Chapter 2

6 1 0
                                    

After 10 minutes sa pag-libot2x sa bahay nila ay tinuro sa akin ni Soohyun ang kwarto na tutulugan ko. Isang kwarto na tamang-tama lang sa isang tao.

"Pasensya ka na Chaeyoung kung maliit at alikabok na tong kwarto." Sabi nya.

"Naku okay lang, ako dapat ang manghingi ng tawad sa'yo kasi nakitira pa ako sa inyo."

"Oh sya, magluluto pa ako ng dinner." Sabi nya at bumaba sa kwarto.

Ganda naman ng kwartong to, makikita mo yung view ng city. Para na din akong nakatira sa hotel.

Sinimulan ko nang linisin ang buong kwarto. Inabot ako ng 2-3 oras sa pagtatanggal ng mga alikabok sa kisame at sa sahig pero worth it naman. Pagkatapos ay nilagay ko ang bedsheet, unan, at kumot. Nilagay ko na din ang damit kosa closet.

After 30 minutes....
Natapos na ako sa paglilinis kaya mag sho-shower na ako. At dahil malinis naman ang CR dito sa kwarto, di ko na kailangan pang nilisin yung toilet dahil hindi naman ito nadumihan.

Matapos akong mag shower ay nagbihis ako ng damit pantulog at dumiretso sa kama at nagpahinga.

Knock! Knock! Knock!

"Chaeyoung kain na tayo, ready na ang dinner...." Sabi ni Soohyun na nasa pinto.

"Okay, nandyan na..." Sabi ko at lumabas sa kwarto at bumaba sa hagdanan at pumunta sa kusina.

Nakita ko na naghahanda sya ng rice, chicken, at pasta at saka juice.

"kain na tayo, maupo ka..."Aniya at umupo naman ako opposite sa kanya.

"Pasensya ka na kung yan lang yung hinanda ko kasi hindi pa ako nakapag grocery." Sambit nya.

"Naku, okay lang yun... Sya nga pala, dadating ba parents mo?"

"Pupunta daw sila sa ibang bansa para ipalago ang business nila." Sabi nya kaya tumango na lang ako.

"Saang lugar naman?"

"Sa Paris..."  Sagot nya habang kumakain.

"Sya nga pala, kailan ka ba hahanap ng trabaho?" Aniya.

"Bukas..." Sagot ko.

"Okay..."

"Sya nga pala nga pala Soohyun, Sorry sa nasabi ko sa canteen."

"Ikaw talaga, akala ko muntik na nyang marinig yun..."

"Mianhe..." Sabi ko at nag peace sign.

"Anong section nga pala sya?" Tanong nya.

"Section 4-C"

"It means na magkatabi lang natin sila?" SectionB kasi kami.

"Oo." Sabi ko habang tumatango.

Nagpatuloy kaming kumain habang nag-uusap, natapos kami at niligpit namin ang mga kinainan namin at saka hinugasan ang pinggan. Pagkatapos ay dumiretso  sa kwarto at natulog.

-Kinabukasan-

Gumising ako ng maaga para makaligo at makabihis na ng uniform, Pagkatapos ay kumain ng breakfast at saka naglakad papuntang school.  Sinabi na rin ni Soohyun na mauna na ako dahil may gagawinbpa daw sya ngayon bago umalis sa bahay.

-After Class-

Lumabas agad ako sa school para maghanap ng trabaho.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong papel na nakadikit sa poste...

"Wanted: Maid,18-20 years old. $100.00 (Php. 5000)/day. Contact no. 09302111997." Binasa ko yung detalye, napahinto naman ako ng mabasa ko '$100.00'

Nagdali-dali akong umuwi sa bahay nila Soohyun, saktong-sakto naman nandun sya sa sala kaya pinuntahan ko sya.

"Soohyun may load ka ba sa phone?" Tanong ko.

"meron, bakit?"

"Pwede ba akong makitawag?"

"Oo naman, ibalik mo yan sa akin kapag tapos ka nang tumawag Araseooo?" tumango naman ako saka ibinigay sa akin  ang phone nya at nagsimulang mag dial.

"Yeoboseo..."

[ Yeoboseo, who's this?     ]

" May nabasa po kasi ako sa poste malapit sa parke"

[ Yung 'wanted: maid'?    ]

"Opo, mag a-apply po sana ako. Saan po ba tayo magkita?"

[ #304, sa Seonyang Subdivision..   ]

"Sige po. Marami pong salamat...."

[ Walang anuman....   ] Nag hung-up naman ako saka ibinigay kay Soohyun saka pumasok sa kwarto at humiga.

"#304 Seonyang Subdivision?" Tanong ko sa sarili ko at bumangon na sa kama para shower....

Fallen in Love With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon