto mo yun pa ang may iba.
BINABASA MO ANG
Untitled (Only For Him)
RomanceI Loved Him We broke Up I wanted to start again But I can't Until I meet my "Untitled" Because of Him, I started again. I want you to read my "Untitled" for Him. Crush ko siya pero hindi ko masabi, Kaya dito ko nalang Idadaan. Hope You Enjoy readi...