"L-luke..." Tanging Nasabi ko dahil parang bumalik ang lahat...simula sa umpisa nung mga panahon na masaya pa kami Hanggang sa panahon na Iniwan Niya ako...bumalik lahat Ng sakit at lahat Ng nararamdaman ko para sa kanya...para bang bumagal Ang ikot Ng mundo at kami nalang ang tanging nandito sa AVR pero biglang...
Kringggg***
"Anak!! Gumising ka na! Late ka na!!" Sigaw Ni mama.
"Wait Lang po ma!" Sigaw ko pabalik...teka! Panaginip lang ba Yun? Haist! Buti naman...hindi pa ata ako handa na harapin siya saka impossible talaga dahil Hindi naman mababago Ang aming CEO at lalong lalong Hindi sila magkamag-anak Ni Mr. Lucas. Sana nga.
Naligo nako at ginawa ang aking daily routine...pagbaba ko ay naka handa na Ang almusal Kaya naman kumain na ako at pagkatapos ay nagpaalam Kay mama.
Si mama nalang Ang kasama ko sa buhay dahil namatay Ang papa ko nung bata palang ako Kaya naman sobrang proud ako Kay mama dahil Hindi niya ako pinabayaan.Asar! Pagdating ko ay tapos na Ang meeting sa AVR! Pano Yan...patay ako Kay Mr. Lucas.
"Rose!! Bakit ka late?!?di mo ba Alam na may meeting??? Secretary ka pa naman! May Bago Tayon--" Malakas na Sabi Ni Alice na pinutol ko. Ang daldal talaga!
"Alice ang Ingay mo! Agang-aga. Alam ko na may meeting nalate Lang ako Ng gising dahil sa lecheng panaginip na yun!!"iritang Sabi ko. Impossible na mangyari Yun diba?? Sana.
"Anong panaginip?!" Curious na tanong nito.
"May bago daw Tayong CEO and worst! Ex ko pa!!" Pag naaalala ko Yun lalong umiinit ulo ko. Bakit ko ba kase siya napaginipan!
"May ex ka pala? Akala ko NBSB ka?" Ani nito.
"Meron syempre! Ano tingin mo sakin? Sa ganda Kong to?! Hmp!"
"Oh, speaking of CEO Bago na pala yung CEO natin. Pinakilala siya kaninang meeting at dahil Wala ka. Sabi Ni Mr.Lucas pumunta ka daw sa Office Niya dahil ipapakilala ka daw sa bagong boss. And take note rose! Ang gwapo niya!!!" Kinikilig na Sabi ng aking baliw na kaibigan. Bigla akong kinabahan Hindi naman siya Yun diba? Wala siya rito sa pilipinas. Pero pano kung siya nga? Pano Kung magkatotoo ang panaginip ko? Pano?! Hindi ko Alam Kung anong gagawin ko! Hindi pako handa na harapin siya.
Napabalik ako sa katinuan Ng magsalita si Alice.
"Ano na rose? Balak mo bang tumayo Lang Jan?"
"A-ah hindi, s-sige pupunta n-nako"
Bago ako pumunta sa office ni Mr. Lucas dumirecho muna ako sa cr.
Nag retouch at nagpalipas Ng kaba.
Hindi ko Alam pero masama Ang kutob ko dito.
Hindi Kaya...NO! Rose?! Ano ka ba? Impossible na siya Yun Kaya mabuti pa pumunta ka na sa Office Ni Mr. Lucas.Bago pumasok at kumatok muna ako Ng tatlong beses.
Pagbukas ko Ng pinto at bumungad saakin ang malawak at napaka ayos na office ngunit bumalik Ang kaba na nararamdaman ko Ng mapansin ko Ang isang lalaking nakatayo at nakatalikod...Hindi ko Makita Ang kanyang muka pero nasisiguro ko na Hindi ito si Mr.Lucas dahil ayon sa tindig at pangangatawan nito ay parang kasing edad ko lamang ito.Bigla itong humarap saakin at Parang bahagya pang nagulat Ng Makita ako.
"Rose?!" "Kervy?!" Sabay na bigkas namin...Siya ba Ang bagong CEO? Si Kervy Alcantara na pinsan Ni Luke?
Para akong nabunutan Ng tinik ngunit bakas parin Ang pagkagulat sa muka ko..at least Hindi siya."Ah...kerv- este Mr. Alcantara pinatawag Niyo daw po ako?"
"Rose?...Hindi Kita pinatawag at Kung iniisip mo na ako Ang C-" naputol Ang sinasabi Ni kervy Ng bumukas Ang pinto Ng CR...at tumambad saakin Ang muka Ni...
"L-luke..." Teka... Deja vu?
___________________________
Hi guys... Sorry sa late update
Busy sa school eh..
Sana magustuhan niyo.
BINABASA MO ANG
You're My Past, Present and Future
Teen FictionPagmamahal na nagsimula sa asaran, storya na binuo ng magkasama, at pagsubok na sabay nilagpasan. Maaari pa bang mabuo muli? at tumibok Muli ang mga pusong minsan nang nasaktan? Maaari pa bang ibalik muli ang pag-iibigan na pinaghiwalay ng panahon? ...