6 years later
Rose Anne POV
My name is Rose Anne Montes and it's been 6 years since my first heart break at ngayon nandito ako sa tapat Ng Altra Company.
Ang Altra Company ay nagmamay-ari ng Sampung 5 star hotel at Limang resorts Kaya talaga namang kilala Ang kompanyang ito.
Ako ang Secretary ni Mr. Lucas Alcantara, ang CEO Ng Altra Company.Alcantara.. Yun din Ang apelyido Niya. Pero alam ko namang impossible dahil simula Ang araw na Yun..Hindi na Siya nagparamdam at nalaman ko nalang na umalis na siya.
Pag pasok ko Ng building binati agad ako Ni mang Artur
"Good morning ms. Montes" naka ngiting bati Ni mang Artur
"Good morning din po mang Artur" bati ko din.
My office is in 8th floor Kaya sumakay nako sa elevator.
Naka sabay ko naman si julius.
Ang makulit Kong co-worker na Gustong manligaw sakin pero lagi Kong binabasted."Hi rose!! Good morning!" Masayang bati nito.
"Hello Julius" naka ngiwing bati ko.
Sa Totoo Lang.. Mabait si Julius, smart din siya and He is also Good looking Kaya naaawa ako sa kanya kase di ko kayang gantihan Ang nararamdaman niya.Lumabas na ako Ng elevator at dumirecho na agad ako sa aking office para simulan na sana ang aking trabaho ngunit pumasok ang kaibigan ko at the same time katrabaho ko na si Alice Almadrigo.
"Oh? Rose? Sabi na nga ba at nandito ka pa! May meeting tayo sa AVR, ipapakilala na daw Ang bagong CEO Ng Altra Company". Naka ngiting Sabi nito na Parang kinikilig pa.
Bakit Kaya kinikilig to -_- , bagong CEO Lang pala Parang may artista Kung maka asta to! Sarap batukan.
AVR
Pagdating namin sa AVR ay umupo na kami Ni Alice.
Inilibot ko Ang paningin ko at nakita ko sila Mr. Lucas, si Julius at Ang iba pang mga staffs, pati narin Ang mga co-workers ko..Hays mukang excited talaga sila, ano bang meron sa bagong CEO bukod sa tiyak na bossy ang papalit at tiyak Rin na matanda na ito kagaya ni Mr. Lucas."Uy! Alice ano bang meron sa bagong CEO? Bakit parang excited at kinikilig sila?". Inaantok na Sabi ko.
"OMG! Rose?! Hindi mo ba binasa Yung booklet na binigay ko kahapon??" Gulat na tanong nito.
"Malamang hindi -_- magtatanong bako Kung nabasa ko?" Inis na Sabi ko.
"Haist! Ganto kase ya-..." Hindi na natapos ni Alice ang Sasabihin niya dahil nagsimula na Ang meeting.
Hmm... whatever! Wala din naman akong pake eh! Basta ang importante sakin ay Ang trabaho ko.
Habang nagsasalita si Mr. Lucas ay Hindi ako nagkikinig dahil iniisip ko Yung ex ko...tanga na Kung tanga -_- pero Namimiss ko siya. 6 years nadin ang lumipas at sure ako na Wala nakong nararamdaman sa kanya...antagal Kaya bago ako maka move on... impossible na siya Ang bagong CEO Ng kompanyang pinagta trabahuhan ko dahil Wala siya dito.
Napabalik nalang ako sa ulirat Ng nagpalakpakan Ang mga katrabaho ko. Pinakilala na siguro Yung bagong CEO.
Pag tingin ko sa unahan ay Nandoon na nga Ang bago Kong boss at nagsalita ito."Magandang araw sa inyong lahat. Ako si Kian luke Alcantara...Ang bagong CEO"
____________
Hi guys!! Pabitin muna😂 Sana suportahan niyo Ang first story ko.
BINABASA MO ANG
You're My Past, Present and Future
Teen FictionPagmamahal na nagsimula sa asaran, storya na binuo ng magkasama, at pagsubok na sabay nilagpasan. Maaari pa bang mabuo muli? at tumibok Muli ang mga pusong minsan nang nasaktan? Maaari pa bang ibalik muli ang pag-iibigan na pinaghiwalay ng panahon? ...