Noong pipihitin ko na ang pinto, may naramdaman akong kakaiba, parang may sasalubong na mumu sakin pag pumasok ako dito. Parang may mangyayari?
May naririnig ako sa loob pero di ko iyon pinansin para kasi akong kinakabahan na ewan. Di ko naman alam ang rason kung bakit.
Kanina lang wala naman ako naramdaman na ganito. Nung inutusan lang ako ni Tita bigla nalang bumilis tibok nitong puso ko. Kinakabahan na ewan.
Ang daming pasikot sikot bago ako makapunta rito. Pero dahil nga magkaparehas lang ang mga bahay namin ay di ako nahirapan na hanapin ang kwarto niya.
Habang nag-iisip ay pinipihit ko na ang pinto. Di naman ako nahirapang makapasok dahil di naman nakalock ang pinto.
Nung nakapasok na ko, napaestatwa nalang ako sa nakita ko. Si Huge...
Nakita ko siyang may ginagawang kababalaghan habang may hawak na phone at nakaheadphone.
Dali-dali naman niyang in-off 'yun.
"S-shilbs?" Di ako nakakibo. Pati rin siya ay nagulat ng makita ako. Kala ko ay aasahan niya kong makikitang papasok dito? Narinig ko pa nga siyang nagsabi ng 'Come in' na pagsang ayon niyang makapasok ako.
Hindi ako nagulat sa pinaggagawa niya, mas nakakagulat ang hawak hawak niya. Ano nanaman ba 'tong pinagsasabi ko? Tuluyan na kong binabalot ng pagkalumot, pinaka iwas iwasan ko pa naman ito ng dahil sa kaibigan ko tuluyan nang nilulumot tong utak ko.
"Ba-kit.. bat ka nandirito?" Pag uulit niya napansin niya sigurong lutang ako. Obviously, sinong tao bang ang aakto ng normal kung ang makikita naman ay isang napakalaki- ERASE! ERASE!
Nagagawa niya pang magsalita? Nahuli ko pa nga siyang may ginagawa. Mahinahon na siya, nahimasmasan na. Di manlang siya nahiya? Parang sanay na siyang may nakakakita sa kanyang babae. Ewan! Basta ang bastos ko rin huhu. Minamanyak ko pala siya kanina? Tinititigan ko yung ano niya.
Buti di niya iyon nahalata na nakadungaw lang ako dun sa kaibigan niya habang nagsasalita siya? Pero baka napansin niya iyon? Ano nalang iisipin niya? Ang landi nung mga mata kooooo.
"Anong ginagawa mo?" Dun ko lang napansin na sinasabunotan ko na pala ang sarili ko. Napalapit naman siya sakin at hinawakan niya ang dalawa kong kamay upang pigilan niya ang pagsabunot ko na ikinalaki ng aking mata at napa tingin sa mga kamay niya.
Napabitaw naman siya nang maalala niya na mula siya sa pag aano. Basta yung hindi nais kong makita kanina.
Di pa naman din siya nakapaghugas ng kamay tapos bigla bigla nalang siyang nanghahawak. Nung nakita ko kanina yung kaibigan niya nung hawakan na ako ay nakasara na ang kanyang zipper. Nadismay- ibig kong sabihin, ang bilis niya naman itong naitago.
Kanina lang ay hawak hawak niya ito. Pano niya nagawa iyon ng di ko napapansin? So pinansin ko nga?
Wait? What? Hindi. Hindi ko nais na pansinin iyo. Tama! Tama, hindi ko sinasadyang pagmasdan yun. Nabigla lang ako kaya habang nagsasalita siya ay nakatingin lang ako- mali! Basta
"Ah-ah eh pasensiya na -err may ginagawa ka pala, babalikan nalang kita mamaya pag -um tapos ka na" Matapos kong sabihin yon ay kumaripas na ko ng takbo palabas.
Mali pala ang dinig ko kaninaaaaaa
Uuwi nalang ako. Oo, mas mabuti pa ngang umiwi na ko. Kung nakikinig lang ako ng mabuti ay sana wala akong nakit-err. Basta mas masayang umuwi kaysa magtagal pa.
Bumaba na ko ng hagdan. Sakto, nakita ko si Tita at pinakiusapan siya.
"Tita Ainee uuwi na po ako samin hinihintay kasi ako dun nung kaibiga-" Ako
"Aunt Ainee! OMG namiss po kitaaaaa" Nung mapatingin ako kung sino yung nagtititili lumaki mga mata ko sa gulat. Yung dahilan ko ay nandidito. I guess mapapa stay pa ko dito ng matagal tagal pa.
Wala naman akong choice alam naman ni Tita na si Sandy lang ang best friend ko. Kaya yung rason ko kanina ay hindi na kapani paniwala.
Feeling ko tuloy sinadya nitong mangyari. Buti kung walang 'aksidenteng' nangyari kanina. Pero meron, eh. Buysit na buhay!
Kung trip niyo ko ngayon. Well sorry, pero wala ako sa mood makipagsabayan.