Chapter 1: Savior Grim Reaper

5 1 0
                                    

SHEENA's P.O.V.

"Sheena, please? Bumalik ka na sa'kin." Pagmamakaawa ng ex boyfriend ko sa'kin.

"Ayaw ko na nga sa'yo." Inis na sabi ko.

Kanina pa ako naiinis habang naglalakad. Sunod naman ng sunod ang lalaking 'to sa'kin.

S'ya si Ken. Ex boyfriend ko. Naghiwalay kami kasi babaero s'ya. Playboy naman talaga s'ya simula pa lang. Pero pinaniwala n'ya akong nagbago na s'ya. 'Yon pala ay hindi pa.

"Sheena, please?"

"Ano ba! Lumayas ka nga." Inis na pagtataboy ko sa kanya.

Nanatili pa rin itong nakasunod sa'kin.

"Siguro may iba ka na kaya ayaw mo na sa'kin."

Huminto ako at hinarap s'ya. Tinaasan ko s'ya ng isang kilay.

"Ako pa talaga? Ako pa talaga ang pinamukha mong may kasalanan." Sarcastic na sabi ko.

S'ya nga 'tong babaero tapos ako ang pagsasabihan n'ya ng gano'n? Hindi rin naman makapal ang mukha n'ya.

"Sinasabi ko naman kasi sa'yo na wala nga lang iyon." Halatang frustrated na s'ya sa kakaulit na wala lang daw ang babaeng kasama n'ya sa condo n'ya ng isang gabi.

Wala lang? Ano ako? Tanga? Para isiping wala lang 'yon? Ano 'yon? Nagpapapasok s'ya ng babae sa condo n'ya na wala lang?

"Mamatay ka na." Hiling ko para sa kanya bago ko s'ya tinalikuran. Nakakainis.

Oo masakit pero nadala na ako. May mga bagay talaga na kapag nasaktan ka nadadala ka na. Ang pinagtataka ko nga lang ngayon ay kung bakit hindi naman ako nasaktan ng todo. 'Yong sakit na light lang. Hays ewan. Bahala na nga s'ya   sa buhay n'ya.

"Sheena!"

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may biglang humila sa'kin. At sa mismong harap ko ay may dumaan na kotse at bumangga iyon sa isang shop.

Muling may humila sa'kin kaya lalo akong napalayo sa shop kung saan naganap ang isang aksidente. Kasunod no'n ay ang pagtili ng mga taong nakakita sa pangyayari.

Napako ako sa kinatayuan ko. Muntikan na akong mamatay. Muntikan na akong madamay sa aksidente.

Lumingon ako sa likod ko para tignan ang taong humili sa'kin. Wala.

Pero may nakita akong isang lalaki na naglalakad palayo. Nakasuot ito ng black jacket na may hood. Malakas ang kutob ko na s'ya ang nagligtas sa'kin.

Tatakbo na sana ako papalapit sa taong 'yon nang biglang nagsitakbuhan ang mga tao papalapit sa'kin. Iniwasan ko sila at nagpatuloy sa paghahabol sa lalaking 'yon.

"Sheena!"

Biglang may humawak sa braso ko. Tinignan ko kung sino 'yon. Si Ken.

"Ayos ka lang?" Tanong nito sa'kin.

Hindi ko s'ya sinagot at muling tinignan ang lalaking naka-hood kanina.

Pero wala na s'ya.

AXYL's P.O.V.

"Saan ka galing?" Tanong sa akin ng pinuno ng grim reaper.

The Grim ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon