(chapter.1)
*ika Limang araw sa trabaho ngayon ni jastin sa mansyon ng villafuente maaga syang gumising para tumulong kay manang cita sa kusina kahit na hindi nya sakop ang mga gawain ay tumutulong sya dahil wala naman syang gagawin.
>oh jastin ang aga pa ha? ang aga mo yata gumising?
""tanong ni manang cita sa kanya habang papasok sa kusina""
>opo.. medyo maaga naman po kase akong nakatulog kagabi.. wala din naman po akong gagawin ngayon.. wala naman sila senyora.. haaay manang cita paano po ako matatawagh na personal maid kung wala naman po ang mga pagsisilbihan ko nakakahiya naman po kung wala akong gagawin dito?
"pabugtong hininga na tugon ni jastin habang nag hihiwa ng patatas"
**pumunta kase ang mag asawang villafuente sa france para sa kanilang negosyo at isang buwan din mawawala ang mga ito.. kaya naman hindi alam ni jastin kung anong gagawin nya dahil wala naman ang kanyang mga amo na mg uutos sa kanya....
>ganun talaga jastin, kung ano ang tungkulin na itinoka sayo na gagawin mo dito sa mansyon, yun lang ang dapat na gagawain mo, dahil sa dami ng katulong dito halos lahat may kanya-kanyang gawain at trabaho at hindi ka obligadong gawin ang mga gawain na hindi para sayo, tulad ngayon? hindi mo ako dapat tinutulungan dito sa kusina dahil si martha ang dapat na gumagawa nyan?
>hayaan nyo na po manang cita ok lang po sa akin wala naman pong masama kung tutulungan ko kayo dito sa kusina ^_^
"naka ngiting sabi ni jastin habang hinihiwa naman ngayon ang patatas"
>bakit po parang napaka dami nyo yatang iluluto nagyon? may handaan po ba? parang pang fiesta po yata ang iluluto nyo?
"nagtatakang tanong nito"
>tumawag kase si senyora kanina mag luto daw ako ng masasarap dahil darating daw si.................
>manang.........manang cita si senyora nasa kabiLang linya gusto daw kayong maka usap
"humahangos na sabi ni john na isa sa hardero sa mansyon... agad namang tinungo ni manang cita ang telepono at kinausap ang senyora.....
pag balik nito sa kusina ay masaya ang mukha nito
>ahh jastin, kinakamusta ka sa akin ni senyora, ipaalala ko daw saiyo na hindi mo daw kailangan pagurin ang sarili mo sa mga gawain dito.. alam mo iha magaan ang loob sayo nila senyora natutuwa ako dahil sa palagay ko iisa kami ng nakikita at nararamdaman sayo...
>po? ano po ang......
>mabait ka at madali kang makagaanan ng loob, kaya naman gaunun na lang din sayo sila sentora... at isa pa.... masipag ka! hindi kagaya ng iba dito inaabuso ang kabaitan nila senyor at senyora.. kagaya ngayon dapat gising na ang mga yun pero dahil wala sila ang mga amo kanya-kanyang hilik pa...walang ginawa kundi ang mag tsismisan..hay naku
saglit lang jastin at gigisingin ko na ang mga yun madaming dapat gawin sa araw nato..mag almusal ka na jan ha...
"sabay talikod ni manang cita para tunguhin ang maids room. Naiwan naman si jastin na medyo naguguluhan..ipinag patuloy na lang nya ang pag hihiwa ng mga gulay... nag almusal narin ito at maya maya pa ay nag pasukan na ang mga katulong upang mag almusal din at umpisahan na ang bawat gawi........
"sa daming katulong sa mansyon ay nahihirapan syang matandaan ang pangalan ng mga ito kahit na ipinakilala na sya sa bawat isa mula sa dalawang driver, dalawang hardenero, tatlong boy at Labing isang katulong na nag t-trabaho din sa mansyon.
naisip na lang nya na ganun pala kalaki ang mansyon para mag karoon ng maraming kasambahay,
totoo naman talagang malaki ang mansyon ng villafuente dahil mula ng unang araw na dumating sya dito ay ang kusina, sala, at maids room pa lang ng kanyang napupuntahan pakiwari nya kase ay pag nag lakad sya mag isa para libutin ito ay hindi na nya mahahanap ang daan patungo sa maids room sa sobrang daming kwarto at sa sobrang dami ng pasilyo. para kang pumasok sa isang kastilyo na napapaligiran ng mga gold ang gamit at maraming hagdan na paikot nagold din ang hawakan.
parang isang 5 star hotel na kabilaan ang mga kwarto, may sariling bar at swimming pooL, at ang pinaka main living room ay pwedeng mag ballroom ang isang daang tao.. ganun kalaki ang mansyon ng villafuente,
**at para sa dalawang my edad ng mag asawa hindi ba sila nalulungkot na dalawa lamang silang nakatira sa mala palasyong mansyon na ito? may anak kaya sila? o kung meron man nasaan? baka may naman may kanya-kanya ng pamilya at nakahiwalay sa kanila?
