LIMOT

17 0 0
                                    

Naaalala mo pa ba yung mga katagang binitiwan mo? Yung mga katagang nagpatibok ng puso ko? Yung mga katagang "hanggang sa dulo ang pagmamahal ko at walang magbabago" yung mga katagang kay tamis at akoy napabighani mo ngunit ako palay iyong pinaglololoko! Mga pangakoy napako at naglaho! Yung mga matatamis na salita na iyong ipinaparinig saakin ng paulit-ulit...pero ngayon? Ang puso koy paulit-ulit na nagdurusa't nasasaktan,paulit-ulit nagtatanong kung hanggang kelan..
Hanggang kelan pa ba ako susuko?
Hanggang kelan pa ba ako magtitiis sa ganito?
Hanggang kelan ako magkakaganito?
Hanggang kelan ko ba mararanasan to? Yung sakit at hapdi na ipinaranas mo..
Hanggang kelan pa ba ako maniniwala sa mga katagang binitawan mo na akala koy totoo?

Ngayong a lam ko nang wala nang TAYO!
TAYO na nagsimula sa asaran,
TAYO na nagsimula sa biruan,
TAYO na naging totohanan at nagmahalan,
at TAYO na sa duloy nagkalimutan..
Totohanan nga ba? Nagmahalan nga ba? O ako lang ang tanging nagmahal at naging totoo sayo?

Ikaw! Ikaw ang dahilan sa pagsilay ng mga ngiti ko, ngunit ikaw ay lumayo, at ang nga katagang sinambit mo ay biglang naglaho..

Kahit ipamukha mo saakin na ikaw ay may bago? na pinalitan mo na ako? Kahit anong sabi mo saakin ng kung ano-ano...maghihintay pa rin ako

Ngunit hindi naman ako si tanga para hindi sumuko!
Pagod na pagod na ako..
Pagod na sa kahihintay sayo..
Dahil alam kong wala na talagang pag-asa na babalik ang dating tayo!
Pero sana naman kahit papaano'y maalala mo pa rin ako!
Paalam..ikaw ay aking palalayain
sa aking isip at damdamin..
Sanay iyong pahalagahan ang ating nagdaan..dahil ako? Patuloy ko pa rin itong babaunin at papahalagahan..

Tatandaan ko pa rin ang mukha mo, ang mga pangungulit mo,
Ang mga mata mo..
Ang nga halakhak mo...
Tatandaan ko pa rin yung dating TAYO..yung ikaw at ako! Yung ikaw na lumayo at yung ikaw na biglang nagbago.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN WORDS POETRYWhere stories live. Discover now