2

18 1 0
                                    

Kauuwi ko lang, napansin kong bukas yung main door nung binuksan ko yung gate. Baka may magnanakaw na nakapasok. Di ko marinig ang nasa paligid, siguro dahil na rin sa sobrang kaba ko.

May nakita akong pang spray tapos kinuha ko yun para naman may sandata ako. Baka ang magnanakaw nakapasok sa bahay. Ako at si mama lang naman ang may susi sa bahay ko. Impossible namang siya kasi, nasa Cebu siya ngayon.

Lumakad na ko papasok. Dala dala ang sandata ko at tumangkang sumugod sa kalaban.

Nakakita ako ng mga box sa sala. Confirm nga magnanakaw. Habang tinatahak ko ang kusina lalong bimibilis yung tibok ng puso ko.

Naramdam kong lumakad na siya kaya tumago ako sa likod nung pinto ng kusina. Habang papalapit siya hinahanda ko na yung sandata ko. Kaya nung nakalabas na ito. Inisprayhan ko na siya habang nakapikit. Eh, anong gagawin ko kung pangit yung magnanakaw baka himatayin pa ko kung ganun.

"Ano ba yan Shilby Corpeso ang baho ng style mo. Pipili ka nalang ng sandata spray pa. At isa pa, anong akala mo sakin? Magnanakaw? Sa ganda kong to, mapagkakamalan mo?" Sabi pa nitong kaibigan ko.

"Aba nagsasalita na pala ngayon ang paa? Kita mo naman, oh? Napakacreative ni God" Halos himatayin na ko kanina kakaisip kong kamatayan ko na ba. Tapos paa lang pala ang makikita ko? Nakakadisappoint. Pero charot lang ayoko pang mamatay, sayang naman lahi ko kung ganun.

"Walangya, lagi mo kong linalait" Mangiyak ngiyak na sumbat niya

"Aba? Kasalanan ko ba kung ganyan mukha mo, paa? At anong ginagawa mo dito at nambubulabog ka nanaman?" Charot lang yung 'mukha paa tong kaibigan ko' wala pa kong nagiging kaibigan na mukha paa.

"Ako PO ang inutusan ng mama mo na ipadala sayo yun oh" Sabay turo niya sa mga box na nasa sala "At dahil nga mabait PO ako, umoo PO ako sa offer ng mama mo" Grabe makadiin tong paang to. Kala mo naman kinabait niya. Siya nga tong kumakalat ng sakit na landi. Oo, SIYA, siya yung kaibigan kong makati na sinasabi ko kanina. Siya ang may pasimuno ng kalandian dito sa Pilipinas. Ng dahil sa kanya pati utak ko, nilulumot na.

"Ay? Aba't napakabait naman ni Papa God at binigyan ang paa ng mga kamay" Nakita ko sa mga mata niya ang inis kaya bumawi ako ng puri "Pero infairness paa, ikaw palang ang nakita kong paang maganda, salamat naman sa effort mo" Tapos ngumiti pa ko para di halatang plinaplastic ko siya. Pero charot lang never akong nagplastic. Prinaprangka ko kapag ayoko sa isang tao, kaya uunti lang mga friends ko.

"Ganun ba? Sige na nga, bati na tayo mwuaps" Sabay nag flying kiss yung paa "Pero Shilbs may isa pa kong ibabalita sayo" Halata namang excited siya eh noh?

"Uhm? Ano naman yun? Siguraduhin mo lang na matino yang ikwekwento mo" Halata sa tono ng boses ko na di intresado, pero ayaw paawat yung paa nagkwento pa rin.

"Shilbs nakita mo na ba yung pinsan ko? Bagong lipat lang. Dito na daw sila mag stay for good. Diba ang ganda ng balita ko?" Tapos parang kuminang kinang pa yung mga mata niya. Ang OA tangna basta yung masayang masaya. Ang hirap i-discribe.

"Sand?" Tumayo na ko para tingnan yung mga padala ni mama "Punta ka sa kwarto" Dugtong ko sa sinabi ko. Masaya siyang tumayo para sumunod sa sinabi ko.

"Oh? Bakit?" Sabi niya ng may saya

"Dun mo hanapin pake ko" Hahakbang na sana siya nung nakuha niya yung pinapahiwatig ko. Timingin siya sakin ng masama.

