PART III: The Make Over

4 0 0
                                    


Sasha's POV

Sinasabunutan ko ang sarili ko habang nakaupo ako sa kama ko.

Nakakahiya!

Akalain mo na hilingin ko kay Gareth yun? Desperada na talaga ang datingan ko.

Kasi naman e!

Bat kasi sa dinami-dami ng lugar, dun pa naisipan magpunta ni Clint at ng babae niya.

Nalungkot na naman ako bigla ng maisip ko ang tagpong yun.

Alam kong isang modelo ang kasama niyang yun. Matangkad, sexy at mapang-akit ito.

Mga katangian na gusto ni Clint.
Ano ba naman ako?

Boring.
Plain.
Dull.

Pero dapat ko ba talaga sabihin kay Gareth na tulungan niya ako? Damn!

Babawiin ko nalang bukas. O kaya baka hindi naman niya sineryoso yun. Sino ba naman ang baliw na seseryoso sa sinabi kong yun?

Alas otso ng umaga nagising ako sa katok ni Mama. Pupungas-pungas pa ako ng buksan ko ang pinto.

"Bakit po?" humikab pa ako.

"May bisita ka sa baba."

"Bisita?"

"Oo. Gwapong lalake. Bago mong boyfriend?"

Pagkasabi nun , nagmamadali akong bumaba at sinilip kung sino ang tinuturing ni Mama. Then I saw Gareth.

"Good Morning!" masiglang bati nito sa akin.

Bigla naman akong naasiwa kasi gulo-gulo pa ang buhok ko. (kakagising ko nga lang kasi diba?) Tapos hindi pa ako nakakapagtoothbrush.

"A-anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.

"E kasi diba? You asked for my help, remember? So, ayun. May pupuntahan tayo."

Nyay!

"Mag-ayos kana. Para makaalis na tayo."

"San ba tayo pupunta?" takang tanong ko.

"Bastaaa."

"Oo na. Saglit lang."

"Sasha," tinawag niya ako pagkatalikod ko.

"Oh?"

"Ang cute mo pala pag bagong gising."

Namula ang pisngi ko. Am I blushing?

"Ay ewan ko sayo!" saka nagmamadaling bumalik sa kwarto ko.

Itinigil niya ang sasakyan niya sa isang salon.

"What are we doing here?"

"You want me to help you. So, this is the first step. A make over."

Pagpasok namin sa loob, napansin ko kaagad ang kagandahan ng buong lugar. Halatang mahal dito. Sosyal.

Sinalubong kami ng isang gay hairstylist.

"Good Morning! What can we do for you?"

"I want you to make her more beautiful."

Ngumiti ito sakin at saka ako iginiya sa isa sa mga upuan.

"This way ma'am."

At sinimulan na akong ayusan.

They colored my hair. From natural black naging parang pinaghalong brown at red ito. Malay ko ba, hindi ko naman kasi alam mga yan.

Nilagyan din ng malalaking curls, na parang beach wave.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STRAWBERRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon