With Him II - Chapter 6

0 0 0
                                    

Nakatambay ako sa may store. Kasama ko sila Arin , Jale , Lewis at si Yana. Naghihintay ako ng kasama kong uuwi wala akong kasama. Tahimik.
Ayoko ng tahimik ako at walang kausap eih kaya pag wala akong ginagawa naghahanap ako ng maiistorbo.
5 pm na nun . Tinawag ako nila May at Anne na sumabay sakanila. Ayun sumabay na ako.

Sa likuran namin, andun sila Jack , Coly at Andy. Mainggay nanaman . Nakikipag kulitan din naman ako, sabi ko nga ayoko ng boring .

Nakarating na kami sa sakayan ng jeep.
Kaso wala pang jeep. Kaya yun hintay hintay ulit.
Bigla kong nakita si Jate , 😮😮😮
Lumapit siya sa amin at naki tayo .
 "Oddy , diba ayaw mo ng love love? Andyan naman si Jate , kaya niyang patunayan sayo." Sambit ni Jack.

 "BALIW" yan lang ang lumalabas sa bibig ko. Tinitignan ko naman si Jate tahimik lang at ngumi ngiting nakatingin sa akin.

  "Oo nga. Wala pamandin akong girlfriend. Single . " Dagdag ni Jate.

Ramdam ko na sa sarili kong namumula na ako, Umiinit mga tenga ko sa kilig . Hindi ko mawari.

" Oddy , seryoso . Anjan nga si Jate. Bigyan mo kasi ng chance suss.. " sabi nanaman ni Jack habang nakatingin sa akin.

Omg..
Hindi ako makapag salita.
Hindi ako ..
Hindi...

EWAN!

Untitled (Only For Him)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon