Prologue

6 1 0
                                    

SHEENA's P.O.V.

"Nakikita mo ako?" Nanlalaking tanong ng lalaking kausap ko.

Grabe. Ang gwapo n'ya ang puti pa. Bagay pa sa kanya ang outfit n'ya. Parang model. Siguro may abs din s'ya.

Hoy Sheng! Ano ba!

"Oo bakit? Hindi naman ako bulag!" Sabi ko sa kanya.


"Bakit mo ako nakikita? Hindi ako nakikita ng iba." Takang sabi nito.

Gwapo sana kaso weird.

Tumawa ako. "Sino ka ba? Bakit hindi ka nakikita ng iba?" Natatawang tanong ko. "Ano ka? Invisible?" Tapos ay tumawa ako.

Kaloka! Hindi daw s'ya nakikita ng iba. Ano s'ya? Multo? Pero in fairness ha. Gwapong multo.

"Bakit ka ba tumatawa? Seryoso ako." Inis na sabi nito.

Tumigil ako sa kakatawa. Seryoso nga s'ya. Halatang seryoso s'ya.

"Walang ibang nakakakita sa'kin maliban sa mga kaluluwa." Nanlaki ang mata n'ya at parang nagulat pa ito. Tila ba may nasabi s'yang mali.

Napakunot naman ang noo ko. Walang nakakakita sa kanya maliban sa mga kaluluwa?

"Pfft! Hahaha." Muli ako tumawa. "Alam mo gwapo ka sana. Kaso ang corny mo. Ano ako? Bata para maniwala sa'yo?"

"Tumahimik ka kung ayaw mong halikan kita."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. A-ano daw?

Halatang nagulat din s'ya sa sinabi n'ya. Pero maya-maya ay bumalik na din ang dati n'yang ekspresyon sa mukha.

Hindi ako nakagalaw nang bigla s'yang lumapit sa'kin. He pulled me closer to him.

"Hoy!" Nagpumiglas ako. "Hoy ang kapal ng mukha mong hawakan ako."

Hindi s'ya umimik. Kinabahan ako ng pinikit n'ya ang mata n'ya.

W-wait! Ano ang gagawin n'ya. A-ano 'to?

"Nakikiusap ako. Ipikit mo ang mga mata mo." Sabi nito.

Nagtaasan naman ang mga balahibo ko sa sinabi n' ya.

Pilit akong nagpumiglas pero hindi n'ya ako binitawan.

Pumikit ako nang mas lalong lumapit ang mukha n'ya. Ano ba 'tong ginagawa ko. Bakit ako pumikit?

"Gagawin ko 'to upang makalimutan tayo. Walang tao ang dapat na makakakita sa'kin at nakakaalam kung sino ako. Kahit isa."

I can feel his breathe. And suddenly I feel the soft thing on my lips.

The next thing happen, I faint.

The Grim ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon