Maghihintay

16 1 0
                                    


hindi kita niloko! alam ko sa sarili ko na iyon ay totoo!

Iniwan kita dahil hindi ako sapat sa iyo! 

alam kong may mas makakapagpaligaya sayo,

 alam kong may mas makaka-intindi sa mga kalokohan at pangungulit mo! 

akala mo ikaw ay aking niloko? pero hindi mo alam ang totoo! 

TOTOO na inibig kita! 

TOTOO na seryoso ako sayo! 

Totoong mahal na mahal kita!

 totoo na iniwan kita, 

dahil akala ko yun ang tama! 

tama na isuko kita, 

tama na palayain ka,

 dahil alam ko na may mas karapatdapat pa!

 alam ko at ramdam ko na mahal mo ako! at gayun din ako, MAHAL DIN KITA! 

mahal na mahal!

pero mas pipiliin ko ang kalimutan at palayain ka! KALIMUTAN ANG DAPAT KALIMUTAN! AT PILIT IINTINDIHIN ANG KAPALARAN!

Ako sanay babalik sayo, dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang mawala ka at ang sakit-sakit dahil pinakawalan kita! pero huli na, 

huli na ng nalaman kong masaya ka na, OO MASAYA KA NA! sa piling ng iba! 

inakala kong magigig madali ang lahat, inakala ko na kapag lumayo ako itoy magiging sapat, ang sakit isipin na siya na ang dahilan sa bawat pag ngiti mo, ang sakit isipin na huli na ako, 

HULI NA BA TALAGA O MAY PAG-ASA PA?

alam ko na ang tanga-tanga ko dahil ikaw ay akong pinakawalan! dahil ikaw ay nilisan! nagsisisi ako sa pagbitiw sayo, ako sanay patawarin mo,

patawarin sa mga nagawang kasalanan

paratawin sa aking mga pagkukulang,

patawarin sa mga salitang binitiwan,

ako ngayon ang nanghihinayang!   sana maibabalik ko pa! sana may pag-asa pa! hanggang sana na lamang ba ako? OO! alam ko na kasalanan ko kung ba't  AKO nagkaganito! kung ba't TAYO nagkaganito, pero sanay patawarin mo, MAGHIHINTAY AKO

MAGHIHINTAY AKO! 

MAGHIHINTAY SAYO!

MAGHIHINTAY AKO SAYO! 

HANGGANG SA MAIBABALIK KO ANG DATING TAYO!



SPOKEN WORDS POETRYWhere stories live. Discover now