"tanong ni jastin sa sarili.......
>biLisan nyo ng tapusin ang trabaho nyo......at mamaya lang nandito na..............................
ayy grabe mag aalas dyes na paLa hindi ko pa tapos Lutuin itong kaldereta!
"palahaw ni manang cita habang nag hahalo ng rekado sa sinigang. halos nakaluto na sya ng apat na putahe. mabilis naman nakaluto dahil marami namang Lutuan..at ngayonnag luluto naman sya ng kaldereta
napatingin sa orasan si jastin hindi na nya namalayan ang oras matagal tagl na rin pala syang nag hihiwa ng mga gulay kasama ni martha habang nananaginip nanaman sya ng gising.. kaya hindi nya namalayan na mag aalas dyes na pala ng umaga...
na-ngangarap kase sya na isa syang prinsesa sa palasyo at isinasayaw sya ng kanyang prinsepe sa harap ng naparaming tao...at ngayon nagising nanaman sya sa katotohanan na isa syang nangangarap na muchaha..
>manang ano po bang meron ngayon at parang lahat ay abala.......
"tanong ni jastin kay manang cita habang tinitikman ang niluluto"
> hindi mo pa pala alam jastin?darating si sen........................
araaaaaaaaaaay.....
sigaw ni martha habang patakbong tinungo ang lababo at hinugasan ang dumudugong daliri.
>ayan kase nag uumpisa ka nanaman ng chismis eh
"patawa tawa at napapailing na sabi ni manang cita"
> ay sya nga pala jastin paki hanap naman si toni paki sabi may sasabihin ako sa kanya tumungo kamo sya dito sa kusina....
""si mang toni ay matagal ng driver ng villafuente at pinag kakatiwalaan ito ng mag asawa sa ingat mag maneho at sa pagiging matapat at mabait nito, simang cita naman ay ang pinaka matagal at pinaka matandang kasambahay sa mansyon, hindi na itinuring ni senyora leonor at don romualdo na iba si manang cita dahil sa halos hindi na nakapag asawa ang matanda at di na nag kapamilya dahil sa pag aasikaso sa mansyon gayun pa man masaya si mang cita dahil pamilya ang turing sa kanya ng mga ito..........
******nag Lalakad si jastin para hanapin si mang toni ngunit pakiramdam nya ay naliligaw na sya nawili kase sya sa pag tingin sa mga nag lalakihan at nag gagandahang mga paintings na kasabit sa pader.......
> ang ganda ganda naman ng mga painting nato parang totoo buhay na buhay at deLtalyado.. napaka husay ng kamay ng gumawa nito..
"bulong nya sa sarili habang pinag mamasdan ang mga paintings.......
hangang sa may isang painting sya na nakita na umagaw ng kanyang pansin.....
ramdam na ramdam nya ang kaLungkutan sa painting na iyon, hindi sya pintor pero hindi nya mawari kung bakit nararamdaman nya nag damdaming gustong ipahayag ng painting na yon...
matagal tagal din nya itong tinitigan.. may napansin syang nakasulat sa ilalim ng painting binasa nya iyon
"missing puzzle"
jared v.
"napakunot ang nuo nya hindi nya maintindihan ang sinasabi ng sulat
hangang sa naalala nya na kailangan nya palang hanapin si mang toni......
tumakbo sya pabalik sa kusina dahil hindi nya alam kung saan pupunta naliligaw na sya aminadon syang tatanga tanga...
c_C
ngunit pag dating nya sa kusina ay wala ng tao........
>saan na kaya sila??
matagal ba akong nawala? baka ako na hinahanap nila..
halaaaah......
"akmang lalabas na si jastin sa kusina ng matabig nya ang basket na pinaglalagyan ng kamote at gumulong ito sa sahig... dinampot nya ito isa-isa.
BINABASA MO ANG
i'm just a DREAMER..
عاطفية********May pag asa pa kaya ang Lihim na pag mamahaL ni jastin para kay jared, gayung napaka Laki ng pag kakaiba niLang daLawa. si jared ay ang nag iisang anak ng kiLaLa at nirerespetong pamiLya, may mataas na pinag aralan. mayaman, at higit sa lah...
