Chapter 1

8 1 0
                                    

“Ansarap pala ng pagkain mo dito bayani!” masayang komento niya habang kumakain.

Ewan ko ba kung nabubusog pa ba 'to dahil kanina pa kami dito nakaupo pero siya ang naman ang kain ng kain, di na nahiya nag self service pa siya papuntang ref ko.

Pagkatapos nang nangyari kanina napapayag ako sa alok niya sa di malamang dahilan.

Ewan ko ba kung bakit pero sa tingin ko'y desperado na talaga ako na makita siya ulit.

“Sabi mo tutulungan mo ako?”

“Tama ka nga bayani.” sagot niya pagkatapos sumubo.

“Paano? Paano mo ako matutulungan?”

“Paano nga ba Hiro?” tanong niya pabalik sa'kin ng nakangiti.

Paano nga ba?

“H-hindi kita maintindihan.”

“Ano bang gusto mong mangyari Hiro?” tanong niya ulit na puno ang bibig ng pagkain.

Kadiri. Tsk.

“Umayos ka nga sa mga ini-isip mo.” parang bata niyang saad na nakapout pa.

(O.O)

“Ehhh????”

Adik ba siya??? (--__--)

“Lollipop lang ang bisyo ko pero hindi ako adik.” natatawa siyang nagsasalita na walang kausap.

Teka??

“Ito na ba ang eksena na magugulat ako na nakakabasa ka ng isip?” writer ako kaya hindi dapat ako magkamali sa hinala ko.

“Yes baby bayani nababasa ko ang isip mo.” lumapit siya sa'kin at kinurot ang pisngi ko. “Hmphh!...ankyut mo talaga!”

Tsk! (--__--)

“Teka nga! Tutulong ka ba o ano?!” isip-bata kung pagmamasdan pero hindi pwedeng minamaliit ang kakayahan ng isang 'to.

Hindi niya pinansin ang tanong ko't nilahad niya ang palad niya sa akin at tumingin ng seryoso. “Hawakan mo.” nagbigay siya ng ngiting nakakakilabot ng abutin ko ang kanyang kamay.

Naalala ko pa ang nangyari kanina at alam kong hindi siya pang karaniwang tao o tao pa ba talaga siya?

Nagliwanag ang paligid ng abutin ko ang kamay niya. Nakakasilaw ang liwanag na sumakop sa paligid ko kaya napapikit ako. At sa muling pagmulat ko'y iba na ang kinatatayuan ko.

Kalye. Kalye ang kinatatayuan namin.

“Tignan mo.” tumingin ako sa tinuturo niya at may nakita akong dalawang tao na sobrang pamilyar sa akin.

Mukhang muntik nang madisgrasya ang babae dahil kitang kita ang sasakyan na nakabangga sa poste dahil na sa kabilang kalye lang naman kami nakatayo. Maraming tao ang nakapalibot sa pinangyarihan ng aksidente na nakiki-usisa kung ano bang nangyari.

Teka ba't hindi ko makita ang mga mukha nila?

“I-fast forward kaya natin? Tagal eh.” pumitik siya sa ere at naging mabilis na ang paggalaw ng mga tao maliban sa'kin at sa taong kasama ko ngayon.

Pumitik uli sa ere si L na naging dahilan para bumalik sa normal ang nangyayari sa paligid.

“Sundan natin sila.”
turo niya gamit ang lollipop niya sa dalawa kanina.

The UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon