Chapter 3

229 29 10
                                    

Mall

Nagising ako dahil sa sobrang lamig ng kuwartong pinatuluyan sa akin. Tumingin ako sa side table at napagtantong ala-singko pa lang ng umaga. Hinila ko ang comforter at nagtago sa loob para maibsan ang lamig.

Sabi nila madaling lamigin kapag payat, at totoo nga iyon.

Sa ibang pagkakataon, bumabangon na ako sa ganitong oras dahil hindi ako nakakatulog nang maayos sa maliit kong kuwarto. Bukod sa maliit, mainit din doon. Pero dito sa mansion ng mga Beaumont, malambot at komportable ang higaan.

Ito na siguro ang pinakamasarap kong gising. Pinilit ko pang matulog muli ngunit hindi na dumapo sa akin ang antok kaya bumangon na ako.

Nagtungo ako sa banyo upang maligo, at gaya ng inaasahan, sobrang ganda din ng banyo. Matapos maligo, nagbihis ako ng simpleng bestida.

Marahan akong lumabas ng kuwarto, siniguradong hindi ako makakagawa ng ingay. Maingat akong bumaba sa hagdan. Siguradong tulog pa sina Issa at Ma'am Luceene dahil masyado pang maaga.

Si Sir Dorian, pawis na pawis, ay pumasok mula sa front door, naka-dry fit at jogging pants. Mukhang katatapos lang mag-workout. Kahit pawisan, mukha pa rin siyang malinis at mabango, parang kahit germs mahihiyang lumapit.

Early bird din pala 'tong si Sir. Pero parang mas bagay ang angry bird.

"Magandang umaga, Sir," bati ko nang makarating ako sa pinakahuling bahagi ng hagdan.

Nakuha ko ang atensyon niya kaya lumipat ang tingin neto sa'kin. Sumalubong sa'kin ang abo netong mata na may halong asul. Mistulang malalim na parte ng dagat na pag tiningnan ay mahirap maka ahon.

"Morning," tipid niyang sagot, pinasadahan ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kusina.

Sumunod naman ako. Pagpasok ko sa kusina, nakita ko ang mga kasambahay na abala sa paghahanda ng almusal. Napakaganda ng kusina at kumpleto sa gamit. Wala ka ng hahanapin kasi nandito na lahat. Parang nasa restaurant ang set up.

"Magandang umaga po," bati ko sa isa kasambahay na abala sa paghahanda ng mga lulutuin.

Inilipat niya ang tingin sa akin, ganoon din si Sir Dorian na abala sa coffee maker. Mukhang magti-timpla ng kaniyang kape.

"Uy, hi, ineng, magandang umaga. Ikaw ba 'yong kinukuwento ni Señorita Issa na kaibigan niya?" nakangiti niyang tanong. Pinanood ko ang ginagawa niyang sausages.

"Opo, ako po si Caiomhe," masigla kong pakilala.

Nakakatuwa at naikwento na pala ako ni Issa. Nakakataba ng puso dahil pakiramdam ko ay espesyal ako para mabanggit niya sa iba.

"Aba, ang ganda namang pangalan bagay sa maganda mong mukha," puri niya. "Ako naman si Nanay Beth—tawagin mo akong Nanay Beth," pakilala niya.

"Tulungan ko na po kayo. Ano po ang pwede kong gawin?" alok ko.

Narinig ko namang tumikhim si Sir Dorian na tahimik na nagkakape sa mesa. "You don't need to help Nanay Beth, bisita ka dito," seryoso niyang sabi.

Inilipat ko ang tingin sa kanya. "Okay lang, Sir. Gusto ko po ito," nakangiti kong sabi.

Wala na siyang naging komento. Naupo siya at mariin akong pinanood. Parang pinapanood kung magkakamali ako sa aking gagawin.

"Sigurado ka, neng? Pwede mo naman akong panoorin lang," sabi ni Nanay Beth.

Nakangiti akong tumango.

Never Enough (Endless Desire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon