PART I

4 0 0
                                    

Sasha's POV

5pm.
Pagod ako sa maghapong pag-aasikaso sa Flowershop ko dahil sa dami ng orders. Tumutulong din kasi ako sa mga tauhan ko lalo na kapag madami na ang orders.

Balak kong dumaan sa condo ni Clint. Isang linggo nadin kaming hindi nakikita dahil busy din ito sa mga modelling stuff niya.

Dadaan muna ako sa Peachy's Bistro.
Isang sikat na restaurant na malapit sa flowershop ko.

Favorite ko ang strawberry cake nila.

Nang makarating sa nasabing restaurant,agad kong ipinark ang kotse ko.

Napansin ko na iisa nalang ang slice ng strawberry cake.

"Yes! Makakahabol pa ako." sabi ko sa sarili ko.

Kaso lumungkot ang mukha ko ng marinig ko ang lalaki na nasa unahan ko.

"Miss Ganda, kukunin ko na yang strawberry cake niyo." sabi nito.

"Wala na ba kayong strawberry cake?" nagtry padin akong magtanong.

"Naku, pasensya na Ma'am. Yan na po ang huling strawberry cake for today."  sabi ni Trixie. Siya yung cashier.

"Sir, baka pwedeng bilhin ko nalang sa'yo yan." kinapalan ko na ang mukha ko.

Kakatapos lang ibalot ni Trixie ang strawberry cake na yun.

The Last Piece.

Nakakapanlumo.

Habang tinitingnan ko ito na inaabot sa kamay ng estranghero.

Parang gusto kong maiyak.

Tumalikod nalang ako. Maybe try next time.

Nagsimula na akong humakbang ng bigla akong tinawag ng lalaki.

"Miss."

Ako ba talaga?

"Miss."

Lumingon na ako.
Iniaabot niya sa akin ang paperbag na may laman na cake.

Tiningnan ko lang ito.
Nagtataka pa din ako?

Saka ko narealize, binebenta niya sa akin yung cake.

"Oh! Wait." saka ko kinuha ang wallet ko at kumuha ng pera.

"No need. You can have this. Free." ngumiti ito.

"Free? Binibigay mo talaga sa akin 'to ng libre?" parang hindi makapaniwala na tanong ko.

"Yes. By the way I'm Gareth Salvador."
saka naman nito nilahad ang palad.

At dahil binigay naman niya sa akin ang cake, there's no harm para magpakilala.

Gwapo ang lalaki.
Halatang may sinasabi sa buhay.
At hindi basta-basta.

Mapuputi at pantay pantay ang mga ngipin nito. Makakapal ang kilay nito na bumagay naman sa kanya.

"Sasha."

Matapos ng tagpong yun, nagmadali na akong magdrive papunta sa condo ni Clint.

Pants at polo lang ang suot ko na medyo nagusot pa.

Hindi naman siguro pa papansinin iyon ni Clint kasi sa condo lang naman kami.

Nang marating ko ang unit niya, napansin ko na bukas ito.

Pumasok na ako.

Nakita kong nagkalat ang damit sa sahig.

Isa-isa ko itong pinulot.

STRAWBERRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon