Who's Home?

15 0 0
                                    

My Housekeeper and I
nineteenintynine
**

Bella

Isa lang naman ang di ko malilimutang bilin ng tatay ko at yun ay maging mabait ako sa kapwa ko tao. Tinanong ko si tatay paano kapag hayop - sabi niya tao o hayop, may buhay o wala they must be respected pa rin. See? Ang bait ng tatay ko kaso di ako nagmana sa kanya. Pero syempre biro lang yun multuhin pa ako dito.

Maaga akong gumising kasi baka traffic na naman sa daan ngayon. Kahapon kasi pinagalitan ako ng Sir kung gwapo pero ubod naman ng kasamaan kulang na lang tumubo yung sunggay at pangil niya.

Nasa isang apartment ako nakatira. Ako lang mag-isa dito simula nung nawala si tatay ako na lang mag-isa. Yung nanay ko kasi sumakabilang bahay na ayun sumama sa kabit niyang mayaman. Pogi naman yung tatay ko kaso wala lang talaga siyang pera kaya iniwan ng magaling kong nanay.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto bilang nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Bakit ang linis ng bahay? Dumalaw ba si tatay dito? Wag naman sana. Bumaba ako ng hagdan at tama nga nawala yung mga kalat pati alikabok wala rin.

"Di naman ako kumuha ng maid ah." Bulong ko sa sarili ko. Hindi rin naman Sabado ngayon, di rin naman siguro ako lasing para maglinis ng bahay, diba?

Sa pagbaba ko ng hagdan nakalanghap ako ng adobong manok?!! Don't tell me may multo na sa pamamahay ko. Biglang kumulo yung tiyan ko ang sarap ba naman kasi ng amoy. Dahan-dahan akong naglakad papuntang kusina baka kasi may alien or what sa bahay ko. Kinuha ko yung walis tambo at dust pan sa corner para naman may pangshield ako.

Nagtago ako sa may gilid at sinilip ko kung sino ang nasa kusina pero walang tao. Sinilip ko sa ilalim ng lamesa pero wala rin. Baka trap to? Aish bakit ba ako nag-iisip ng ganito.

"Sinong sinisilip mo diyan?"

"May nakapasok kasi sa bahay ko."

"Wala namang tao sa kusina."

"Kaya nga eh nagbabakasakali akong may tao or baka ibang elemento na sa bahay ko."

"Ganun ba? Gusto mo tulungan kita?"

"Sige hanapin na -- teka ..."

Bigla akong napahinto sa pagsasalita. Sinong yung kausap ko at bakit kami nagbubulong-bulungan? Baliw na ba ako or what? Wait don't tell me multo yung nasa likod ko. Bahagyang tumaas ang balahibo ko.

Ramdam ko yung paghinga ng isang elemento na di ko batid kung sino sa likod ko. Bumigat lalo yung hininga ko pati ka kamay ko nanginginig. Magnanakaw ba siya? Papatayon niya ba ako? Aswang ba siya? Paano siya naka pasok dito? Humigpit ang hawak ko sa walis at dust pan. There's no time to waste with, pagbilang ko ng tatlo papaluin mo siya Bella okay?

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

*breath in*

"AAAAAHHHHHHHHHHHhhhhhhhhhhh nasaan na yun? Bakit nawala?!!" Umikot ako pero nawala siya. Saan nag punta yun?

"Miss ibaba mo na yang walis at dust pan kumain na tayo." Nanlaki ang mata ko nang marinig ulit ang boses niya. Lumingon ako sa kusina at nakakita ako ng isang lalaki. Wait LALAKI??!!!

LALAKI???!!!

Kailan pa ako nagdala ng lalaki sa bahay!?? Never akong nagdala ng lalaki dito at never talaga akong magdadala ng lalaki dito pero bakit may lalaki dito? Na lock ko naman yung pinto kagabi ah!

"SINO KA!!?? AT ANONG GINAGAWA MO DITO!!??? PAANO KA NAKAPASOK? SINONG NAGSABI SAYO NA PUMASOK KA HA?! AT BAKIT NASA LOOB KA NG BAHAY KO? ALAM MO BANG BAWAL ANG MGA LALAKING KATULAD MO HA!" Lumapit ako habang hawak yung mga sandata ko ihahampas ko na sana sa kanya ng bigla akong ....

My Dearest HousekeeperWhere stories live. Discover now