PART II: Ichigo
Ngayon ang unang araw ko sa Unibersidad na ito. Sariwa parin saakin ang nangyari kahapon pero desidido akong makita uli ang misteryosong lalaking iyon.
May kung ano na bumubulong saakin na sya ang sagot sa lahat. Siya ang makatutulong saakin.
Binalikan ko muli ang lugar kung saan ko sya nakita ngunit wala akong nakita. Hindi kona matandaan kung nasaan ang lugar na puno ng mga libro at sirang pinaglumaan na upuan.
Nasaan kaya siya? Alam kong dito rin sya nag aaral kaya magkakasalubong at magkakasalubong rin ang aming landas.
Ang kanyang buhok at pulang mata ang aking magsisilbing pala tandaan. Malakas ang kutob ko na may maitutulong ka saakin.
Pumasok ako sa silid na akoy nararapat. Nagulat ako sa sobrang tahimik ng silid na ito. Ang mga kaklasi ko ay tuwid na naka upo at duretcho ang tingin sa pisara. Walang umiimik isa man sakanila.
Sa sobrang katahimikan ay mga yabag lang ng sapatos ko ang maririnig. Umupo ako malapit samay bintana sa huling hanay ng mga upuan.
Wala panamang guro ngunit kung umasta ang mga kaklasi ko ay parang lalamunin sila ng kanilang kinauupuan sa isang galaw lang nila.
Nilabas ko ang libro ko at nagbasa nalang. Ngunit lumipas ang ilang minuto ng wala paring umiimik sa mga kaklase ko. Ano bang problema nila? School rules ba to?
**BLAAAGG!**
Halos mabingi ako sa ingay na iyon na nagmula sa pintuan. Ngunit wala paring imik ang mga kaklase ko bagkus ay inayos pa nila ang pagkaka upo nila.
Nilingon ko kung sino ang mala haring pumasok na iyon. Nagsalubong ang dakawang kilay ko sa tatlong lalaki na naka uniporme na pumasok.
Napansin ko ang lalaking kulay ponkan ang buhok. Napatayo ako sa nakita ko, siya yon!
Ngunit laking pagtataka ko ng tumingin ito saakin. Hindi pula ang kanyang mga mata. Paano nangyari iyon? Yung buhok nya... alam kong sya yon pero bakit asul ang kanyang mata?
"Hindi mo ba nakikita ang mga kasama mo dito?" Maangas na tanong saakin ng isa nitong kasama.
"Syempre may mata ako kaya nakikita ko" kalmadong sagot ko. Nagpapatawa ba sya?
"Transferee huh?" Sabi naman nung isa pa nilang kasama.
Hindi ako sumagot. Tinitigan kilang sila ng malumanay. Pinaningkitan ako ng mata ng isa sakanila na unang nagtanong saakin.
"Dahil bagong salta kalang pagbibigyan ka namin. Pero sa susunod hindi na." Sabi nito.
"Ano bang pinagsasabi nyo?" Naguguluhang tanong ko sakanilang tatlo. Ano pang gusto nilang sabibin?
"Dahil kaklasi ka namin, you should follow our rules" malamig na sambit nung ikalawang nagtanong saakin.
"Kayo? Rules? Nagpapatawa ba kayo? Sino ba kayo sa inaakala niyo? At kelan pa kayo nagka rules sa skwelahang ito? Sino ba kayo ha?!" Pagmamyabang ko. Syempre magmamayabang ako dahil katulad ko, estudyante rin sila ng unibersidad na ito.
"HaHaHa" nagulat ako ng humalakhak yung lalaking unang nagtanong saakin. Ngayon nababaliw nman ata ang mga to.
Ngumisi naman yung lalaking ikalawang nagtanong saakin. Problema nila? P*ta.
Pero natuon ang pansin ko sa lalaking kulay ponkan ang buhok. Nakangisi rin ito at naka ekis ang dalawang kamay.
"Hindi mo pala kami kilala huh" Sambit uli nung si guy number 1.
YOU ARE READING
SECRET SECTION
RomanceIsang malaking pagsubok ang dumating, lahat ay nawala't naglaho. Lahat ng saaki'y kanyang kinuha. Hintayin mo ang araw ng paniningil ko sa lahat ng kasalanan mo. Ang skwelahang pambira at kakaiba. Ang skwelahang may lihim na ikinukubli. Sagot kaya'y...