Chapter 2: She's not around

29 2 0
                                    

Hunter's POV

Nandito ako sa classroom namin at nakatitig lang sa bintana. Hindi maalis sa isip ko yung tumawag at yung boses ni Janer. Pero wala naman akong paki eh, I dont give a d*mn.

Actually, nag lelesson ang teacher namin pero hindi lang ako nakikinig dahil alam ko naman na yun. Baka nga mas marami pa akong alam tungkol sa topic na yun kaysa sa kanya eh.

Tumunog ang bell senyales na uwian na. Hay, maaga nga pala dismissal namin ngayon, ayos yun para makapunta pa ako sa mga tropa ko.

Inayos ko na ang gamit ko at nag lakad palabas ng room. Sa nga hallways, pinag titinginan ako, well I got to used to it. Palagi naman silang ganyan eh. Ito lang ang iba sa school namin, kahit gwapo ka, wala kang magiging fan girl dahil ang mga students dito ay puro aral lang. Kahit may kamukha ka pang kpop idol walang effect.

Matiwasay naman akong nakalabas sa building. Pupunta na sana ako sa exit gate nang makatanggap ako ng text mesaage mula kay Hen, gangmate ko.

From: Rel
Bro wag kang pumunta sa HQ dahil wala kami don. Bye.

Mukhang wala na akong dapat pang ipunta ron. Uuwi na lang ako at mag papahinga.

Tuluyan na akong lumabas ng campus at nag lakad papuntang bahay. Walking distance lang naman ang bahay namin kaya hindi problema kung mag lalakad lang ako. Nang makarating na ako ay pumasok na agad ako. Hindi naman kalakihan itong bahay namin, pero medyo mas maliit lang kumpara sa isang mansyon. May 6-7 maids at butlers din dito kaya hindi na problema ang mga gawain. Pag pasok ko ay inaasahan kong bubungad sakin ang isang masayang Janer. Mas maaga kasi syang umuuwi kaysa sakin palagi dahil madalas, dumidiretso muna ako sa headquarters namin. Pero ngayon, walang masaya at nakangiting bumungad sakin. Dinukot nga pala sya, should I help her? No.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko para mag palit, its been a long day after all. Parang ang bagal ng oras nitong mga nakaraang araw. Pumunta muna ako sa CR para maligo, pag labas ko naman ay kumuha na agad ako ng bagong damit na maisusuot.

Pag baba ko, inaasahan ko na nandon si Janer sa sala at gumagawa ng assignments. Aayain nya akong gumawa ng assignments o kaya ay aayaing mag miryenda. Pero wala, and its good for me makakapanood na ako ng basketball at walang nag sasabing hinaan ko yun.

Binuksan ko ang TV at nanood. Pero bakit parang may kulang? Bakit hindi ako masaya? Ilang minuto na akong nanonood ng basketball at lamang na ang paborito kong team pero bakit parang may kulang. Bakit pakiramdam ko kulang dahil... Walang nananaway sakin at sinasabing hinaan ko? Pinatay ko na lang ang TV, kung anu-ano na ang pumapasok aa isip ko.

"Ya! Paki dalhan nga po ako ng sandwich at juice." Sigaw ko. Agad naman akong dinalhan ng sandwich at juice pero merong iba eh. "Ya, bakit egg sandwich? Diba yung palagi kong hinihingi ay yung Orga-meat sandwich? At bakit strawberry juice? Diba palagi kong iniinom ay yung veggie shake?" Sabi ko.

"Ay iho sorry, si Janer lang kasi ang may alam ng recipe non eh. Sinubukan na naming gumawa ng ganon katulad ng pag gawa ni Janer pero wala talaga eh."

"Hindi po kayo yung gumagawa non?"

"Hindi iho. Sabi kasi ni Janer, dapat daw masustansya ang mga kinakain mo kahit na may halong mga meat. Masama raw kasi sa pagiging gangster mo ang mga ganong pag kain eh. Sige iho, balik na ako. Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka ha."

Ibig sabihin sya ang gumagawa non? Sya ang- Teka, ano naman kung sya ang gumagawa non?! Mas masarap din naman ang gawa nila Yaya eh. Kahit simple, masarap naman. Pero gusto ko talaga yung- Aish! Gusto ko yun eh.

Kinain ko na lang yung hinanda nila Yaya kahit iba ang hinahanap ko. Ayaw ko namang isipin nila na hindi ko gusto yung mga luto nila.

Umakyat muna ako sa kwarto at kinuha ang nga notebooks, ballpen at cellphone ko. Gagawa na lang ako ng assignment para matanggal na sa isip ko ang kung anu-anong bagay. Pag kakuha ko ay bumalik din ako sa puwesto ko kanina.

Im married to a gangsterWhere stories live. Discover now