Lagnat
Papalapit na ang kaarawan ng unica hija ng mga Beaumont, kaya lahat ay abala sa paghahanda para sa garden party na may theme na fairies. Nakakatuwa dahil ngayon lang ako makakadalo sa ganitong uri ng selebrasyon kung magkataon.
Excited ang lahat dahil naghanda si Issa ng song number na ip-perform niya sa kaniyang kaarawan sa harap ng mga bisita. Isa ako sa tumulong sa kanya sa pagpa-practice. Medyo nahihiya pa siya noong una dahil matagal siyang hindi nakapagsalita pero dahil sa suporta namin ay nagkaroon din naman ng confidence.
Dumating din ang mga kapatid ni Issa na sina Sir Tarique at Sir Zephyr, pati ang kanilang ama na si Sir Eito.
Maraming dalang pasalubong si Sir Tarique na galing pa sa ibang bansa, mga chocolates at souvenirs. Tuwang tuwa ako nang makatanggap ako ng keychain mula kay Sir Zephyr, kaya agad kong sinabit sa'king bag na dala.
Sa mga nasaksihan ko lalo kong na-appreciate kung gaano kaganda ang pamilya nila. Kahit mayaman, alam pa rin ang tunay na kahulugan ng kasiyahan—ang magkaroon ng oras kasama ang pamilya. Hindi ko kasi naranasan ang ganoon pero pag nandito ako parang nah-heal 'yong parte ko na nagkulang sa ganoong bagay.
"Ate! Swimming daw tayo nila kuya sa pool!" masayang anunsyo ni Issa habang abala ako sa panonood sa mga nagde-decorate ng garden.
Hindi kami pinapayagang mag-swimming lalo na kapag abala ang lahat, baka daw kasi malunod, kaya nakakatuwa na makakapag-swimming kami ngayon.
"Talaga? Hindi ako marunong lumangoy atsaka wala akong damit pang-swimming," sabi ko.
Hinila na lang ako ni Issa patungo sa shower room malapit sa swimming pool kaya wala na akong nagawa kundi magpatangay sa kanya.
Ipinakita niya sa akin ang isang rash guard. Napangiti ako. Mukhang ang paglangoy na lang ang problema ko.
Nagbihis kami—kulay blue na rash guard ang suot ko, may design iyon ng mga seashells. Samantalang si Issa ay pink na may design na pink dolphins. Pansin ko, mahilig siya sa pink. Mukhang allergic siya sa ibang kulay. Pero maganda at cute si Issa, natutuwa ako sa pagiging Kikay neto.
Masaya kaming magkahawak-kamay na nagbanlaw sa shower at tumakbo palabas.
"Hey lil sis and Caiomhe!" bati ni Sir Tarique sa amin. Nginitian ko siya at kinawayan.
Naka-topless si Sir Tarique, halatang nakapag-swimming na dahil basa na ang swimming shorts na suot niya. Gaya ng dati, malaki ang ngiti niya. Siya 'yong tipo ng tao na laging ngingitian ka, parang si Ma'am Luceene na palaging nakangiti.
Maya-maya pa ay dumating sina Sir Dorian at Sir Zephyr. Pareho silang gwapo sa suot na swimming shorts ngunit si Sir Dorian ang pinaka umagaw ng atensyon ko.
Tumingin siya sa aking gawi, biglang nag-init ang pisngi ko at may naramdaman akong kakaiba na hindi ko maintindihan, kaya isinawalang-bahala ko na lang. Inilipat ko na lang ang tingin sa pool na malawak.
"Halika na, Ate!" yaya sa akin ni Issa.
Sabay kaming naglublob sa swimming pool. Ang lamig ng tubig.
Sa mababaw na parte lang kami nag-swimming dahil pareho kaming hindi marunong lumangoy.
Tumalon si Sir Zephyr sa malalim na bahagi, na sinundan ng dalawa. Rinig ko ang halakhak nila, pero gaya ng inaasahan, hindi kasama doon si Sir Dorian. Ngisi lang ang ginagawa niya. Parang ang pagtawa neto ay kailangan bayaran bago namin marinig.
Lumapit si Sir Zephyr sa amin at binasa si Issa sa mukha. "Kuya! Susumbong kita kay Daddy!" reklamo ni Issa, na maya-maya ay tumatawa na rin.