"Ewan ko sayo, bahala ka nga giyan. Di kita irereto dun. Makaalis na nga nakakabwesit ka hmmmmp" Padabog naman siyang umalis ng bahay. Ewan ko dun napaka immature. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Ang gaganda talaga ng mga pinamili sakin ni mama. Kaya love na love ko yun, nabibili niya yung mga gusto kong ipabili.

Naalala ko lang na may bagong lipat kaya pumunta na ko sa kusina para mag experiment.

AFTER A WHILE...

"Ang sarap ko talagang mag bake" Buti nalang at namana ko kay mama ang pagiging magaling na cook.

Iniwan ko mula sa fridge yung ginawa kong cake para makapag ayos ayos lang ng konti nakakahiya naman kung ibibigay ko yung napakaganda at napakasarap na cake ko kung mismong gumawa naman ay dugyot.

Kaya pumunta na ko sa taas. Simpleng cream na croptop tapos faded na ripped jeans pinares sa puting rubber shoes. Di naman ako lalakad kaya yun lang muna yung sinuot ko. Isa pa di naman ako mahilig sa kikay na damit kaya yun na pinili ko. Di naman ako pupunta sa kanila para magpaganda. Ano siya chics? Sayang naman ganda ko kung ako unang dadamoves. So, ano? Nag-eexpect ako? Charot lang. Di nama ako assumera para mag assume na may gusto yun sakin at dumamoves siya sakin.

So, ayun nga after kong mag-ayos kinuha ko na sa kusina yung cake tapos lumabas na para tahakin ang daan papunta sa kanila habang kumakanta ng favorite kantahin ni Dora. Malapit lang naman kaya di ako nahirapan bibitin tong dala dala ko.

Nung nasa harapan na ko ng pinto nila. Pinindot ko yung doorbell kasabay nun tumingin ako sa monitor. Narinig ko naman yung buzzer na pinindot, yung sa monitor para makita nila ko dito sa labas.

Inunahan ko na itong magsalita "Hi po, ako nga pala yung neighbor niyong katabi ng bahay niyo. May cake po ako dala" Nung matapos akong magsalita nakita kong bumukas na yung pintuan sa harap ng bahay nila.

Laking gulat ko nalang nung makita kung sino yung nasa harapan ko.

"Uy Shilby kumusta ka na? Asan mama mo? Kala ko sasama siya para bigyan ulit kami ng cake. Namiss ko cake niyo, ang sarap sarap. Tagal ko ng di nalasahan. Pasok ka" Wala sa katinuan ay sumunod nalang ako sa sinabi niya.

Nung pumasok ako, parang bahay lang namin. Lahat ng angulo parehong pareho sa bahay namin.

"Shilby? Yung mga tanong ko si mo na sagot ni isa haha. Magsalita ka naman gyan. Dati naman at makwento ka, ah?" May konting pagkailang pa rin ako kahit close kami dati pa. Pero kasi limang taon na nang di kami nagkita.

"Okay lang naman po. Si mama nasa Cebu po ngayon inaasikaso yung business namin dun" Ngumiti nalang ako.

"Ay ganun ba? Hihingiin ko nalang sayo mama yung number niya. Namiss ko rin yun, eh. Nga pala si Hugene nasa taas. Puntahan mo nalang, alam kong namimiss mo na rin yung anak kong yun" Tapos kinindatan pa ko ni Tita.

Tita lang tawag ko sa kanya kasi friends sila ni mama hindi magkadugo.

Si Hugene pala yung nakausap ko kaninang umaga. Ang laki ng pinagbago niya. Dati naman payatot yun, di ko na tuloy siya malalait ang laki na ng katawan niya, malaman. Yung minamanyak ko pala kanina yung kababata ko, nakakaiyak. Ang dumi ng isip ko huhu. Kasalanan talaga to ni Sandy. Naku!

Di ko na namalayan na nasa harap na ko ng kwarto ni Hugene. May naririnig akong ingay sa loob. Embes na tumoktok ay tinawag ko nalang siya.

"Huge-ne!" Nautal nalang ako. Naiilang pa rin kasi ako lalo na dahil sa mga naiisip ko kanina. Minamanyak ko na yung kababata ko.

"Co-come in" Binuksan ko na ang pinto tutal sabi niya naman come in.

Kuyang HugeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon