Whatever It Takes (Louise)

55 0 0
                                    

Ako si Louise, 17y/o. Mahaba ang buhok, 5'6 ang height ko. Sumasali ako sa mga beauty pageant. Minsan panalo, minsan talo. Pero laban lang. Isa akong palaban na babae, hindi ko sinusukuan kasi sino.. Pero mapagmahal din ako at masayahin..

Kagagaling ko lang sa break up, 1month palang ang lumipas noong hiniwalayan ako nung ex ko.

Bitter ako sa kanya kasi hindi maganda ang naging break up namin, basta nalang sya nanlamig, at basta nalang syang nang-iwan... Tapos, nakita ko, may iba na pala sya...

Nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko yung ginawa nya sakin, pero ngayon, sinusubukan ko nang mag-move on..

Nagpapaka-busy ako, may part time job ako sa gabi at sa umaga, nagwowork out ako.. Hindi na kasi ako nag-aral ngayong taon.. Hindi ako kayang paaralin, 8 kasi kaming magkakapatid.. Pang'4 ako..

Totoo pala talaga yung sinasabi nila na kapag nagpaka-busy ka, makakalimutan mo yung mga problema mo, pero hindi forever. Kasi nasa alaala mo lang yun eh.. Matatabunan lang.. Pero alam ko malalagpasan ko yun..

------------------------

"hello, goodmorning!" bati ko pagpasok ko sa gym namin..

"oh blooming ka yata.." bati sakin ni Lea, receptionist sya sa gym na yun..

"ay hindi naman, o nanjan na ba si Gelo?" tanong ko..

"wala pa nga eh.."

"hay nako late na naman yun.. Sigurado ako, osya magwarm up na ko sa loob ha.."

"sige.."

-------------------------

late na naman ang instructor kong gwapo, palibhasa kasi gumigig pa sa gabi.. :)

yung instructor kong yun, hindi kagaya nung mga babad sa gym talaga ang katawan, ang sexy nya.. Tama lang laki ng muscles.. Kaya nakakapagbanda pa sya.. Panget naman kasi siguro kung may bahistang masculado eh. Awkward tignan..

--------------------------

"late na naman ako.."

"oo nga eh, tara na.."

dumating na nga sya.. Simula na kami..

-------------------------

matapos ang ilang oras na pagwowork out...

"sige magpahinga ka muna.." sabi ni Gelo..

"ok po.."

"oh kamusta ang gig kagabi?"tanong ko sa kanya..

"ayun ayos naman, naka-8 kanta din kami kagabi eh ang sakit nga ng daliri ko."

sabay inabot nya sakin yung kamay nya,

"halata nga eh oh.. Kawawa naman tong kamay na toh, napaka-sipag kasi.." sabi ko, habang hinahaplos haplos ko yung kamay nya..

"hahaha! Malas nya lang ako nagmamay-ari sa kanya.."

"siguro kung nakakapagsalita lang toh, minura ka na. Hahahah"

"baliw, oh tara game na ulit tayo, another one hour na lang.."

"game.."

-------------------------------

after one hour.............

"sige, coach, mauna na ko sayo ha."

"ay teka lang.." sabi sakin ni gelo..

"bakit po?"

"tara kain muna tayo saglit, my treat.."

"ay wag na po, nakakahiya naman.."

"sus, wag ka na mahiya, gusto lang kitang matreat.."

"hmmmm."

"please?"

"sige na nga mapilit ka eh.."

"sige thankyou, teka magbibihis lang ako.."

"pakidaliaaaaaan, mahal ang oras ko.."pabiro kong sinabi sa kanya..

----------------------------------

"mukhang poporma sayo yan si Gelo, louise ah.."biro sakin ni Lea..

"sus, ano ka ba! Loka ka talaga.." yan nalang nasabi ko..

---------------------

"shall we go?" sabay abot ng kamay si Gelo..

Tinignan ko lang sya tapos tinapik ang kamay nya..

"psh.. Tara na nga."

"sungit naman neto."

tinignan ko sya, sabay nginitian at inakbayan ko sya.. Kahit na matangkad sya sakin..

"biro lang coach.." sabay tingin sa kanya..

-------------------------

matagal na kaming magkakilala, kaya naman yung mga ganung bagay wala nang malisya..

Closefriend ko si Gelo..

Isa sa mga taong, importante at nagbibigay ngiti sa akin.. :)

(itutuloy....)

Whatever It Takes.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon